Chapter 20 - Pananagutan kita
Hindi ko alam kung anong sunod na nangyari. He's kissing me. I'm responding. Sheyt! This can't be happening.
Mabilis ko siyang itinulak saka marahas kong pinunasahan ang mga labi ko. Im so weak. Nagpatukso ako sa kanya. Nakalimutan ko na atang playboy siya. Papaibigin niya lang ako. Pagkatapos iiwan.
No. No. Hindi pwede. Si Jade ang mahal ko. Siya ang at wala ng iba.
Kinuha ko 'yung bag ko saka mabilis na tumakbo. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Si Jade ang mahal ko. Kay Jade tumitibok ang puso ko. Hindi kay Keil.
"CHELSEA!" hindi ko siya nilingon. Alam kong nakasunod pa rin siya sa akin.
"Wala akong naririnig." Sigaw ko pabalik sa kanya habang halos tumatakbo na.
"Ano ba Chelsea!"
"Anong ano ba?! Ha?"
"Bat kaba galit? Diba dapat ako ang magalit kasi ang naagrabyado dito? You fvckingctake a photo of me while I'm sleeping. Teka nga. Stop running!Tangina nakakapagod!"
"Edi wag kang sunod ng sunod. Besides, kinuhanan lang kita picture pero hindi ako ang unang humalik! Tigas din mukha mo eh"
"Hindi ka nga unang humalik pero tumugon ka naman."
Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Tanga mo Chelsea! Bat kasi tumugon ka pa eh. Tanga tanga mo! Kahit anong bilis ng takbo ko, naabutan niya parin ako.
"Chelsea.. Tingnan mo ako." Pilit niya akong hinaharap sa kanya. "Look at me. Straight to the eyes." Hinawakan niya ako sa mukha. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pinahid niya ito at ngumiti.
"Pananagutan kita. Kaya huwag ka nang umiyak okay?" letche!
Bumalik lahat ng luha. Hinampas ko siya ng bag ko.
"Kapal ng mukha mo!! Anong pananagutan ang pinagsasabi mo diyan ha?! Peste! Salot ka!!" Pinaghahampas ko siya habang sinisigawan.
"A-aray. Aww. Isa pang hampas Chelsea hahalikan ulit kita!" sa takot ko bigla akong napaatras. Tumawa naman siya ng malakas at lumapit sa akin.
"Glad you're not crying anymore. When you're hurt doble ang dating sa akin nun. Kaya wag mong sasaktan ang sarili mo ha." Inlapit niya ang mukha niya sa akin. Aba talaga't!
"LUMAYO KA KEIL!! BAKA HINDI KITA MATANSYA!!" sinunod naman niya ako. Napakamot na lamang siya ng ulo.
"Kala ko kasi makakascore ulit eh. Tsk!"
"Anong sabi mo??!"
"WALA!! Tara na nga hahatid na kita. Dun na din tayo kumain. Sayang din tong binili mo oh." Pinakita niya 'yung supot na bitbit niya. Dinala niya pala. Fine!
Okay naba kami? Hindi na ba siya galit? Hay. Bahala na. Importante ngayon masaya ako.
---
Chapter 21 - Yung ano
"Ahhh. Nakakabusog pala kumain kasama ka no? sana lagi na lang kita kasama para kahit kamatis lang lunch ko mabubusog na ako."
"Naku Keil ah. Tigilan mo ako sa mga kakornihan mo ah. Lumayas ka na. Nakakain ka eh." Sabi ko habang nililinis 'yung pinagkainan namin.
"I'll sleep here!" napatigil ako sa pagpupunas ng mesa.
"HINDI PWDE! ANONG TINGIN MO SA UNIT KO PAUPAHAN??! HINDI PWDE." Ngumisi siya. Inilapit ang mukha niya sa akin.
"Walang kahit na sino man ang pwdeng magdikta sa akin, kahit na ikaw." Halos pabulong niyang sabi sabay halik sa pisnge ko.
Okay Chelsea. Kumalma ka lang. Ngiti.
BINABASA MO ANG
Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING
Teen FictionHighest rank attained so far #23 in teen fiction "You are mine. Mine alone. Exclusively mine. And no one can claim what is mine." -Keil Jameson Montero