Chapter Twenty-Three

5K 96 0
                                    


Makalipas ang tatlong araw, lumabas na ng hospital si Sofia.

Mula nang makalabas sya at makauwi ng bahay ay wala na syang ginawa kundi ang magpahinga, hindi sya hinahayaan ni Drae na magkikikilos. Nagtataka man sa pagiging sobrang maalaga at maasikaso sa kanya ng binata ay lihim naman nyang ikinakatuwa yun.

"Good morning!" bati sa kanya ni Drae nang maabutan nya ito sa kusina. May hawak itong mangkok.

"Good morning din." ganting-bati nya.

Gaya ng mga nakaraang araw nakahain na ang almusal sa mesa. Fried rice, fried egg at sausage. Ang binata ang laging nagluluto ng pagkain nila.

A man who not only knew how to do housework but also had no angst about doing those things. That was a man who was after her own heart.

"Gusto mo?" narinig nyang tanong nito.

"H-ha?"

"Champorado. Baka gusto mo?" Itinaas nito ang mangkok na hawak.

"Ah...m-maybe later. Thanks." Naiinis na sya kaka-"ah" nya. Mukhang naiwan nya sa kwarto ang kalahati ng isip nya kaya hindi sya makapag-isip nang maayos. Hanggang ngayon kasi ay di parin sya makapaniwala sa mga ikinikilos ni Drae.

"Sure?" paniniyak pa nito.

"Yes, magkakape na lang muna ako."

Nalanghap nya ang masarap na aroma ng bagong timplang kape. Baka kailangan nya ng caffeine para maayos ang takbo ng utak nya.

"Ayaw mo bang tikman? Niluto ko ito baka kasi nauumay ka na sa fried rice."

Hindi na nito hinintay na sumagot sya. Lumapit ito sa kalan, binuksan ang takip ng kaserola at sumandok ito mula roon. Kitang-kita talaga sa kilos nito ang pagiging komportable sa ginagawa. Swabe ang galaw nito, parang walang nasasayang na energy. Patunay na nakagawian na talaga nito ang ganung gawain.

Naglakbay na naman ang diwa nya kaya hindi nya masyadong nasundan ang mga kilos ni Drae. Nagulat na lang sya nang makita nyang nakatayo ito sa harap nya, nakaumang sa kanya ang kutsaritang hawak nito. Inikot-ikot nito iyon sa ere.

"Hello? Want a taste?" tanong nito.

"S-sige na nga."

Inilapit nito ang kutsara sa bibig nya. Nang sumayad sa dila nya ang champorado ay napapikit sya. Masarap talaga ang champorado nito.

"Hmm, this tastes so good." komento nya pagkatapos namnamin ang isinubo nito sa kanya.

"I'm glad you like it." anito. Halatang natuwa sa papuri nya.

Nakita nyang inilapit ni Drae ang kamay nito sa mukha nya. She froze. Nataranta sya. Kung tatabigin nya ang kamay nito o hahayaan na lang nya ito ay hindi nya mapagpasyahan. And then it was too late to make decision. Sumayad na ang daliri nito sa gilid ng bibig nya. Pinunasan nito iyon.

"You had some chocolate there." paliwanag nito.

Hindi nya sinasadyang mapatingin kay Drae. Her heartbeat suddenly accelerated and she seemed to have trouble breathing. Bigla ring naging malaking problema nya kung paano pipigilan ang pagnanais niyang abutin ang pisngi nito, saka haplusin yun. Nakatitig din ito sa kanya at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay may kakaibang tensiyong nanulay sa kanila.

Her eyes strayed towards his lips and she suddenly found herself wondering what his kiss tasted like.

Umayos ka! Nahihindik nyang utos sa kanyang sarili. But it seemed he was thinking of the same thing about her lips. Doon din kasi nakatuon ang mga mata nito at hindi nagtagal ay napansin nya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya. She should have moved. Pwedeng umatras sya. Pero naengganyo yata syang magpanggap na isang estatwa dahil gaputok man ay hindi sya kumilos. Para siguro kay Drae ay sapat na katiyakan yun na hindi nya ito gugulpihin sa kapangahasang binabalak nito.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon