Chapter 10 ~ FB LOVE<3

393 6 0
                                        

"Baka may balak kang gumising Lit?" narinig kong sabi ni Kuya Ewan, dami ko kasing kuya eh -.-"

Bumangon naman ako, pero nakapikit parin. Alam mo yung feeling ng ang bigat ng ulo mo tapos ayaw pa dumilat ng mata mo? Tapos feeling mo babagsak ka ulit sa higaan? GANUN YUNG NARARAMDAMAN KO EH.

"Ang aga aga pa eh." angal ko naman kay Kuya..

"Baka talaga maaga pa! Alas Tres na baboooy!" sabay batok sakin ni Kuya.

AH, alam ko na kung sinong kuya 'to. Isa lang naman nangbabatok sakin eh. Si kuya Jc -__-

"Wag mo nga ko lokohin, alas tres ka dyan." sabay bagsak ko ulit sa kama.

"Bahala ka iiwan ka na namin!" tapos umalis sya sa kwarto ko.

Bukas isang mata.

Tapos yung kabilang mata.

Bakit ang init?

"Anong oras na ba?" kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang oras. "ALAS TRES NA?!?!??!?! Like srsly? Hindi ako kumain ng breakfast at lunch?!?!?!?!"

"FLASHBACK FLASHBACK*

Jhess Araneta: Okeysss, good mornight POGI.

Rj Villaroman: Good mornight GANDA, log out na.

"Oh shoot! Alas singko na pala ko nakatulog! Pero bakit hindi nila ko ginising?" bumaba ako at tanging nakita ko lang ay ang mga katulong.

"Where is everybody?!?!?!?!?!" mataray kong tanong sa katulong naming muntik ko nang papayasin noon dahil sa hindi nya din ako ginising o.O

"Ah ma'am.." nanginginig nya sagot. "Ah ma'am nauna na daw po sa party kena ser Jess."

"Anong party?"

"Ano ma'am eh de po sinabi eh."

"Fine, anong theme nalang? Casual? Pool? What-so-ever-party? Ano?!"

"Ano po ba yun ma'am?"

AY BAKLANG TANGA. -.-"

PRAISE THE LORD.

"Ok ganto, anong suot nila dad or mom kanina?"

"Si ma'am po naka dress po ma'am yung kakteyl ba yun." saby kamot pa nya sa ulo.

"Casual pala."

At umakyat na ko para maligo at mag ayos ng sabog kong itsura.

SUSME, tama nga ang sabi ni Rj, magkakaron ako ng malaking eyebags =(

Pero ayos lang yan, wala na kong time eh. Kaya humanap nalang ako ng pinaka simpleng dress at yun yung kulay blue na above the knee.

Tapos kumuha ko ng high heels na blue din.

Konting fish braid ng buhok ( SEE PICTURE KUNG DI NYO ALAM ANG FISH BRAID-------->), wala ng make-up make-up!

I'm ready to go ;)

"Kina bestfriend manong~!" masaya kong sabi habang naglalaro na sa isip ko kung pano ako hihingi ng sorry sakanya.

TEKA WAIT.

Pano nga ba? -_____________-

Uhm.. Eh kung bumili muna kaya ko ng peace offering? Gagana kaya yun? Pero kilala ko si Jess eh.. Ayaw nya ng mga ganun.. Gusto nya simple lang. Kaya nga I tried to look very simple today eh. Haay, ang hirap naman mag sorry :| In the first place ako a yung may kasalanan? AKO BA AKO BA. JUJU, buhay nga naman.

"Andito na po tayo ma'am."

"Sige po, thank youuu!"

At pumasok na ko sa loob ngg bahay nila Jess. Marami-raming tao. Ano bang meron? Nakita ko na si Jess pero hindi nya ko pinansin, dinaanan nya lang ako for the very first time! Ganun ba kalaki yung kasalanan ko para gawin nya sakin yun? Parra tuloy ayoko na. Baka mapahiya lang ako pag nag sorry ako sakanya.

Capital H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon