Chapter 32 - He's already engaged

7.2K 186 3
                                    

CHAPTER 32 - He's already engaged

Ano ba? Akala ko nagbibiro lang siya na magdedate kami. Pero nandito kami ngayon sa EK.

"Seriously? Pumupunta ka sa dito?"

"Nope."

"Nope pala eh. Bakit tayo nandito?" he just shrugged his shoulder.

"Ay ewan." Naghanap na lang ako ng bench. Ano ba kasi nasa isip ng lalaking ito?

Gusto kong magtantrum. Kainis eh. Ginagawa ko lahat para magkabati kmi ni Keil tapos biglang ganun? Sa ginawa niya dapat magalit ako sa kanya eh. Pero d ko magawa. Pinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko.

Pagdilat ko bumungad agad sa akin ang isang cone ng ice cream.

"Strawberry!!" kinuha ko 'yung ice cream at tingnan siya ng masama.

"Don't worry, I prefer vanilla."

Sinimulan ko na nang dilaan yung ice cream ko.

"I don't like him."

Huh? "Who?"

"Keil."

"Why? He is your brother. You share the same blood."

"So?"

"So, it means you should love him."

"Love him? The hell with it."

"Ay ewan. Nauubusan ako ng English sayo!!" narinig ko siyang tumawa.

Sa subrang excite ko napatayo ako sabay turo sa kanya.

"You're laughing!! You're laughing!! Ang saya saya naman."

"Fool." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Bakit ba naaalala ko si Jade sa kanya? Bakit ba parehas sila ng gestures ni Jade?

"Magbati na kayo ni Keil." Pagpipilit ko sa kanya.

"Don't want." Sasagot pa sana ako ng biglang nagring 'yung phone ko. Si Papa? Bakit kaya?

"Hello Pa? uhmm. Opo. Saan po? Opo alam ko po. Sige sige po. Bye. Love you."

Pagkatapos ng tawag hinarap ko si Sean. Nakita kong hawak niya 'yung phone niya. Nagtetext ata.

"Ahh. Sean. Si papa. Tumawag. Next time na lang ulit tayo "MAGDATE". May pupuntahan pa ako."

"May pupuntahan din ako. Should I drive you?"

"Ah. Huwag na. okay lang ako. May pupuntahan ka din eh."

"Okay then."

Pagkaalis ni Sean ay nag-abang na alang ako ng taxi. Bakit kaya ako pinapapunta ni papa dun? Anong mayroon?

After ilang minutes na byahe ay nakarating din ako. Nakita ako ni mama kaya kinawayan niya ako.

"Ma, sorry. Nalate ako." Umupo ako sa tabi ni mama.

"Okay lang. Kakarating lang din naman niya eh." Huh? Niya? Sino? What's happening? Nahalata kong may kasama pala kami sa table.

"Ahh. Chelsea. Siya pala 'yung bestfriend ko." Sabi ni mama sa akin.

"Hello po." Nagbow ako tanda ng pag-galang.

"Oo nga. Maganda ang anak mo. Pasensiya na hija ah. Nagbanyo pa kasi siya eh." Siya? Sino? Naguguluhan na talaga ako. Hinayaan ko na lamang. I started eating na. Medyo gutom na din naman na ako eh.

"Oh. Anjan na pala siya eh." Sabi ni Papa. Si kuya na lang ang kulang, buong family na kami dito. Tse!

Nagulat ako ng iangat ko ang mukha ko. What the- anong ginagawa niya dito??

"Sean!"

"Chelsea!"

"Oh. Great! Magkakilala ba pala kayo." Singit ni papa.

"Sean anak. Siya si Chelsea. Ang mapapangasawa mo."

What?? Literal na naibuga ko kay Sean ang tubig na ininum ko. Ano to? Mapapangasawa?

"Ahh. Pasensiya kana Hijo ah. Nagulat lang siguro si Chelsea."

"Ma, hindi ako nagulat. Naloka ako!! Pano nangyari mapapangasawa ko si Sean? Ma, hindi kayo nagtanong sakin. Hindi nyo man lang pinaalam sakin "

"Chelsea. Umupo ka!" mautoridad a sabi ni papa.

Ano ba yan! Gusto kong umiyak. Parang hindi nila ako anak ah. Pumayag silang mamuhay ako indenpedently. Pero bakit ngayon pinipilit nila ako sa ayokong gawin? Parang hindi nila ako anak ah.

"Sa ayaw at gusto mo pakakasalan mo si Sean."

"Grabe pa. Bakit? Dahil ba sa mayaman sila?? Dahil ba pagkinasal na kami magkaka access ka na sa kayamanan nila?"

"Chelsea stop that! Alam mo namang hindi ganoon ang papa mo. Napagkasunduan namin ng Tita Kathy mo matagal na ipakasal ang mga anak namin." Sabat ni mama.

"And besides, tradition na kasi ito ng angkan namin hija. Kailangang i-arangged marriage ang mga anak na lalaki. Because mother knows best. At ikaw ang napili ko for Sean, Chelsea." Sabi ni tita Kathy na parang concern na concern.

Nakakatawa! Hindi ko kapigilang tumawa. "Is this some kind of joke? Or prank? C'mon ma. Malalaki na tayo for that."

"We're dead serious Chelsea. Pakakasal kayo ni Sean. Huwag mo kaming ipahiya." Matigas na sabi ni mama.

"But ma.."

"No more buts Chelsea." Sabat ni papa.

Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa mga nangyayari.

"Si Keil. Si Keil po Tita. Diba anak niyo din po si Keil? Bakit hindi na lang si Keil?!"

"Because he's already engaged." Sagot ni Sean habang nakatingin deretso sa mga mata ko.

Natahimik ako. Oo, tama siya. Engaged na si Keil. Tanga ko naman. Ikakasal na din siya. Tanggap na niya si Kayleigh. Ako? kaya ko bang tanggapin si Sean?

*ANO HA?? AYAN NA!! AYAN NA!! WAG NA PONG MAGPANIC .. HAHAHA .. REACTION PO?

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon