Chapter 30 - Fvck your sorry

7.2K 192 5
                                    

CHAPTER 30 - Fvck your Sorry

Nagpaiwan muna kami sa school para umpisahan na ang reseach paper na 'yun. As much as possible ayaw ko na siyang makapsama pa. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung mahal pa din niya ako. Kung Oo, bakit siya pumayag na ipakasal kay Kayleigh. Matigas ulo nun eh. Mas matigas pa sa bato.

"Are you even listen?! CHELSEA!!"

"Ay pusang bungi!! Ano ba??! Bakit ka ba nanini- Okay. Sorry." Bakit ba parang nawawala ako sa sarili ko kapag nakatingin siya sa akin?

"You know what, if you feel like you can't do it, ako na lang. I don't want to waste my saliva on you!" tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

"Keil.. Ano.. pwde ba tayong mag-usap?"

"What for? My time is precious Chelsea. Kung walang kwenta lang din naman yang sasabihin mo, wag ka nang magsalita."

"Keil.. kasi .. ano .. tungkol sa.."

"WHAT?!!" nabigla ako ng sumigaw si Keil. Nagsimula na din siyang mgalakad. Ano ba Chelsea. Umayos ka!

"I-IM S-SORRY!" sigaw ko pabalik. Napatigil siya.

Hinarap niya ako at tumawa ng mahina. "Sorry? Fuck your sorry Chelsea. Sorry? For what? For not loving me back? For choosing Jade over me? C'mon. You're nothing but a loser to me now. I just want you to stay away from me. Because every time you're near I can feel how stupid am I. stupid that I gave you my everything but you still choose to broke my heart."

Pagkasabi niya ay tuluyan na nga siyang umalis. Wala na akong lakas ng loob na pigilan o habulin man lang siya. Wala akong masabi. Grabe. Ang sakit pala! Sobrang sakit.

---

"ISHA PA NGA!! KUYA, ISHA PA PONG ALAK." sigaw ko dun sa bartender. Tsk! Alam kong bawal ang minor sa bar pero wala akong paki. Kayang kong lumusot.

"Madami ka nang nainum. Sigurado ka bang kaya mo pa?" tanong ni mamang Bartender. May tsura. Gwapo. Matipuno. Pero.. pero. Si Keil pa rin eh.

"ALAM MO KASHI KUYA, BROKEN HEARTED AKO NGAYON. KAYA PAGBIGYAN MO NA AKO!!"

"KAMPAI!!! CHEERZ!!" nakatawa kong sabi sabay taas ng baso ko.

Oo, medyo nahihilo na ako. Gusto ko nang magsuka pero ayoko. Hindi ako titigil hanggat hindi nawawala 'tong letcheng sakit na 'to.

"WOOOHH!! ISHA PA!! I-ISHA PA!! ANG SHAYA SHAY NA- A-ANO BA??!" hinawakan niya ako sa beywang saka hinila sa kung saan. Halos madapa pa nga ako dahil sa sobrang pagkahilo.

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING????!! WHY ARE YOU HERE??" galit niyang sigaw saka pilit akong hinaharap sa kanya.

Hinawakan ko ung mukha niya. Yung mata. Yung ilong. Yung kilay. Dinama ko ang mainit niyang balat. I unconsciously touch his lips. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napaiyak.

"Keil .. K-Kamukha mo... kamukha mo si... si K-Keil.." Hmigpit lalo ang hawak niya sa akin.

"Chelsea..."

"Si K-Keil na mukhang susu. Si k-keil na lagi.. akong inaaway. Si keil na lagi akong s-sinisigawan. Si keil na wala ng ibang ginawa.. kundi ang mahalin ako. Si keil na inalagaan ako. Si.. Keil na pinahalagaan ako. Si Keil na pinagtabuyan ko. Si Keil na... mahal na mahal ko."

Napaupo na lang ako sa subrang panghihina. Ubos na ubos na luha ko. Gusto ko nang tumigil sa kakaiyak pero hindi ko alam kung paano. Kung ang masaktan ako ang ikakasiya ni Keil, I won't mind. Wala akong pakialam kung habambuhay akong masaktan basta Makita ko lang siyang masaya.

*MASAKIT PO .. 

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon