"I'm the hacker."
Pagkasabing pagkasabi ni Jess nyan, pinalayas ko sya sa bahay namin.
Umiyak ako.
At.
Umiyak.
Hindi lang yan..
Umiyak pa ako.
PAKSHET SYA.
--------------------------------------------------------------------------
"I'm the Hacker."
Isang araw na yang umaalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ko.
Sa lahat ng pwedeng mag hack sa account ni Rj bakit ang bestriend ko pa? Bakit si Jess pa?
Trip nya lang ba ko?
Pero grabeng trip naman yun. WALONG BUWAN?
Walong buwan ba syang may sayad?
Hindi nya man lang ba naisip na pwede talaga akong ma inlove sa chat? Lalo na't sa pagkakaalam ko ay si Rj Villaroman yun? HUHU, alam nya namang tatanga tanga sa pag ibig ang best friend nya napagtrip-an nya pa.
NAKAKATAMPO KA JESS RAMILLA!
Nakakainis ka at higit sa lahat nakaka badtrip ka!
"Hoy Lit, baka gusto mo magkaron ng social life? Lumabas ka nga dyan sa kwarto mo!" sigaw ni Kuya Jb.
"Ayoko!!"
"Sige ka d ka magkakaboyfriend nyan!"
"Mag-ma-madre na ko!!!!!"
HUHUHUHU, depressed talga ko TT_____________TT
Alam nyo yung feeling ng ang laki laki ng kasalanan ng isang tao sayo, pero hindi mo makuhang magalit sa kanya kasi mahalaga sya sayo?
Yun yung exact na nararamdaman ko.
"Sige panindigan mo yan ha, magmadre ka!" sabi ulit ni kuya.
"Joke, eto na lalabas na!!!!!! San ba kasi pupunta?!?!?!?!?!" inayos ko yung sarili ko at nagpunas ng luha.
"Kina Jess."
JESS
JESS
JESS
Shoot, kina Jess?!
"Joke, di na pala ko sasama." humiga ulit ako sa kama.
"SA-SA-MA-KA-SA-AYAW-AT-SA-GUSTO-MO." sabay ngiti ni kuya.
Alright, I have no choice.
Anong gagawin ko? Anong reaction ko pag nagkita kami? Matapos nya kong lokohin at matapos ko syang palayasin ano nalang mangyayari pag nagkita kami?
Nagsimula na kong magbihis. Acid wash shorts and Varsity Jacket. CHECK. Silver Toms, CHECK.
Not so formal dinner lang naman daw eh, kaya tadah.
"Dad, do I really need to go with you?"
"My Princess.. It's a FAMILY dinner. Hindi na kami family kung wala ka."
"Fine.."
I left our house with a sigh.
Tahimik lang ako sa car. Nakatingin sa labas at tulala. Bakit bumibilis yung tibok ng puso ko? Bakit masaya ako na hindi?
Haay.
"Hija, are you ok?" tanong sakin ni mama.
"Yeah-- uh no--"
"What's the matter?"
"Ah ma.. May tanong po ako."
"What is it?"
"Kunyari may nagawang masama sayo yung isang lalaki tapos nasaktan ka na't lahat di mo pa din magawang magalit sa kanya.. Hanggang mga tampo lang. Tapos pag nalalaman mong makikita kayo kinakabahan ka na parang first time nyo lang magkikita.. Ewan, basta! Ano ba yun ma? May sapak na ba pag ganun?"
Ngumiti lang si mama.
"Neh.. Ano nga ma??"
"You're inlove, Jhess."
WHATDA. INLOVE WITH THE FUCKING WHO? JESS? NO WAAAAAAAY!
"You gotta be kidding."
"No I'm not kidding, baby." binuksan nya yung pinto at bumaba.
Andito na pala kami.
"Shet, andito na kami?!?!?!?!?!"
Pumasok ako sa loob. At ready na ang pagkain. Andun si Jess. Naka V neck plain white shirt sya. Tapos checkerd black shorts.
Kung ano anong pinag uusapan nila. Business, family, at dumating sa LOVE.
"Eh ito ngang si Jhess inlove na!" pagmamalaki ni mama.
"Ma!" angal ko naman. " Hindi po, wala po."
"Asus hija, so who's the lucky guy?"
"W-wala po.."
Habang inaasar ako nila tita, nararamdaman ko. Nakatitig sakin si Jess. What's on his mind?
Natapos kaming mag dinner. As usual, todo kwentuhan padin sila. Kaya umalis nalang muna ko dun sa sala nila.
Naupo ako sa veranda.
Ang lamig ng simoy ng hangin <3 Pumikit ako and all I can feel right at this moment is peacefulness.
Ahh, peace of mind.
"Galit ka pa din ba?" biglang may nagsalita.
Malamang si Jess.
Minulat ko yung mata ko.
"Si Paolo, naging Paola. At dahil dun broken ako. Sa isang party, na meet ko si Rj, kinuha ko yung FB nya at nakipag friends. One day, biglang nag PM sakin si Rj, unexpectedly. He became close to me, and guess what? I fell inlove with him. He courted me and he became my boyfriend. We lasted for 8 months and broke up last December 15. Knowing that his facebook account was hacked by an immature person who wants to make fun of me. And now, I'm hurt. I'm miserable. I'm fucked up. ALL BECAUSE OF YOU. Ngayon, galit ba ko? HINDI JESS! Grabe, hindi!"
Natameme lang sya sa pinagsasabi ko.
Tumayo ako, at padabog na umalis.
"Teka Jhess.--"
"What?!?!?!"
"I-I'm sorry."
Inirapan ko lang sya.
"Go to hell and take your sorry with you!"
Nagkulong ako sa banyo nila. Umiyak. Kasi ang totoo, galit naman talaga ko eh. Pinipigilan ko lang kasi hindi ko din alam. HINDI KO ALAM!
Ano bang nangyayari sakin?? I hate it.
I hate you Rj Villaroman.
I hate you Jess Ramilla!
