Jess' POV
Ah hellooo?
Si Jess to, hindi si Jhess.
Maaga palang andito na ko sa kina Jhess, nagtago pa ko sa kwarto ng katulong nila hanggang maka pasok sya sa school, wag nya lang malaman na andito ko. Su-surprise ko kasi sya eh.. Something that will make her forgive me. Todo effort nga ko eh, ni hindi ako pumasok ngayon kasi gusto ko nga ng PEACE. Gusto ko na makipag ayos kay Jhess.
Yung totoo? Nung una pa lang na makita ko yung RJ na yun alam kong mai-inlove ang bestfriend ko sa kanya, tanga yun sa pag ibig eh. Kaya ayun, I consulted one of my friends na magaling mag hack ng FB accounts para mapigilan na kung ano mang dapat pigilan.
Bakit gusto ko pigilan?
Kasi. Kami palang ni Bianca, inlove na ko sa kanya.
Yung pakiramdam na sa sobrang closeness namin, minsan gusto ko na syang mahalin?
Yun kasi yung nararamdaman ko eh.
Nung una, gusto ko lang talaga maka chat araw araw yung best friend ko. Well, siguro iisipin nyo pwede namang sa account ko, bat ko pa ginamit yung account ni Rj? Unang una, snob si Jhess pag ako nag PM sa kanya :( At pangalawa, ayoko ng plain old chats. Gusto ko yung..
May konting lambingan.
Konting kulitan.
Sabi pa nila.. Konting 'LANDIAN'
Eh kung account ko gamit ko, tingin nyo makikipag ganunan ba ang best friend ko? Hindi diba? Kaya yan, nagawa ko mang hack :|
Hindi ko din naman expect na madadala talaga sya. Di ko din expect na mas lalo ko syang mamahalin. At mas lalong hindi ko expect na sasagutin nya ko.
Everything was fucking unexpected.
Kaya ayan tuloy, nasaktan ko sya. Tapos masyado pa syang napahiya nung lumapit na sya kay Rj dun sa party. shit, gusto kong lumapit sa kanya nun at yakapin sya paalis pero hindi ko magawa kasi in the first place ako yung dahilan ng lahat lahat ng kasinungalingang yon.
Grabe, ang sarap sarap na nung feeling na girlfriend ko na sya oh. Tapos, boogsh. Nawala lahat. Ni friends hindi.
Nag sorry nga ko kagabi pero Go to Hell and take my sorry with me daw. Sakit dre.
Mapapatawad nya pa kaya ko?
Isip isip. Shet, may pa-something-something that will make her forgive me pa ko wala pa naman akong idea D:
Oh well, matagal pa naman sya sa school eh.
Kaya may time pa ko para makapag isip.
TING!!!!!!!!! ;)
.................................. Time check: 9:30 am.
Andito na ko sa SM. I have a good idea. Though, magastos. K, bahala na si Batman.
"Thank you for shopping sir!"
WATDAAAAAAA. Laki ng gastos ko boy!
Mga Binili ko:
Unan.
Stuffed toy.
Tissue.
Scrapbook at mga pang design.
Chocolatessssssssssssssssssss. (Takte, isang Hershey's palang 48 na o.O)
Singsing.
CARTOLINA XD
At yung pang walo, ako na bahala.