Chapter 18 - Dito ka sa tabi ko

7.8K 205 3
                                    

CHAPTER 18 - Dito ka sa tabi ko

"Anong mukha yan?" tanong sa akin ni Jade. Nandito kami ngayon sa mini forest. Katatapos lang din kasi naming kumain. Halata ko din na hindi na masyadong pumupunta si Jade sa tambayan nila. Minsan nabubuhusan pa rin ako ng kung ano-ano. Nababato ng kung ano-ano pero hindi ko na lamang pinapansin yun. Nasanay na siguro ako.

"Kailangan ko kasing itutor si Keil eh."

Napabuntong hininga siya. "Keil na naman. Diba nga sabi ko sayo dati, if you don't want to do just say it so."

"Hindi naman kasi ganun kadali eh. Paghindi ko siya itututor, mababawasan ng 30 percet yung grades ko.

"What the – That was against the protocol of this school!! Kakausapin ko siya" tumayo si Jade pero hinawakan ko siya.

"Ok lang ako Jade. Hindi naman siguro mahirap turuan ung pinsan mo." Sana talaga hindi siya gumawa ng mga kalukohan.

"CHELSEA!" napatayo na din ako ng makita ko si Kayleigh.

"Kaylei-"

*PAK*

Hindi ako makagalaw sa kinatatuyan ako. Hinawakan ko ang pisnge kong sinampal niya.

"How dare you Chelsea! I treated you like my friend o scratch that. You seemed like a sister to me! Tapos ganito pa ang gagawin mo? Nilalandi mo ang boyfriend ko!!"

Takang taka ako. Ano bang ginawa ko?

"Teka Kayleigh mali—"

Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinampal ulit.

"KayLeigh! STOP THAT!" inawat naman siya ni Jade.

"Siguro nilason mo ang isipan ni Ms. Guzman para ikaw ang magtutor kay Keil no? Para malandi at masolo mo ang boyfriend ko!! Damn you Chelsea! Maling tao ang kinalaban mo! Pagsisisihan mo ito."

Napaiyak na naman ako. Bakit sa tuwing napapalapit ako kay Keil napapahamak ako. Nang dahil din sa kanya nawalan ako ng kaibigan na laging nagtatanggol sa akin.

"You okay?" hindi ko na napigilang yakapin si Jade. "THEY SAID, THE HARDEST TIME TO CONTROLYOUR SOBBING WAS WHEN YOU'RE ACTING TOUGH BUT REALLY ALL YOU JUST TO DO IS TO BREAKDOWN. Kaya wag mong pigilan ang umiyak. Para mamaya, bukas, sa makalawa pagnangkita kayo ni Keil hindi kana iiyak."

Tama si Jade. Hindi na dapat akong umiyak. Gusto ko maging matapang. Pero hindi ko alam kung papaano. Kailangan ko nang iwasan si Keil. Oo. Tama. Tatapusin ko na talaga ang lahat.

Wala kaming pansinan that afternoon. Kahit na magkatabi lang kami. Lagi siyang tulog at bantay sarado siya ni Kayleigh. Bakit naging ganito na kacomplikado ang buhay ko?!

Pagkatapos ng isang subject namin ay hinila agad ako ni Kayleigh palabas ng room.

"Bakit ba?!" inis kong tanong sa kanya.

"Withdraw the tutortial session."

"You don't have to tell me. 'yun naman talaga ang gagawin ko eh." Tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ako sa braso.

"Siguraduhin mo lang." nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin.

Hindi ko na siya pinansin. Oo, sigurado ako. Kaya isaksak mo sa baga mo yang boyfriend mo! Tinabig ko ang kamay niya saka pumasok na sa room. Isasakripisyo ko na ang lahat kahit ang grades ko just to get rid of him.

Pagkatapos ng huling clase ay inayos ko na ang mga gamit ko. Okay. Hindi ko na lang siya papansinin. Iiwasan ko na lang siya.

"Baby Keil, hindi ka na daw pwdeng turuan ni Chelsea. Kasi-"

Nanlaki ang mata ko ng biglang hawakan ni Keil ang braso ko saka kinaladkad palabas.

"Keil!! Hindi na nga raw siya magtututro sayo!!" narinig kong sigaw ni Kayleigh.

Hinarap siya ni Keil saka ngumisi. "My Life, My rules. Back off Kayleigh."

Pagkasabi nun ay mabilis niya akong kinaladkad papuntang mini Forest.

"Ano ba Keil?? Bitiwan mo nga ako."

"Now sit! Let's start this fucking tutorial session!"

Hindi ako umupo. Nakatayo lang ako sa harap niya.

"Keil, ayoko na ngang turuan ka. Hindi mo ba narinig ang girlfriend mo? Siya na lang."

Paalis n asana ako ng hinawakan niya ako.

"Pagsinabi kong upo, umupo ka!!" sapilitan niya akong pinaupo sa upuang nasa harap niya. Nilabas na niya 'yung mga notes and book niya. I can't do this.

"Keil kasi.."

"Tingnan mo to, hindi ko to masyado maintindihan eh." Inabot niya sa akin yung book niya pero itinulak ko lang iyon pabalik sa kanya.

"Keil.. Makinig ka—"

"Fuck Chelsea. Can't you even be professional right now? Grades ang pinag-uusapan natin dito. Hindi love life. Hindi mga issues sa pagitan natin."

Tama si Keil. Hindi ko dapat pinapasok ang kung ano man ang maroon kami sa tutorial na ito. Bumuntong hininga na lang ako.

"Saan na ba ang hindi mo maintindhan?" kinuha ko yung book niya. "Yung ito, dapat ganito lang yan-"

"Dito ka sa tabi ko."

"Huh?"

"Don't get me wrong. Dito ka sa tabi ko para masundan ko 'yang tinuturo mo."

Aarrgh!! Welcome hell, once again.

*REACTIONS?

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon