Chapter 5 -Thank you Stupidity (EDITED VERSION)
"J-Jade?" nagdadalawang isip ako nakausapin siya.
"Hmm?"
"Ano kasi.. Ahhm.. Bakit .. Bakit ka umalis 6 mos ago?" I inhaled. Pakiramdam ko naubusan ako ng hangin. Alam kog medyo private na 'to pero hindi ko parin maiwasang magtanong.
"Curious?" sagot niya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Doon parin sa binabasa niya. Paano kay napoproseso ng utak nya yan? Nakikipag-usap habang nagbabasa.
"Ahh. Ano kung.. kung ayaw mo sabihin, okay lang naman –"
"She chases her dreams. I chased her. She loves me. I love her back. But sometimes, there were things you can't ever have, no matter effort or hardship you inserted. Stick with the reality." Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Okay lang na umiyak Jade.. Hindi nakakabawas ng pagkalalaki yun."
Tumawa siya. Eh? "I will never ever cry over someone who just took me for granted."
Nasaktan nga siya. Ramdam ko ata jalata sa tono nh boses niya. Kahit hindi man niya sabihin alam kong nasasaktan siya. Kung pwede ko lang sana kunin yung sakit. Kung pwede na sana ako na lang masaktan. Wag lang siya.
Tiningnan ko ang relo kong pambisig. 9:40PM!
Nakita kong nakahiga sa sahig si Jade. Nakaunan sa kanyang ulo ang dalawang kamay niya at nakatakip naman sa kanyang mukha ang kanina lang ay binabasa niyang libro. Binaba ko ng paningin ko at binasa ang pamagat ng binabasa niya. "HOW TO STEAL A GIRLFRIEND."
Uhmm. Sino kaya ang aagawin niya? Yung girlfriend ba niya dati? Pero sinaktan lang siya. Ampft! Sasabunutan ko yun pagnagkita kami. Ano ba yan? Bakit parang nakaramdam ako ng sakit. Sana ako na lang. sana ako nalang ang agawin niya mula sa halimaw na 'yun. Tsk!
Habang pinagmamasdan ko siya ay nakaramdam ako ng awa. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Edi sana ngayon nakakainin siya ng maayos. Nakahiga sa malambot niyang kama. Kilangan kong gumawa ng paraan para makaalis kami dito. Oo gusto kong kasama siya dito pero hindi ko naman maatim na makitang sa sahig lang siya natutulog.
Tumayo ako saka hinila ung upuan palapit sa bintana.
"TULONG!! MAY TAO BA DIYAN? TULUNGAN NYO PO KAMI!! DITO PO SA CHEM LAB." Halos mapugto ang aking hininga sa lakas ng pagkasigaw ko ngunit wala akong paki. Importante makalabas kami dito.
"What the hell are you doing there?!" ay paniking bulag! Sa subrang gulat ay nawalan ako ng balance nung nilingon ko siya.
"Aaaahhhh!" pinikit ko ang mga mata ko. Pero bakit parang lumulutang ata ako? Bilis ko naman atang namatay.
"Next time don't do some unnecessary things. You'll just get yourself hurt." OMG! Pwde bang himatayin?
The one and only Jade Thomas Montero buhat-buhat ko ngayon. Sana hindi na matapos ang oras na ito. Thank you stupidity. The best –
"Ouch!" nakaramdam ako ng kirot sa kanang paa ko ng nilapag na niya ako.
"You okay?" halata sa kanyang mukha ang pag-aalala. Umiling ako at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang umiyak. Sheyt! Ang sakit!
Pinaupo niya ako sa isa sa mga high chairs na nandoon. Tinanggal niya ang sapatos saka medyas ko. Sana Lord hindi mabaho. *crossfingers*.
"Tsk! Sprain ankle." Hinilot niya ang paa ko dahilan para mapangiwi ako.
"Aray!" dahil sa sakit ay nahampas ko siya sa balikat pero hindi naman siya nagreklamo.
"Namamaga na. kailangang madala ka sa hospital." Tuloy pa rin siya sa pagpahilot. Oo nga. Medyo kulay ube na siya. Tumayo siya at pumunta doon sa bintana.
"Anong gagawin mo Jade?" naguguluhan kong sabi. Wag niya sabihing sisigaw din siya ah. Sasawayin ako tapos – arrhhk!
"I need to bring you to the hospital. You need to be treated." Tulala pa din ako. Panu ba naman binasag niya yung bintana ng chem lab. Ganun na ba siya kadesperado na hindi ako makasama?
"Sinong tao diyan?" si mamang guard!
"Si manong Guard Jade. Manong! Tulong!" masiglang sigaw ko. Inalayan ako ni Jade papuntang bintana.
"Anong gingawa ninyong dalawa diyan?!"
"Natrap po kasi kami dito. Kuya tulungan nyo po kami." Tiningnan ko si Jade. Nakatingin din siya. No bang dapat kong isipin? Ako ng unang umiwas. Dapat kasi hindi na kami nagpapansinan simulan noong nireject niya ako eh.
"O sige. Hihingi lang ako ng tulog. Diyan alng kayo!" sigaw pabalik ni Manong gurad. Asa namang may pupuntahan pa kami. Nasa 6th floor po kaya kami.
"Salamat." Sabi ko sa kanya pero hindi ako makatingin. Pinaupo niyang muli ako doon sa high chair saka tiningnan yung paa ko.
"For?"
"A-ano.. Wala lang.. kasi ano .. Kapag laging nandiyan kapag ka kailangan ko ng kausap, ng karamay, ng kaibigan." Umupo din siya sa upuan saka hinarap ako.
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "You used to love me before, ngayon kaibigan na lang ba talaga?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Oo, mahal ko siya. Mahal ko pa din siya. Pero ayoko ko na ng pangalawang rejection. Masyadong masakit na 'yun. Kung talagang kami, kami talaga.
"I... love you... I still do." Hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko. Huli na nang marealize ko.
I saw him smirked. Umiwas ako ng tingin ko. Oh God! Ako na ang reyna ng katangahan.
Awkwardness.
Ilang minuto pa kami nag-antay ng bumukas ang pinto. Si Manong Guard kasama yung ilan pang Guard.
Binuhat ako ni Jade. Kilig over load na ito. Hindi na ako umangal. Kasi alam kong ito na ang magiging huli. Ayoko nang malaman pa ang sagot niya sa sinabi kong iyon.po
*Sino relate sa katangahan ni Chelsea? Hahaha .. Reactions?
BINABASA MO ANG
Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING
Roman pour AdolescentsHighest rank attained so far #23 in teen fiction "You are mine. Mine alone. Exclusively mine. And no one can claim what is mine." -Keil Jameson Montero