Bakit ganon?
Tuwing hahanga ako sa isang tao.
It's either,
TAKEN sya.
TORPE.
DI ABOT NG BEAUTY KO.
Or worst...
BAKLA.
"Badtrip na buhay 'to oh." sabay salpak ng burger sa bibig ko.
"Oh ano nanaman yan Jhess?" tanong sakin ni Jess.
"Jess, what will you do if the only man you love is unfortunately gay?!?!?!?!?!"
Osige na, ako na gumagaya kay Anne sa No Other Woman.
Pero bakit?
Bakit sya pa yung naging bakla lord?
WHYYYYYYYY?
Hep hep.
At bago pa umikot yung utak nyo kakaisip kung bakit kinakausap ni Jhess si Jess. Eh ganto po kasi yan.
Ehem, ako yung bida dito ok? Ako si Jhess Araneta. Babae po ako. Sandamakmak ang crush ko, pero isa lang ang taong mahal ko.. At yun ay si Paolo, and unfortunately, Paola sya pag gabi so.. Eto ako ngayon super nawiwindang.
Eto naman pala ang kaibigan-slash-tagapagtanggol kong si Jess.
Sya si Jess Ramilla. Lalaki po sya.
And we have a "super-duper-close-family-na-kulang-nalang-tumira-sa-isang-bahay."
At dahil nga sa sobrang super friends ng parents namin, napag-trip-an pati pangalan namin. Ginawa ba namang pareho?! Pero sabi nila, para naman daw may pagkaka-iba nilagyan nila ng H yung sakin.
WOW HELPFUL! *Insert sarcasm here*
And FYI,
Sabay din kami pinanganak netong si Jess, mas nauna nga lang sya ng ilang seconds.
Sabay din kami nag 1st birthday at nagpa-cater sa iisang venue.
Siguro nga sabay din kaming mamamatay eh!
So going back to the story.. (dahil naalala ng author na hindi pala 'to biography kundi isang love story)
"Ano na Jess? Any suggestion? Anong gagawin ko?" sabay salpak ulit ng burger sa bibig ko.
"Alam mo ang laki ng problema mo! Eh anong magagawa ko kung Paola yang Paolo mo? Ano gagawin ko syang lalaki?"
"Pwede ba yun?" nginitian ko si Jess
Batok!
"Aray! Bakit mo ginawa yun?!"
"Jhess, tigilan mo na si Paola--este Paolo! Marami pa naman dyan."
"But he's the one!" giit ko naman.
"He's?! She Jhess. She!"
Ang bait mong kaibigan Jess Ramilla, napagaan mo talaga yung loob ko!
Whoo, grabe!
Pero sa tingin nyo, bakit ganun?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
VOTE LIKE AND COMMENT!
KINDLY CRITICIZE MY WORK PLS.. PARA KUNG HINDI HAVEY, HINDI KO NA ITUTULOY. SALAMAT ^^
