Chapter Two

6.1K 111 0
                                    


Sakay na siya ng airconditioned bus patungong bayan ng Salvacion. Pagkatapos nilang mag usap ng yaya niya kahapon at makabalik ng resort ay agad siyang nag impake ng mga damit niya. Halos sampung oras na ang biyahe at pagod na pagod na siya. Nangangawit na siya sa pagkakaupo. Kahit maganda ang daan ay napakahaba pa rin ng biyahe. Pakiwari niya ay hindi na siya makakarating sa paroroonan.

"Salvacion!" sigaw ng konduktor.

Napatingin siya sa labas ng bintana. Maluluwang at pawang sementado ang daan. Pagkababa niya ng bus stop ay hinanap niya agad ang paradahan ng jeep. Malayo-layo pa rin ang lalakbayin niya mula sa mismong bayan ng Salvacion patungo sa barangay na pupuntahan niya.

Pansin niyang maraming mata ang nakatingin sa kanya. Sanay na sya sa ganoong atensyon. No one can resist her beauty. Yun ang paniniwala niya sa sarili at sigurado siya dun. Nakasuot siya ng fitted jeans at loose blouse. Tinaas nya ang suot na sunglasses at nilagay sa taas ng ulo niya para mahantad ang magaganda nyang mga mata.

"Miss byutipol, saan ba ang punta mo? sa akin ka na sumakay." nakangiting sabi ng isang lalaking sunog sa araw ang balat. Nagpa cute pa ito sa kanya. Napangiwi naman siya.

"Sa barangay Magapet. Magpapahatid ako sa mismong bahay ng ya--" natigil siya sa pagsasalita. Naalala niyang kailangan pala nyang magpanggap. "I mean, magpapahatid ako sa bahay ng tiyahin ko, si Remedios Penado" maarte nyang sabi.

"Naku Ineng, ikaw pala ang pamangkin ni Reming na galing Maynila." singit ng isang lalaking tantiya niya ay nasa mid-50's ang edad.

"Ako nga po" sagot niya.

"Sa akin ka na lamang sumakay, ihahatid kita". Kinuha nito ang dalawang maleta niya at isinakay sa lumang jeep nito. Napataas naman ang kilay niya ng makita ang hitsura ng jeep. Bulok na ito at kinakalawang na nga ang katawan.

"Sigurado kayong umaandar pa ang jeep niyo?" tanong niyang sinisipat sipat pa ang jeep.

"Ay, oo naman ineng. Sa katunayan ay kaya pa nitong makipag karera" natatawa at proud pang sabi ng matanda matapos nitong isakay lahat ng gamit niya.

Nagdududa siyang tumingin sa matanda.

"Hindi kaya matetano ako, pagsumakay ako dyan?" deretsahang tanong niya. Imbes na mainis ang matanda sa tanong niya ay ngumiti na lamang ito sa kanya.

"Mukha lang delikadong sakyan, pero ligtas yan ineng. Sumakay ka na at parang uulan na. Mahirap ang daanan papuntang Magapet pag basa na ang kalsada" sumakay na ang matanda at naupo sa drivers seat. Kaya wala na rin siyang magagawa kundi sumakay na rin. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang matanda. Tumabi siya dito at hinigpitan ang pagkakahawak sa upuan ng umandar na ang jeep.

Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan ni Sofia ang mapakapit ng mariin sa kahit saang makakapitan niya para hindi tuluyang mahulog sa jeep. Umaalog alog kasi ang jeep dahil sa lubak lubak na daan at maalikabok pa. Panay na din ang ubo niya. Nasa kasulok sulukan na parte na talaga siya ng Pilipinas at hindi niya matanggap sa sarili nya na nandito siya sa lugar na ito na masyadong malayo sa kabihasnan. Malayong malayo sa nakasanayan na nyang Maynila. Wala nga siyang nakitang mall doon sa kabayanan. "Where in the world I am, baka hindi na ako maka survive" reklamo niya sa isip.

"Buti ano po at hindi tumitirik itong jeep niyo" sarkastiko nyang sabi. "Aww!" napahiyaw sya ng mauntog ang ulo nya.

