Chapter 18 ~ Amazing Race.

347 7 0
                                        

"Lit."

"Lit!!"

*boogsh!*

Yung feeling ng kakagising mo pa lang nahulog ka agad sa kama.

"Hmmm?"

"Pinapagising ka na ni Mama." si kuya Cj pala.

"Huh?"

Dilat. Umaga na?!?! Nakatulugan ko na pala yung paghahanap sa eight gift na yan.

"Ang kalat ng kwarto mo ah, bat ang daming regalo? Birthday mo?"

"Kupal ka talaga. Galing lahat kay Jess yan."

Ngumisi lang si Kuya. Tapos nagsalita bago umalis sa kwarto ko. "Patawarin mo na kasi."

I was like O_________O o______________O

"Pano nya alam na hindi kami ayos ni Jess?!?! Nakakahiya naman.. But I smell something fishy~ Ano kayang dahilan kung bakit ako pinapa gising ni Mama? First time to ah.. Pag weekends kaya kahit di ako bumangon, ayos lang. Pero ngayon? Pinapagising ako? Weird! Ang weird ng mundo simula kahapon. :|

Nag half bath muna ko sa CR ko sa kwarto. Toothbrush. Hilamos. Nagpalit din ako ng shirt pero naka PJs padin ako. Naka messy bun padin yung buhok ko. Anyway, sina mama lang naman yung nasa baba. Kaya ayos lang na di masyadong mag ayos.

Patalon talon pa kong bumaba sa hagdan. Pero nasan sila?!?!?!?! Wala naman si Mama ah? Sa pagkabigla ko di ko namalayang lumapit sakin si Kuya JB.

"Nasan sila?" tanong ko.

"Nasa kwarto ko." seryosong sagot ni Kuya.

"WEH, seryoso?"

Tinignan lang ako ng masama ni Kuya Jb. SO pumunta ko sa room nya. Pero bago ko pumasok nakiramdam muna ko. Tinapat ko yung tenga ko sa pintuan.

No sign. Waley naman akong naririnig!!!!!!! But as they say, wala namang mawawala kung magta-try. Kaya pumasok ako.

Sa kama ni kuya, may nakita kong sobre. I opened it, at may sulat.

"Kung gusto mong makita yung 8th gift, eat."

WHAT. Baka pagkain yung eight gift?!?!?! OMNOMNOM. FOOD<3

Pero anong kakainin ko? Itong sobre?!?!?!

*TING~!*

Eat means KITCHEN! Maybe nasa kitchen yung eight gift! Ano bayan Jess Ramilla. AMAZING RACE BA TO?!?!?

I'm here na sa kitchen. May Box of Pizza sa lamesa. Maybe this is the eight gift<3

I opened the box of Pizza.

"Isang slice nalang?!" Yeah tama basa nyo. 1 big box of Pizza pero isang slice lang ang natira :| Sa box nung Pizza may nakasulat ulit.

"Kung gusto mong makita yung eight gift, watch."

Gets ko na to eh. Watch means ENTERTAINMENT ROOM.

Amazing Race nga :(((

Dinala ko yung pizza at pumunta sa entertainment room. Doon sa may couch may sulat na "WATCH DIBA, HINDI SEAT."

Kaya binuksan ko yung TV. Then nag flash na yung picture pero may sulat (Parang printscreen)

"Kung gusto mo makita yung eight gift, log in."

Log in.. Log in.. Ahh, facebook!

So nag log in nga ako, pumunta ko sa account ni Jess at tama nga ang hinala ko, status nya yung clue.

"Kung gusto mo makita yung 8th gift, sit."

Sit? Gawd, ang daming upuan sa bahay namin saang upuan yung tinutukoy nya??

Hindi kaya.. Yung upuan sa may veranda? Dun kasi yung favorite spot namin eh. Dun kami nagkukulitan. Nag-iinuman. Nagkwekwentuhan. At sadly, dun din sya umamin na sya yung hacker.

Pero, minsan naisip ko rin.. Buti nalang naisipan nyang i-hack yung facebook ni Rj.. Kasi kung hindi nya ginawa yun, hindi ko malalamang mahal nya ko.

AT HINDI KO DIN MALALAMAN NA MAHAL KO RIN PALA SYA.

Never kong inexpect sa sarili ko to. Na mai-inlove ako without even knowing. I guess this is the 'feeling' my friends are talking about. Iba pala talaga sa feelings na nararamdaman ko sa mga gagong past boyfriends ko. Oh well, I guess they were just one of my BIGGEST mistakes lang naman.

Back to the maze, andito na pala ko sa veranda. Tama nga ko ;) May sulat ulit. :)

"Kung gusto mo na talaga makita yung 8th gift, puntahan mo yung unang makikita mo pag sumilip ka mula sa veranda."

Slow motion pa yung lakad ko, pagsilip ko... "Swimming Pool."

Oh God.. Does this mean kailangan ko pang lumusong sa pool for the eight gift? Haaaaaay nako naman talaga :(( Jess Ramilla, kung hindi lang talaga dahil sayo </3

Pagbaba ko ng hagdan, dumiretso ako sa pool. May maliit na floating board na nasa GITNA pa talaga ng pool. No choice, nag dive ako. Nilapitan ko yung floating board na may nakapatong na sulat at binasa ito.

"Turn Around."

Lumingon ako.

At nakita ko si Jess. He just smiled to me, walked and offered his hands.

Hinawakan ko sya sa kamay at inahon nya ko sa pool.

"I guess I'm the 8th gift." sabi nya habang nakatingin sa t-shirt nyang may design na number "8" (SEE PICTURE ON THE RIGHT SIDE>>)

Napangiti nalang ako.. Remember what he said? It's still clear on my mind, "KUNG MAPAPATAWAD MO KO, I GUESS THE EIGHT GIFT IS YOURS."

"Please, forgive me, Jhess. I'm sorry." bulong nya sa tenga ko, dahil kasalukuyang yakap nya ko.

"I guess you're mine now?"

"W-what?" nagulat ata sya sa sinabi ko.

"Diba, sinulat mo sa cartolina.. Na kung mapapatawad kita sakin na ang 8th gift. So since napatawad na kita at ikaw ang 8th gift, akin ka na."

"I love you, Jhess."

*boogsh*

*pop pop*

"Ma? Dad? Kuya Jc, Cj, Jb, Bj, Tita Amanda, Tito?" inisa isa ko talaga eh no?

Anong magagawa ko nagulat ako sa party poppers na pinaputok nila eh. At lalong mas kinagulat ko yung fact na andito silang LAHAT.

"I'm so happy for our siblings, Amanda." sabi ni Mama.

"So am I, mare."

Napatingin ako kay Jess.

He just smiled and said "I want our relationship to be official, Jhess Araneta, please be my girlfriend?"

Capital H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon