Nagising sya sa pakiramdam na may mga matang nakamasid sa kanya. Dahan dahan nyang minulat ang mga mata nya. Nang sulyapan nya ang wristwatch na suot nya, pasado alas sais na. Naramdaman na nya ang paghapdi ng sikmura. Uminat sya at naghikab. Sakto namang napadako ang mga mata nya sa may pintuan. Sa gulat nya ay biglang naitikom nya ang nakanganga pang bibig. Nakita nya roon ang isang lalaking komportableng nakasandal sa hamba ng pinto at nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip ang mga braso sa bandang dibdib nito.Gosh! kanina pa ba nakatingin sa akin ang lalaking yan? Nakakahiya naman! sigaw ng isip nya.
"Who the hell are you?!" singhal nya dito. Gusto nyang itago ang pamumula ng mukha.
"Di ba ako dapat ang magtanong nyan sayo?" balik tanong nito sa kanya. "Anong ginagawa mo dito sa bahay ko? Magnanakaw ka 'no?!" dugtong pa nito.
So this must be Drae sabi nya sa isip. Ang inaasahan nya talaga ay yung magsasakang nakikita nya sa mga pelikula. Pero ang nakikita nya ngayon ay kabaliktaran. Nakasuot ito ng kupas na maong at blue t-shirt.
Nag init naman ang ulo nya sa huling sinabi nito. Napagkamalan pa talaga syang magnanakaw! Sayang gwapo sana, mukhang masungit nga lang.
"For your information, I'm not magnanakaw. Are you blind? I'm too beautiful para mapagkamalan mong theft. Pinapunta ako dito ni Nanay Reming, siguro naman nasabi na nya yun sayo!"
"Nabanggit nga nya. Pero wala akong maalalang pumayag ako. Get out of my house." pa suplado nitong sagot.
"You can't get me out of here. Wala ka ng magagawa dahil nandito na ako. Whether you like it or not, I'm going to stay here. Final. " She crossed her arms and throw a dagger look.
Napabuntong-hininga na lang ang binata sa determinasyon ni Sofia.
"Ok, dahil mapilit ka sa pagtira dito. I will set some rules and regulations."
Umalis na ito sa pagkakasandal sa pinto at lumapit sa kanya. Oh no, not too close piping usal nya habang papalapit ang binata sa kanya.
"Oh, at may nalalaman ka pang rules and regulations. Kahit nga ang simpleng rules sa isang pamamahay eh hindi mo magawa, that's cleanliness my dear, if you're not aware." mataray nyang sagot. "Nang dumating ako dito sa bahay mo kanina, nanlilimahid sa kadugyutan!" asik nya dito. Tinaasan lang naman sya nito ng kilay.
"Ikaw ba ang naglinis ng bahay ko?! kung hindi, wala kang karapatang magreklamo. Nakikitira ka lang."
Hindi sya nakaimik sa sinabi nito. Biglang umurong ang dila nya. Padabog syang umupo sa sofa.
"Ok fine! ano ba yang rules mo?!" nakatikwas ang kilay nyang tanong sa binata.
"First, ayoko ng umaasta kang prinsesa. Put in your mind na wala ka sa bahay nyo. You should know how to clean--"
"Magandang gabi" Hindi na natuloy ang pagsasalita ng kumag nang may magsalita. Sabay pa silang napatingin sa pinto. Tumambad sa kanila ang isang nakangiting babae. Agad namang lumapit sa direksyon ng babae si Drae. Inakay nito iyon papasok ng bahay. Nakita nyang may hawak hawak itong mangkok.
Sa simpleng pananamit nito na plain blouse at floral skirt na lampas tuhod, sa paningin nya ay papasa itong local beauty queen. Pwedeng panlaban sa Binibining Pilipinas. Matangkad, Morena, tuwid ang itim na buhok at di nya maipagkakailang sexy ito. Wala itong make up, pero hindi maitatago ang kagandahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/69741409-288-k744280.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...