Since umuwi na nga sila Rj my loves.
Umuwi na sila Mom at Dad.
Yes. Tama yung nabasa nyo.
SILA.
Usually kasi dito talaga ko natutulog kina Jess if walang pasok or like now, bakasyon.
Kulang nalang ipagawa nila ko ng sarili kong kwarto dito. But, yeah. Since super friends ang family namin.. Parang anak na rin ako nila Tita Amanda.
"So, Jhess. Where do you want to sleep? Sa guest room ba sa basement or guest room sa upper floor?" tanong sakin ni tita.
"Uh, don't worry ma, sa room ko nalang si Jhess." singit naman ni Jess.
Pero.. Kung ako yung sumagot ganon din naman sasabihin ko eh.
Na sa kwarto nalang ako ni Jess.
Sanay na din ako kayakap yang kolokoy na yan. Pero as if noh. Walang malisya yun.
"Are you sure?" tumingin sakin si tita sabay ngiti at tango ko naman. "Well then, goodnight?"
"Good Night po tita." and I kissed her.
Pag-pasok ni tita sa room nya, humagalpak ng tawa si Jess.
"What the hell is funny?" tanong ko naman.
"Ha? Nakakatawa lang kayo ni Mama" tuloy tuloy parin ang paghalakhak nya.
"Shut up Jess, let's go to your room."
"Leggo."
Pagdating sa kwarto..
"It's cold huh.." sabay haplos ko sa arms ko.
"Panong di ka lalamigin eh naka two piece ka pa?" tumalikod si Jess at binuksan ang cabinet nya.
Inalis nya yung white v-neck shirt nya.
"Hoy lalaki anong gagawin mo?!" sabay takip ko sa mga mata ko. pero syempre kita ko pa din sya. XD
"Magbibihis malamang?" nakangiti nya pang sagot.
"Halllerrr? I'm here! Can't you see me?" winasiwas ko yung kamay ko sa harap ng mata nya.
"Bakit anong masama?"
"DUH, Jess naman. Lalaki ka babae ako..."
"Fine fine." at pumasok na ang loko sa cr nya.
Intay..
Intay..
"Sheep, ang lamig."
Naka two piece padin kasi ako at ni hindi man lang ako binigyan ng towel nitong lokong to.
"Matagal ka pa ba Jess Ramilla?!" kinatok ko si Jess sa CR nya na nasa loob din ng kwarto nya.
Binuksan nya yung pinto.
"Bakit? Miss mo na ko?" nakangiti syang lumabas.
Sinuntok ko sya.
"Aray!" hinawakan nya yung kamay ko tapos tinitigan nya yon "Ang ganda pa naman ng kamay mo, dapat to hinahalikan." sabay hinalikan nya.
Pero syempre, hindi ako kinilig. Automatic sampal sya.
"Ang sungit mo Jhess. Tara tulog na tayo."
"Hey mister, do you notice something?"
"Notice what?"
"I'm still wearing this swimsuit, idiot!"