"Pasensya ka na ineng, hindi pa kasi napapaayos ang kalsada kaya ganito" nakangiting sabi nito. "Buti at pumayag si Drae na tumira ka sa bahay niya" dagdag pa nito. Nangunot naman ang noo niya.

"Drae?" takang tanong niya.

"Oo, yung pinsan mo. Pamangkin din ng tiyang Reming mo. Hindi mo maalala?" sagot nito na deretsong nakatingin sa kalsada kaya hindi napansin ang pagkunot-noo niya.

"Ah, Oo si Drae... yung pinsan ko." naalala nyang sabi. Mayroon pala syang makakasama sa bahay ng yaya niya. Ang pamangkin nito. Ang sabi ng yaya niya ay may pagka suplado daw ang pamangkin. Well, tiyak nyang hindi uubra sa kanya yun. She's just wondering kung alam nitong parating siya. Wala din naman sinabi ang yaya Reming niya. Siguro ay hindi, dahil hindi sya sinundo.

"Matagal na kasing hindi kami nagkikita kaya nakakalimutan ko na" palusot niya.

"Unang beses mo bang dumalaw dito? Ngayon lang kita nakita dito eh"

"Opo. Nag aaral kasi ako sa Maynila, working student po ako, kaya ngayon lang ako dumalaw. Masyado na rin kasing polluted dun kaya naisipan kong magbakasyon dito" nakangiting sabi niya kahit hirap na hirap na sa pagkakaupo niya.

"Naku, maganda talaga magbakasyon dito. Lalo na at malapit na ang fiesta" masayang sabi nito. "Ako nga pala si Pedring" pakilala nito sa sarili.

"Nice to meet you Mang Pedring, ako naman po si Sofia" pakilala din niya.

"Ang gandang pangalan, bagay sayo ineng dahil maganda ka rin." puri nito sa kanya.

"I know right" yun sana sasabihin niya pero "Salamat po" yun na lang ang sinagot niya. Pa humble effect.

"Hindi ko alam na magaganda pala talaga ang lahi ni Reming" natatawang sabi nito.

Naisip niyang pangit siguro yung Drae na pamangkin ng yaya niya. Kaya hindi makapaniwala si Mang Pedring nang malamang may magandang pamangkin ang yaya niya. Gaano kaya kapangit yung Drae na yun? Mukha kaya itong unggoy? Isipin pa lang niya na may makakasama at makikita sya sa isang bahay na masakit sa kanyang mata ay hindi nya mapigil ang ugali nyang mapanglait.

Tanaw na nya ang malawak na palayan at mga nagtatayuang mga puno ng saging sa paligid ng kalsada. Maraming puno na rin syang nakikita. Halos kinse minutos na rin ang biniyahe nila. Sobrang pagod at gutom na rin sya. Sa wakas ay natanaw na nya ang mga kabahayan. Simpleng mga bahay lang ang nakikita niya. Yari sa pawid ang ilan sa mga bubong ng bahay. Tipikal na bahay probinsya.

"Dito na lamang tayo. Hindi na kasi kasya ang jeep ko patungo sa mismong bahay nyo."

Hininto na nito ang jeep at bumaba na ng sasakyan. Bumaba na rin siya.

Nakita nyang barangay hall ang hinintuan nila, maliit lamang ito at simple. May nakasulat doon na Barangay Magapet. "So, I'm already here. Finally" bulong niya sa sarili.

"Sumakay ka na lamang sa traysikel papunta sa bahay ng tiyahin mo" sabi ni Mang Pedring pagkababa nito ng mga bagahe niya. "Malapit na lang dito yung bahay, pwede naman lakarin kaya lang sa dami ng bagahe mo, hindi mo mabibitbit lahat" dagdag nito na nakatingin sa mga maleta nya. Medyo napangiwi pa ito. Tingin yata ni Mang Pedring ay hindi lamang bakasyon ang punta nya doon dahil sa naglalakihang traveling bag nya.

Pagkatapos niyang magbayad dito ay sumakay na agad sya ng traysikel. Limang daang peso ang binigay niya dahil naging mabait naman ito sa kanya.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon