Pagkatapos ng momentum nya, iniwan muna kami nila mama at ng mga kuya ko. So dalawa nalang kami, at suddenly, natawa ko ng malakas.
"W-what's funny?" parang tangang tanong sakin ni Jess.
"Pag mahal mo girlfriend na agad? Di ba pwedeng ligawan mo muna ko?"
Napangiti nanaman sya.
"Oh bakit ka nakangiti?" tanong ko.
"Pakipot ka din pala."
"P-pero.. Kasi.. Nata-"
"Natatakot ka?"
Tumango lang ako, then niyakap ako ni Jess. "Hindi naman ako nagloloko eh.."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.. "I know, I know. Super effort ka pa nga oh.. Pero syempre gusto ko pading maka sigurado Jess. Pero kung ayaw mo hindi--"
"wait wait, di mo ata ko na gets. I mean, hindi naman ako nagrereklamo na gusto mo pa magpaligaw. That's so normal for a girl. Ang sinasabi ko lang, hindi ka na dapat matakot. Kasi mahal talaga kita. Hindi na kita lolokohin."
Shit, kinikilig ako. Kala ko kasi, ayaw nyang manligaw pero knowing na he's ready to wait.. Parang gusto ko na syang sagutin ♥♥ Lande, takte!
"T-thank you. :)"
"Tara?" tapos in-offer nya yung kamay nya. "Ay.. Joke. Nangliligaw pa nga lang pala ko. hehe.."
"Adik. Eh dati mo nang hinahawakan yung kamay ko."
"Eh syempre iba na ngayon. As bestfriend yun eh.. Ngayon as special someone na :)"
"Special someone daw.. Hacker!"
"Hahahahhahaha, ang sweet mo."
"Sweeeeet? Pano naging sweet yun?"
"Wala wala.. Alam mo bang nadala ko sa tawagan natin nun na sexy at macho? Minsan pag magkasama tayo tas kunwari may papa-abot ako sayo.. Nasasabi ko macho imbis na Jhess."
"Kaya pala puro fb ka din nun no? Parang nakalimutan nga natin isa't isa nun simula nung maging kami ni Rj KUNO."
"Galit ka pa din?"
"Napatawad na nga kita diba? Makulit?"
"Joke."
Andito kami sa veranda ngayon.. Sabi naman sa inyo ito ang favorite spot namin eh. At kanina pa sya nakatingin sa kamay ko.
"Anong meron?" tanong ko.
"Yung ring.. Nasan?"
"Ah.. yung bigay mo? Nasa kwarto.."
"San sa kwarto mo?"
"Sa side table ko."
Tapos bigla nalang syang umalis. Hindi muna ko sumunod. Baka kasi kukunin nya yung ring.
Less than a minute palang, nakita ko na syang pabalik sa kinauupuan ko.
At paglapit nya palang sakin, kinuha nya yung kamay ko, then sinuot yung ring sa ring finger ko. "Sayo yan, wag mo huhubarin ah."
"Salamat.."
"Wag mo huhubarin ha?"
"Oo nga. Kahit maliligo pa ko. Kahit saan susuutin ko to."
"Yaaan. Good girl." sabay tap nya sa ulo ko.
"FB tayo."
"Taraaaaaaa, gusto ko na ding ibalik sa totoong Rj yung fb nya eh."
"WEH, bakit mo pa ibabalik eh may new account na sya?"
"Para kasing lumalabas na magnanakaw parin ako ng account kahit alam mo na yung lahat. Kaya ayun.."