Matapos akong kumain ng bonggang bongga nakita ko si Jess na nakaupo dun sa may kubo sa garden nila.
Pumasok ako dun sa kubo at naupo sa harapan nya. Tinitigan ko lang sya. Ang seryoso nya, tutok na tutok sa laptop nya.
"Jess.." sabi ko.
"Wag ka maingay may answer sheet akong tinatapos." sagot nya agad habang hindi nya inaalis sa screen ng laptop ang mga mata nya.
"Answer sheet? Eh bakasyon ah?"
"Kumon."
Ay tangengot. Oo nga pala.. Nagku-kumon sya. Yung sa math everything eklabu. Hayyyys, pano na? Pano na ko magso-sori kung pangalan nya palang nasasabi ko pinapatigil na nya ako? Bakit ba ang manhid manhid mo Jess Ramilla? Di mo ba nafi-feel na gusto ko na mag sori? Na gusto ko na makipag ayos? Na gusto ko nang ibalik ang lahat sa dati? Huyy! BESTFRIEND kita diba?
"Jess" sabi ko ulit.
"Ang kulit mo talaga no? May ginagawa nga ko"
KATAHIMIKAN.
Halos 30 minutes atang walang nagsasalita samin. Sya pindot lang ng pindot. Ako naman nakatitig lang. Magsasalita na ba ko?
Pero out of nowhere biglang bumuka yung bibig ko sabay bulong ng..
"Sorry."
Tapos tumayo ako at lalabas na sana ng kubo pero nagsalita si Jess.
"San ka pupunta?"
"La-lalabas.. K-kasi hindi mo ko mapatawad." nauutal kong sagot habang nakatalikod sa kanya.
"Tss. Lika nga dito, tabi tayo."
Lumingon ako sa kanya, at nakita ko yung ngiti ng bestfriend ko.. Ayos na kami.
"Mahirap ba yang kumon na yan?" tanong ko habang nakaupo sa tabi nya.
"Kasing hirap ng wala ka.." sabi nya.
"Edi sobrang hirap pala! Nakakamatay"
"Oo sinabi mo pa."
"Alam mo bang nagkakanda puyat ako kakaisip sayo, leshe ka!" sabay hampas ng pabiro sa braso nya.
"Ako din kayaaaa!" tapos inakbayan nya ko. "Wag na tayong magaaway ha? Pinagpalit ko nga girlfriend ko sayo tapos aawayin mo pa ko."
"Eh hindi ko naman sinabing ipagpalit mo yung girlfriend mo sakin ah?"
"Yaan mo na wala na yun..Ikaw nga pinagpalit mo ko sa Rj na yun eh."
Pano nya alam?
"Pano mo alam?" nagtataka kong tanong.
"Ano ka ba. Pag nag o-online kaya ko halos kayong dalawa lang yung nakikita kong online, ano pa bang ibig sabihin nun? Edi magka-chat kayo!"
"Weeeeh. Haha, so nahuhuli mo pala kami?"
"Ako pa, bestfriend eh."
Sasabihin ko bang nangliligaw si RjLoves? Ano nalang ire-react nito? Sasabihin nya easy to get ako? Sasabihin nya pinapaasa lang ako? Sasabihin nya ang bilis ko nanaman ma-inlove? K, SASABIHIN KO.
"Speaking of Rj, he's courting me."
"He's courting y--- WHAT?!" nanlaki yung mga mata ni Jess.
"B-bakit?!"
Sabay tawa nya ng malakas with matching palo sa table at padyak ng paa.
"Hoy bakit ka tumatawa?!?!?!!?!" pinalo ko sya.
