Chapter 17 - I love you

7.7K 204 7
                                    

Chapter 17 - I love you

Nakangiti ako habang papunta sa building nila Jade. Dala-dala ko ang box ng cake na ginawa ko bilang thank you gift ko sakanya dahil sa ginawa niya sa akin kahapon.

"Jade!" tinawag ko agad siya ng makita ko siya.

"Chelsea? What are you doing here?" tanong niya sa akin.

Napangiti ako.

"Ito oh. Cake. Para sayo." Sabay abot sa kanya nung cake.

"Huh? Birthday ko ba?" natawa kaming pareho sa sanabi niya. Minsan talaga yung sense og humor niya waley talaga. Pero kahit ganun mahal ko pa din siya. My one and only Jade.

"Thank you gift ko yan dahil sa pagtulong mo sa akin kahapon. Saka masarap 'yung lugaw ah."

"Huh? Pero—" bigla namang nagbell na kaya nagpaalam na ako kay Jade.

"Ay. Sige Jade ha. Kita na lang ulit tayo. Bye!" I waved saka tumakbo na papunta sa building namin.

Lagot! Si Ms. Guzman 'yung prof naming ngayon. Malate lang ng 1 minute nagagalit na 'yun.

Tumakbo ako ng mabilis. Sana wala pa si Ms. Guzman. Sana wala pa—

"You're 5 minutes late." Nalagot na!

Lahat ng mata nakatingin sa akin.

"Ma'am kasi may—"

"Just take your seat. Nakakaisturbo ka na sa clase."

Pumunta na ako sa upuan ko. Laking pasasalamat ko ng hindi na ako pinatid ni Macey pero kung makatingin siya sa akin tagos hanggang hanggang kaluluwa.

Umupo na ako sa upuan ko. Wala si Kayleigh. Pero si Keil nakayukyok lang sa kanyang desk. Nakita ko din na may bond aid yung ilang daliri niya. Ano kayang nangyari?

Nakipag-away na naman ba siya? Bumibilis ang tibok ng puso mo habang tinititigan siya. Why?

"Stop staring." Bigla naman akong nagpanick nung narinig ko siyang magsalita.

"H-hindi a-ah. Ah.." bakit ba ako nauutal?

Iniangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang aming mga paningin. Halata sa walang emosyon niyang mga mata na namamaga ito at namumula. Nagingitim din ang ilalim nun.

Ano bang nangyayari sa halimaw na 'to? Hindi ba siya natutulog? Siguro tumatambay na naman siya sa Dream Night. Tsk! Wala na akong paki sa kanya. Ako ang unang bumitaw. Dapat pangatawanan ko.

Ako na ang unang umiwas. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may tambol.

"Okay. Class dismissed. Keil and Chelse please stay." Napatingin ako kay Keil. Pero siya nakatingin lang diretso kay Ms. Guzman.

Nang makaalis na ang lahat ay lumapit na kami kay ma'aam.

"Keil, nahalata ko lang na simula noong lumipat ka sa section na ito ay bumababa na mga grado mo. So I decide na, ipatutor ka kay Chelsea para makabawi ka."

"Huh? Pero ma'am kasi.." hindi pwde. We're not in good terms yet. Baka magkailangan lang kami at pareho pang bumagsak.

"Something wrong with what Chelsea? Kung ayaw mo, may option ka naman eh. Kung ayaw mong itutor si Keil, kukunin ko na lang 'yung 30 percent ng grade mo at ililipat sa kanya."

Literal na napanganga ako. Anong clasing teacher siya? Yung pinaghirapan ko basta basta niya lang ibibigay sa iba?

"Are you okay with that Keil?"

"Yeah.."

"Now Chelsea.. Choose." Napayuko na lamang ako. Okay. May magagawa pa ba ako?

"Fine! Wala naman na iba option diba?"

"Okay it settles then. Pwede kayong magsimula mamaya after ng clase nyo sa hapon. I'll expect improvement in two weeks' time. You may now go."

Nauna na siyang lumabas kaysa sa akin. Nakakaasar. Binato ko siya ng bag ko. Two weeks? Makakasama ko siya ng dalawang linggo. Isang araw pa nga lang halos maubusan na ako ng dugo sa kanya eh.

"What the hell is your problem?!" sigaw niya sabay kamot dun sa ulo niyang natamaan ng bag ko.

"What the hell? What the hell?! Ikaw ang problema ko!! Diba matalino ka? Bakit biglang bagsak ka?? Siguro pinlano mong lahat ng ito no? Sinadya mong pababain ang grades mo para itutor kita. Tapos papahirapan mo ako. Tapos--"

"I love you."

"Ahhh!! Bwesit ka!" pinulot ko 'yung bag ko saka tumakbo na nakangiti.

Bwesit!

Tobecontinue

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon