Ilang araw na ding hindi nagpaparamdam si Jess.
JUSKO, totoo na to.
Galit na nga sya sakin.
HUHUHUHUHU.
Bumaba ako mula sa kwarto ko.
Andun yung apat kong kuya. Nanunuod sila ng Ladda Land.
Syete naman oh, nakakatakot pa.
"Sama ka dito Jhess." sabi ni kuya Bj.
"Nakakatakot ba?" tanong ko.
"Ayos lang."
Umupo naman ako sa tabi nila kuya.
Manunuod nalang muna ko nito.
Baka sakaling makalimutan ko yung galit sakin ni Jess.
"AHHHHHHHH!"
"HUWAAAAAAAAAAH!"
"OMAYGAD OMAYGAD SHEEEEEEEET"
"AYAN NA AHHHHHHHHHHHHHHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAH!"
Nagulat ako! PACKING TAPE PARANG MGA BAKLA YUNG MGA KUYA KO!
Nagsisitilian nung lumabas yung babaeng multo.
"AHAHAHAHHAHAHHAHAH" at ako naman todo tawa.
Imbis kasi na matakot ako sa pinanunuod namin, natawa ko sa mga reaksyon nila.
"Bakla ata tong mga kupal na to eh." tumayo ako at iniwan ko sila. Pumunta ko sa kwarto ko, kumuha ng damit, at naligo.
PUPUNTAHAN KO SI JESS.
---------------------------------------------------------------*
Wala pang isang oras nakarating na ko kila Jess.
"Manang si Jess po?"
"As yuswal hija nasa kwartu nya." sabi nung bisaya nilang katulong.
Umakyat ako sa kwarto nya at pagbukas ko ng pinto nag-co-computer sya.
"Wow Jess, nahilig ka ata sa facebook ngayon?" pambungad kong bati.
Pero hindi man lang sya lumingon!
Parang walang narinig!
"Jess, sorry na oh." niyakap ko sya nilambing-lambing.
"Tss."
"Sorry na pls pls pls?" kiniliti kiliti ko sya. "Ngingiti na yan."
Pero hindi sya natinag.
Tuloy kalikot padin sya sa facebook.
*singhot* HUHUHUHUHUHUHUHUUUUHU
Nagsimula akong umiyak. Yung as in may luha.
"Sorry na. Ano bang gagawin ko? Luluhod ako?" *singhot* *iyak**iyak**singhot*
"Huy, bakit ka umiiyak? S-sige na. Sige na. Bati na tayo. Tahan na."
"Talaga?" sabay labas ng ngiting tagumpay sa mukha ko.
"Oo na, basta wag ka na umiyak."
Yessssssssssss! Kita nyo? Bestfriend ko to eh.
Alam ko kung ano ang kahinaan nya. At yun at ang mga umiiyak na babae.
Eversince talaga, ganun kami.