Chapter 4 ~ 10080 minutes, 168 hours, 7 days, ONE WEEK.

389 6 0
                                    

DAY 1

At dahil nasa work lagi ang parents ko, sila kuya nga lang ang kasama ko sa bahay.

Pagbaba ko sa hagdan..

Si Kuya Jb nag e-x box.

Si Kuya Bj may kausap sa phone and I'm sure si Ate Aura yun.

Si Kuya Jc nag-la-laptop.

Si Kuya Cj naman nag-gi-gitara.

"Gawd, buong bakasyon sila ang kasama ko?"

Parang simula palang naiiyak na ko ah.

Oh well, deal with it Jhess.

"Oh gising ka na pala, kumain ka na, nasa counter yung carbonara." napansin ata ako ni Kuya Cj na nakatulala sa hagdan.

"Yeah, thanks."

Naglakad ako papunta sa counter, kinuha yung carbonara at naupo sa mesa.

Binuksan ko yung laptop ko at nag online sa FB.

"Shit, di nya padin ako ina-accept."

Oh, alam nyo na kung sino yan.

Dumaan ang maghapon, at never kong pinatay yung laptop.

Malay mo, i-accept na ko ni Rj my loves.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Day 2

Masarap akong natutulog, nakatalukbong ang kumot, at naglalakbay sa dream land.

"Lit, nasa baba si Jess."

Ginising ako ni Kuya... Teka? Oh well, kahit sino nang kuya.

"Lit!"

"oo."

Oo na lang kuya (?) kahit sinong kuya.

LIT nga pala ang tawag sakin nila kuya. "LIT" short for Liit.

Pero literally, hindi ako maliit.

Lit lang kasi, ako yung bunso.

Ok, bago ko nanaman i-kwento ang history ng bawat bagay sa mundo, proceed to the story.

Magulo ang buhok, ang damit, ang lahat ng bumaba ako mula sa aking kwarto.

"Jess??"

"Hi" nginitian ako ng ultimate friend ko. "Bagong gising ah."

"Hehe.." tumabi ako sa sofa. "Bat ka andito?"

"Wala kasi akong magawa sa bahay.."

"Eh bakit hindi ka pumunta sa bahay ng girlfriend mo?"

"Boring.."

"Anong boring dun? Ayaw mo nun kasama mo yung taong mahal mo?"

"Pinapa-alis mo lang ata ako eh?" tumayo sya. "Sige aalis na lang ako."

Syempre pinigilan ko sya.

"Eto naman, joke lang."

Tapos nakangiti nanaman ang loko.

"Teka ano bang gusto mo?" tanong ko.

"Eh.. Samahan mo naman ako sa mall."

"Mall? Eh nung isang araw lang nasa mall na tayo ah?"

Capital H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon