Chapter 13 - Detention Room

9.3K 230 23
                                    

Chapter 13

"Ayos ka lang?" tanong sa kin ni Jade sabay akbay. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang. Para na naman akong bulateng inasinan.

Tumago ako. Ngayon lang ako tinulungan ni Jade. Pero masaya pa din ako dahil sa tuwing kailangan ko siya ay bigla na lang siya susulpot sa kung saan. He's my super hero. Hinatid niya ako hanggang sa room namin.

Daming mga mata ang nakatingin sa amin pero hinayaan ko na lamang iyon. Ayoko na din silang patululan. Hanggang tingin na lang sila ngayon. Ako may pahawak hawak pa kay Jade my Labs.

"Wag ka na nang magpapaapi ha?" nakangiting sambit ni Jade saka ginulo ang buhok ko. Signature moves ba niya iyon?

"Hinding hindi na."

"Good." And I bid goodbye.

Nakangiti akong pumasok sa room at tinungo ang upuan ko.

"Aray!! Ano ba?" peste to. Bakit ba lahat ng tao dito namamatid?

"Serves you right." Dali-dali akong bumangon saka hinarap siya.

"Macey? Classmates tayo?" halos hindi makapaniwalng tanong ko. Since when?

"But of course my dear. Nagpalipat ako to ruin your life." Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa frustration. Ganun naba siya ka desperate?

"Macey pwde ba? Tigilan mo na ako. Ano bang mapapala mo sa akin?"

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka umaalis dito sa school."

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating 'yung proof name.

"Everyone settles down!" pinadilatan ko muna si Macey bago ako pumunta sa upuan ko. Simula nung pumutok 'yung about sa amin ni Jade wala nang tumangkang lumapit sa akin. Ayaw daw nila madamay Kahit na si Charlie. Nakakalungkot. I feel so isolated.

"Everyone, we have a new transferee. Not that transferee from other school but from other section." Grabe ha? December? Lilipat ng section. Sino namang tanga ang gagawa nun.

"It means, magiging classmate nyo siya until graduation. Be good and behave okay. You may now come in." dahan dahang bumukas 'yung pinto. Grabe ah. Feeling nasa horror movie kami? Nakapangalumbaba lang ako habang hinihintay 'yung tangang lilipat sa amin.

"Yow!" halos masamid ako sa sarili kong laway ng makita siya. Nanaginip lang ako diba? Oh God! Pakigising na po ako. Utang na loob.

Narinig ko ang sigawan ng mga classmates ko. More on tili. Peste!

"Hindi ko naman na siguro kailangang magpakilala?" tumango lang silang lahat. Tae! Laway na laway si Macey.

"Okay now, look for you seat."

Nagkatingin kami. Oh God! Don't tell me..

"Alis!" sabay sipa doon sa upuan. Napakawalang modo talaga nitong si Keil. Paalisin ba naman si Mary. Syempre crush nila 'tong halimaw na to kaya okay lang. pagkaalis ni Mary, agad niyang hinila yung upuan papunta sa akin.

"Hi future wife!" masiglang bati niya sa akin. Pinagdiin pa talaga 'yung wife. Letche! Lahat ng mata nakatingin sa akin. Tusukin ko mga yan eh. Makita nyo.

Hindi ko siya pinansin. Inusog ko pa ng kaunti 'yung upuan ko. Panu kasi dikit ng dikit. Nakakabanas.

"Okay class. Open your book to page 210." Kinuha ko 'yung book ko sa bag ko. Pagtingin ko sa harap lahat sila nakatingin pa din sa akin. Para nila akong kakatayin. Ano na naman ba? Kainis!

"Ahh. Miss Guzman?"

"Yes?" sagot naman ng prof naming.

"I don't have that book yet. Can I share with my future wife- este with Chelsea?" nagpuppy eyes pa. feeling gwapo naman talaga. Isa pa talagang future wife sasapakin ko na siya. Yan tuloy masama na naman tingin nila sa akin.

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon