"Kanina pa nandito si Mariz, labasin mo na at nakakahiya sa tao" sabi ni Drae, matapos ang ilang beses na pagkatok at pagtawag sa kanya.
Naisip na lamang niyang baka may dalang pagkain ang babae. Lumabas na nga sya ng kwarto. Gaya ng hinala nya ay may dala nga itong ulam. Napangiti sya. Mukhang gagawin nga ng babae ang mga sinabi nyang tips dito para mapansin ito ni Drae.
Nagkwentuhan sila ni Mariz at niyaya na rin nya itong maghapunan. Panay ang pa cute nito kay Drae, na hindi naman pinapansin ng binata. Nang umalis ng bahay si Drae ay mukhang nalungkot ito.
"Sigurado ka bang magkakagusto talaga sakin ang pinsan mo?" tanong nito. Yun din ang sinasabi nya dito.
Sinabi nya ang unang pumasok sa isip nya.
"Oo naman. Pasensya ka na sa kanya kung hindi man sya sumasagot pagnagtatanong ka. Mahina kasi ang pandinig nya, kaya mas mabuti kung lalakasan mo ang boses mo pagkausap mo sya."
"Talaga, kaya pala tahimik sya kanina. anong nangyari sa tainga nya?"
"Napasukan ng tubig nung minsang naligo sya sa dagat. Nainpeksyun kaya nagkaluga sya."
"Ha?!" Nanlaki ang mga mata nito. Nagpatuloy sya sa kwento.
"Huwag kang mag alala, magaling na naman, pero yun nga lang humina ang pandinig nya. Nabingi sya." pigil na pigil ang kanyang pagtawa.
"Mabuti naman kung ganon."
"Gusto mo parin ba ang pinsan ko kahit may depekto sya?"
"Oo naman, kahit ganun sya hindi mawawala ang paghanga ko sa kanya."
"Good. Yung ibang babae kasi nagba back-out kapag nalalaman nila na ganun si Drae."
"Iba ako Sofia, gustong gusto ko talaga ang pinsan mo." matatag na sabi ni Mariz.
"Mas mahuhulog lalo ang loob nya sayo kung panay kang magsasalita ng English. Gusto nya kasi yung mga mukhang matalino."
Sa narinig ay nagningning ang mata ni Mariz, tingin nito'y malaki talaga ang chance nitong mapaibig ang binata.
-----------------------------
Nangigigil sya nang makita si Sofia. Hayun ito at prenteng nakaupo sa sofa habang si Mariz ay mukhang pagod na sa paglalampaso ng sahig. Tatlong araw na itong walang palya na dumadalaw sa bahay, parating may dalang pagkain at naglilinis ng bahay nya. Hindi naman sya makatiis sa dumi ng bahay, kaya lang ay gusto nyang kumilos si Sofia. Nalilinis nito nang mabuti ang sariling kwarto nito, pero hindi nito magawa sa buong bahay gayong maghapon naman itong walang ginagawa.
Ang hula nya ay kung ano ano ang sinasabi nito kay Mariz tungkol sa kanya. Naawa na sya sa babaeng yun. Hindi kaila sa kanya na may gusto ito sa kanya. She was okay-looking, with a great body too. Yun nga lang ay wala syang gusto dito. Kailangan nyang makaisip ng paraan kung paano sasabihin kay Mariz na wala syang gusto dito nang hindi ito masasaktan. Nakakahiya kasi sa babae, mukhang mabait ito.
Tumikhim sya kaya napatingin sa kanya ang dalawang babae. Mukhang hindi malaman ni Mariz kung paano pupunasan ang pawis nito. Kinuha nya sa kanyang bulsa ang panyo at iniabot sa babae. Namula ang mukha nito. Si Sofia naman ay nagulat.
"Napaaga ka yata?"
"Maagang natapos ang nilalakad ko."
"Kumusta naman ang pakiramdam mo?" tanong ni Mariz. Napansin nyang masyadong malakas kung magsalita ito. He might have to tell her he was not deaf.
"Okay naman. Kumain na kayo?"
"I cook. I hope don't mind me?"
Umiling sya. Isa pa sa napansin nya kay Mariz ay ang pilit na pag i-english nito at tila tuwang tuwa naman si Sofia. Hindi nya alam kung paano at bakit pero malamang may kinalaman ito sa pagngisi ngisi nito.
She was power tripping. Naiinip marahil ito at nakakita ng mapagti-tripan. Habang nakikilala nya si Sofia ay lalo syang naiinis sa ugali nito. The woman had no respect for other people's time and effort. May talento talaga ito sa panlalamang at panlalait. She complained about littlest detail. It was as if she was leading the perfect life until she got here. Maybe that was partly true, but couldn't she understand she needed to learn to adapt?
Kailangan din nitong matutong makisama sa ibang tao. Hindi maaaring sa lahat ng pagkakataon ay ang gusto lamang nito ang masusunod. Pero sadyang maswerte ito na kahit saan magpunta ay nakakahanap ng mauuto.
Naghain na si Mariz. Mukhang at-home na ito sa bahay nya. Sa halip na mahiya ay kinindatan pa sya ni Sofia, tila sinasabing bumilib sya rito. Gusto nyang bulyawan ito ngunit si Mariz ang binalingan nya.
"Mariz, bakit mo naman tinutulungan ang babaeng yan na maglinis? Magagalit ako sayo kapag ginawa mo pa yun. Alam mo kasi, napakatamad ng babaeng yan. Noong nagsabog ang katamaran, sinalo nyang lahat."
"Naku, wala yun."
"Hindi. Kasi nag aalala rin ako para sa pinsan kong yan. Masyadong maarte yan bukod pa sa talagang napakasama nyan. Kung hindi yan matututo, paano na sya kapag nakapag asawa sya?"
"Naaawa lang naman ako kasi masakit ang ulo nya."
"Kunwari lang yan. Nagdadahilan lang sya, sigurado ako. Ang mga taong sobrang tamad, gagawin ang lahat para makaiwas sa mga gawain."
"Talagang masakit ang ulo ko 'noh!" singit ni Sofia. Mukhang mainit na kaagad ang ulo nito. "Eh bakit ikaw? Bakit hindi kaya ikaw ang maglinis dito?"
"O, wag na kayong mag away. Nakakatuwa naman kayong magpinsan. Me and my brother quarrel also." Nag ring ang cellphone nito.
"O, Ben? Bakit? Hindi naman. Okay bye." sagot nito sa kausap na nasa kabilang linya.
"Sino yun?" Tanong nya.
"Kababata ko, nakilala na sya ni Sofia kahapon. Mukha ngang na love at first sight yun sa pinsan mo. Nagpapalakad sakin." Nakangiti nitong sagot. Napasimangot naman si Sofia.
"Talaga? Yung Ben na anak ni Aling Guada?"
"Mismo. Mabait naman, kaya lang, walang laman ang utak kundi basketball."
"Mahilig akong magbasketball." Nakasilip sya ng paraan para maasar naman nya si Sofia. Mukhang ang hinahanap nyang solusyon ay si Sofia pa ang nagbigay sa kanya.
"Really? There's a liga. They need one more player. You wanna join?"
"Oo ba!"
Umismid si Sofia ng may tunog. Gusto na nyang pitikin ito sa ilong. Tinawagan agad ni Mariz si Ben at sinabing ipapakilala sya sa lalaki.
"Mag go-grocery ako mamaya, gusto mo bang sumama sakin Sofia?" Sabi ni Mariz pagkatapos.
Akmang sasagot na si Sofia. Pero inunahan nya ito.
"Pasensya ka na Mariz, kasi hindi ko talaga yan pinapabayaan sa grocery store. Medyo malikot kasi ang kamay nyan. Kung hindi ko nga inaareglo, nakadisplay na sana ang picture nyan sa grocery. May sakit syang ganun."
Napansin nyang nanlaki ang mata ni Sofia sa kanyang sinabi. Hindi siguro nito inaasahan yun. Kulang na lang ay sumigaw ang dalaga sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...