Buong gabi ako tulala.
Bakit nga ba hindi sumagi sa isip ko na baka hindi si RJ ang ka chat ko? Bakit hindi man lang ako kinutuban? Bakit hindi man lang ako nagtaka na bigla nalang syang nakipag close at nangligaw? Bakit.. Ang daming bakit na naglalaro sa utak ko.
Well, for the first place bakit nga ba ko umasa?
Tanga, Jhess. TANGA!
Huhuhuhuhu, todo buhos pa din luha ko.
Napahiya na ko.
Nasaktan pa ko ng todo.
Nawalan ako ng boyfriend.
Hindi ko na enjoy yung party.
Hindi ko pa nabigay yung gift ko kay Dad.
EVERYTHING WAS RUINED.
I want to dieeeeeeeeeeee!
I want to disappear.
I want to escape.
Kaya pala ayaw nya kaming magkita. Kaya pala hanggang chat lang kami. Kaya pala puro lang sya salita.
Kasi hindi sya ang tunay na Rj. Hindi sya si RJ Villaroman!
Taeng hacker ka, sana makarma ka!
Sana tamaan ka ng kidlat at matusta.
Sana ma coma ka for 1000 years!
Sana masagasaan ka.
Sana ma ma-salavage ka.
DIE YOU BTCH.
Pinapatay ko na sa isip ko yung hacker ng biglang...
"J-Jhess.." biglang may nagsalita.
Lumingon ako.
"Oh Jess.. Ikaw pala."
"I heard about what happened yesterday.." mahina nyang sabi.
"Yeah.. Tanga ko eh.. Umasa ba naman ako? Tignan mo tuloy ako ngayon.. Umiiyak." nakangiti ko pa ding sagot kahit na tumutulo yung luha ko.
STRONG dapat ako eh.
Hindi pwedeng gumive-up.
Sabi nga sa commercial, "WALANG AAYAW, THINK POSITIVE!"
"W-wag ka nang umiyak.." niyakap nya ko.
And I found myself crying out loud.
Fuck the world. I'll cry forever! No one can stop me.
I just burried my face on Jess' shoulders.
"Shhh.." tapos naramdaman kong hinalikan nya ko sa may noo. "Shh.."
At this point of my life, I seriously need Jess. My bestest friend ever. My shoulder.
...............
May naramdaman akong gumalaw.
"Huh?"
Nasa kama na ko ngayon? At katabi ko si Jess? Time check pls?
7:00 pm.
Nakatulog na pala ko. At siguro sa tagal ng tulog ko, napa idlip nadin si Jess. Kayakap ko pa sya. Syet, nakakahiya.
"Gising ka na pala." at biglang bumangon si Jess.
"Kaka gising lang. Uhm.. Dinner ka na dito." sabi ko at bigla kong tumayo bubuksan ko na yung pinto pero nagsalita si Jess.
"You know.. I need to.. Confess.." putol putol nyang sabi.
"Confess? Ha?"
"I know this will be hard for you.. Pero sana pakinggan mo ko. Siguro masisira yung friendship natin because of this and I'm ready for it.--"
"Teka.. Ano.. Kumain nga muna tayo!" kinakabahan kong sabi.
"But--"
"Please? Sabi mo this may ruin our friendship eh.. Kaya atleast, one last dinner?" nakangiti kong sabi.
Pero deep inside dumadagundong na yung puso ko.
Kulang nalang dumugo yung ilong ko dahil sa irregular na pagpa-pump ng dugo sa katawan ko.
What is the meaning of this?
KINAKABAHAN talaga ko.
"S-sige." at tumayo na din sya.
Bumaba kami at kumain.
Ang tahimik sa dining area. Well, sa dining area lang kasi naglalaro ng kung anong video games yung mga kuya ko sa entertainment area na katabi lang halos ng kinakainan namin.
"Ah-- anong balak mo n-ngayon?" basag ni Jess.
"Balak san?"
"Balak.. Yung tungkol sa inyo ni Rj."
"Ah.. Wala na siguro.. Tama na katangahan." sabi ko.
Pero deep inside, durog padin ako.
"G-good. Good for you."
.......................
"Manang paligpit nalang po." nanginginig yung tuhod ko pero kailangan kong tumayo.
Tapos na kami kumain.
Eto na.
"Tara sa veranda." sabi ko.
At sumunod naman si Jess.
"A-ano na yung sasabihin mo?" tanong ko.
Huminga sya ng malalim.
Tumungo.
Huminga ulit ng malalim.
Ako kinakabahan na.
Nagbabadyang tumulo yung luha ko. Ewan ko shet, bakit ganto tong moment na to? Para kong bibitayin.
"Jhess.." mahina nyang sabi.
Tumingin lang ako sa kanya.
"I-I'm.."
Huminga ulit sya ng malalim.
"I'm the hacker."
