Chapter 9 ~ PM

376 7 0
                                    

Morning -.-"

At Goodnight para sakin.

Gaaaaad, 4 am na wala pa kong tulog. Kanina pa kasi ako nagiisip kung paano makikipag ayos kay Jess. Ang hirap kasi ng ganitong sitwasyon.. Sya na nga lang bestfriend ko, magkakagalit pa kami? Parang ginawa ko na ding HELL yung bakasyon ko.

Ewan, kanina ko pa tina-try matulog ayaw talaga ng mata ko. Alam nyo, kung ayos lang kami ni Jess, piinapatulog na ko nun ngayon. Yung feeling ng hahayaan nyang naka on-call parin kami kahit na tumaas ang bills nya para lang hindi ako matakot.. Haay, parang isang linggo palang naman ah? Pero bakit miss ko na yung mokong na yun?

...

"Makapag online nga."

Agad akong nag log in sa FB.

Hanap hanap sa chat..

Ang korni ng mga online!!!! 17 lang, well what can I expect? Alas kwatro palang kaya ng madaling araw.

JOKE

4:15 na pala.

Ano bayan, nakuha ko pa mag joke.

LALALALLALALA, peste. Wala naman kwenta ang FB.

*POP*

Rj Villaroman: Bakit gising ka pa?

HA? HE? HI? HO? HU?

TRUE BA TO? Rj 'MyLoves' Villaroman PM'd me?!

LIKE SRSLY?

Ok, OA ko.

Jhess Araneta: Eh kasiiii.. Hindi ako makatulog :D

Rj Villaroman: Oh right, ganda ng sagot mo. Matulog ka na.

ANSAVEH? CONCERNED? MEHEHEHEH~ Ang ganda ko naman para patulugin ng isang mala-anghel sa gwapong lalaki. Pero.. Bakit ganun? Parang.. EWAN.

 OK, Kinikilig ako :">

Jhess Araneta: Gustohin ko man, ayaw ng mata ko.

Rj Villaroman: Tssk. Lalaki eyebags mo, di ka na maganda :|

Ibig sabihin ba maganda ko ngayon? Ow may gad, maganda ko sa paningin ni Rj? Teka.. Baka naman gusto nya rin ako?

WEH? -Konsensya ko.

Nakikiepal nanaman eh, yaan mo na minsan lang lumandi.

MINSAN nga lang ba?

Jhess Araneta: Teka, teka. Eh bakit ikaw gising ka pa?! Makasermon ka eh ikaw din naman nagpupuyat!

Rj Villaroman: Marami lang siguro kong iniisip.

Jhess Araneta: Owww. Pareho pala tayo eh :)

Rj Villaroman: Mind sharing your problem?

Jhess Araneta: Uhh. I don't know if it will be ok if I'll share it to you eh. Kasi away bestfriend to eh..

Rj Villaroman: Ah ganun =) Sino bang bestfriend yan?

Jhess Araneta: Si Jess. Sya lang naman best friend ko eh.

RJ Villaroman: Iba ka din pala no.. Karamihan kasi sa babae, babae din ang best friend. Alam mo na.. Para sa mga ka-artehan. What's with him? Bakit sya ang bestfriend mo?

Jhess Araneta: Oo nga eh.. =)

Jhess Araneta: Ang hirap naman nung question mo..

Bakit ko nga ba bestfriend si Jess?

Dahil ba ka-birthday ko sya? Dahil halos kapanglan ko na sya? Dahil super friends ang family namin?

Rj Villaroman: Pano naging mahirap yun??

Jhess Araneta: Ah eh..

Jhess Araneta: Siguro..

Jhess Araneta: Kaya ko sya bestfriend kasi wala syang katulad? Kasi tagapagtanggol ko na din sya? Kasi may tiwala ako sa kanya? Kasi.. YUN :)

Jhess Araneta: Pwede na ba yan?

Rj Villaroman: One word langggggggg! ;)

CHOOSY, MYLOVES?

Jhess Araneta: Kasi sya ang SUPERMAN ng buhay ko.

Hindi ko alam kung san nanggaling yung 'SUPERMAN' na yon. Pero ayos na rin yan, tagapagtanggol ko naman talaga sya eh.

Rj Villaroman: Nice :D So bakit pala kayo magkagalit ngayon?

Dahil SAYO.

Jhess Araneta: Uhm, little misunderstanding lang. Pero actually, one week na eh :|

Rj Villaroman: Aw, so do you plan to eat your pride and apologize to him?

Jhess Araneta: Yes? Kaya ko naman basta sa bestfriend ko eh :D Kaya ko nga sya best friend diba?

Rj Villaroman: Yun naman pala eh :)))) So ano pang inaantay mo?

Ano nga ba? Siguro inaantay ko ang si RIGHT TIMING. At wish ko lang kasi masarap si PRIDE para madali lang syang lunukin. Kaso ang panget panget talaga ng lasa nya kaya umuurong yung dila ko everytime I try to say sorry kay Jess.

And I'm sure kayo rin nahihirapan mag enjoy sa pagkain ng pride.

Rj Villaroman: Andyan ka pa po?

Jhess Araneta: Ah oo. Uh, siguro mamaya kaya ko na mag sorry :)

Rj Villaroman: Ganun, goodluck ha? Pero sure ako tatanggapin ka na nun, for all I know namimiss ka na din nya.

Jhess Araneta: How can you say?

Rj Villaroman: Kasi lalaki din ako? Haha, ewan. Instinct lang.

Jhess Araneta: Umi-instinct ka pa dyan ha. Pero sa tingin mo? Will he even talk to me.

Rj Villaroman: He'll talk to you, beautiful.

ANO BA. Namumula ko ngayon, as in. Kahit sa chat nya lang sinabi. Na-imagine ko lang, pano pa kaya kung sa personal na? Edi naging krayola ako ng wala sa oras dahil sa redness ng mukha ko? HAHAHAHAHA. Grabe, ang lakas ng tama ko kay My loves.

Rj Villaroman: Oh natahimik ka?

Rj Villaroman: Uy ganda =))

Rj Villaroman: Tao pooooo? Jhessss?

Jhess Araneta: HAHAHA :) Hello?

Shet, anong klase yung sagot ko? Ganto ko pag kinikilig, natatameme.

Rj VIllaroman: 5:00 na pala ganda?

Jhess Araneta: Oo nga pogi eh.

Rj Villaroman: WEH HAHA. Wala ka bang balak matulog, GANDA?

Jhess Araneta: Wala POGI eh. Ikaw may balak ka?

Rj Villaroman: Wala din, wala ka kasing balak eh.

Jhess Araneta: Ah so inaantay mo ko?

Rj Villaroman: Tulog na kasi tayo Ganda?

Naalala ko bestfriend ko ah?

Yung sabay kaming natutulog.. Yung kahit magkalayo kami, sabay padin kami magpahinga.. HAY.

Jhess Araneta: Sige na nga, POGI.

Jhess Araneta: Sleep na tayooo?

Rj Villaroman: Yesss =)

Jhess Araneta: Okeysss, good mornight POGI.

Rj Villaroman: Good mornight GANDA, log out na.

And I logged out.

Somehow I felt great, thank you for the PM Pogi.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

<A/N:> Sorry kung maikli lang, loveyou =)    *THEGLASSEDGIRL

Capital H.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon