Dahil sa isang chat na adik na talaga ko dito kay RJ.
Ewan ko ba, may boom eh.
MAY SPARK!
Tapos ang gwapo pa nya sa DP nya.
NAKAKA INLOVE TALAGA ♥
Alam nyo?
Ang saya ko na sana eh, kaso 'tong si Jess epal.
Kesyo, wag ko na daw replyan baka daw sinasakyan lang ako.
Kesyo pangit naman daw, mas gwapo pa daw sya.
"Kaibigan ba talaga kita?!" sinagawan ko sya.
NAKAKAPIKON NA KASI.
Masyado kong pinagbabawalan.
"Kaya nga kita binabalaan kasi kaibigan kita. Ikaw din, pag nasaktan ka dyan. Wag kang iiyak sakin ha?"
TALAGA! HINDI AKO IIYAK SAYO! KASI HINDI AKO SASAKTAN NG PRINCE CHARMING KO!
Paalis na sana sya ng bahay pero pinigilan ko sya.
"Okay sorry. Sorry na kung nasigawan kita. Ikaw naman kasi eh, just support me ok?"
"Support support.. Wag mo nga kong hawakan" bumitaw sya sakin. "Dyan ka na sa Rj mo."
"Ayiiie! Nagseselos ang bestfriend ko!" kinilit-kiliti ko pa sya.
"Eto tandaan mo ha? Pag ako nakahanap ng bagong girlfriend at nawalan ako ng time sayo, isipin mo nalang pinagpalit kita ha? Para maramdaman mo yung nararamdaman ko."
Umalis na sya sa bahay namin.
Madalas mag drama si Jess. Pero this time iba sya.
Ang seryoso!
Yung kahit patawanin mo hindi napapangiti.
Kiniliti ko na nga, poker face padin.
Basta iba sya.
And I feel gulity.
Shoot naman.
Pero kahit na ganun, nagawa ko pa ding mag online sa fb.
At sakto online si Prince Charming ko.
Jhess Araneta: Hi kuya!
Rj Villaroman: hi.
Jhess Araneta: Ang cute mo sa dp ^^
Rj Villaroman: Ay? haha salamat po =)
Jhess Araneta: May ginagawa ka ba?
Rj Villaroman: Wala naman.. Ikaw ba?
YIEEEEEEEEEEEEEE HAHAAHAHA ETO INIISIP KA, MINAMAHAL KA, AT KINAAADIKAN KA.
GALING KO NO? MULTITASKING?
Jhess Araneta: Wala nga po eh.
Rj Villaroman: oh ok..
Jhess Araneta: Ok lang po bang ka chat mo ko? Baka kasi istorbo..
Rj Villaronan: No its ok.. Bored din naman ako dito sa fb eh =)
Jhess Araneta: So.. Single ka po ba?
SHIT KAKAHIYA
Rj Villaroman: Yeah. =)
Jhess Araneta: Why?
