Chapter 20 ~ 2gether 4ever. [LAST CHAPTER]

410 13 14
                                    

Lakad. Lakad.

Nasa mall ako ngayon. Mag isa! May IP daw kasi sina Jess at hindi nya ko masasamahan, kaya ayun solo flight ako. One week na din pala syang nagliligaw sakin... Pero it feels like one year na. Alam kong mahal ko na sya, pero may something na nagsasabi saking "wag muna". Kaya ayun.. Intay intay din, sabi nya naman willing sya eh.

So yeah, back to the story, ano kayang magandang gift kay Kuya? Birthday nya kasi next week eh.

Habang nag pipili ako sa couple stuffs area may pamilyar akong nakita..

O___________________O

"Jess? Bianca?"

"Who is she?" malanding tanong ni Bianca

"Jhess----"singit ni Jess.

"Ako lang naman kasi yung----" natigilan ako.

"Yung?" tanong ni Bianca with matching taas kilay.

Tumakbo ko papalayo, tumulo yung luha ko, at nanghina ako.

Dapat sasabihin ko sana kanina na ako yung girlfriend ni Jess. Pero hindi eh, hindi nya nga pala ko girlfriend! Kaya natameme ako sa harap nila.

Bukod sa napahiya ako.. Nakakaselos pala talaga. Yung makita mo yung taong mahal mo kasama yung EX nya.

HUHUHUHUHU, kanina pa ko naiyak dito :((((((((((((

Bakit ba ako nalang lagi yung napapahiya at nasasaktan???

"Pabili nga po ng The Bar."

"Bata ka pa ate." sabi nung lalaking nagtitinda na sa tantsa ko ay ka edad ko lang din.

"Dodoblehin ko yung bayad, pabili na." sabi ko.

"Bawal nga."

"Pwede. Eto 500, ayos na?" sabay bigay ko ng 500.

"Hindi po." at binalik nya sakin yung pera.

"Eh putangina gusto ko lang naman uminom eh! Nagtitinda ka lang kaya pagbilhan mo ko!" inis kong sagot.

"Yun na nga eh, ako yung nagtitinda ate. Bumibili ka lang, kaya ako ang masusunod. Hindi naman kami malulugi kung di ka namin pagbibilan."

"Bullshit." tumulo yung luha ko. "Magpapakamatay nalang ako. And I mean it!"

Nagbago yung expression sa mukha ni kuya. Bakit? Kasi napa-tayungko na ko sa harap nung mini store nila, umiiyak, mukhang tanga.

"Ate.." nasa tabi ko na pala si Kuya. "Ano.. sige na pagbibilan na kita ng alak."

Tumingin lang ako sa kanya.

"Pero, sa isang kondisyon." tuloy nya pa.

"Ano?"

"Kasama mo kong iinom."

........................................................................................................................

"Shot na." sabi ni Kuya.

Andito kami ngayon sa 'black room' kung tawagin ni kuya. Tambayan daw nila to ng barkada nya, at dito din daw sila nag iinuman.

Nakatingin lang ako sa kanya, na sa ngayon ay umiinom na.

"Ano?" sabi nya.

"W-wala.."

"Ano bang problema mo?" sabay bigay nya sakin ng alak.

Ininom ko yun, kahit hindi ako sanay. Keri lang, masakit eh.

"Alam mo yung feeling ng napahiya ka na, niloko ka na, nasaktan ka pa? Yun.. Ganun.."

"Problema tinatanong ko tapos nararamdaman mo sinabi mo.. Sabog ka na ata eh."

Capital H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon