Naliligaw si Sofia sa isang masukal na kagubatan. Madilim at halos wala syang makita. May mga lugar kung saan natatakot syang humakbang dahil baka bangin iyon kung saan sya mahuhulog.Marami syang naririnig na ingay. Hindi nya maintindihan kung paano sya napunta doon at kung ano ang nangyayari. She only knew that she was lost and cold and hungry.
"Sofia, please come back." narinig nya ang boses na iyon. It was Drae. Gustong-gusto nyang sumunod dito. Pero hindi nya alam kung paano.
Biglang sumambulat ang liwanag sa kanyang mukha. Halos wala syang makita. Nasa loob ng kagubatan pa rin sya at kailangan nyang makalabas. Paghakbang nya ay bigla syang nahulog.
"Drae!"
A hand touched her and she slowly opened her eyes. Nakaupo sa tabi nya ang kanyang ama hawak nito ang kamay nya.
Sinubukan nyang kumilos pero napangiwi sya.
"Anak, don't try to move, be still." Hinaplos nito ang kanyang noo. "Kailangan pang maka-recover ng katawan mo. But you'll be fine. Doctor said, wala kang natamong head injury and you will be alright."
"What happened to Drae? I need to see him Dad. Dalhin mo ako sa kanya."
"Magpalakas ka muna hija. Don't worry. Maayos na si Drae. Natanggal na ang bala sa katawan nya. Katulad mo nagpapagaling na rin sya." sagot nito.
"Thank God.." usal nya. Tumingin sya sa kanyang ama. "Dad, si Rafael." hirap na bigkas nya sa pangalan nito.
Nakita nyang tumalim ang mga mata ng kanyang ama.
"He's gone." tipid nitong sagot.
Inaasahan na nya iyon subalit hindi nya maiwasang malungkot.
"Don't be sad about him. He doesn't worth it. Isa syang traydor sa pamilya natin."
"Pamilya pa rin natin sya Dad."
"Hindi sya tunay na Alcantara. Wag na nating pag-usapan ang traydor na iyon. Wala na sya. At wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano baka makasama pa yun sayo. You need to gain more energy para makabalik ka kaagad sa Empero."
"Yes Dad." sagot nya. Naisip nyang tama ito. Ngayon na wala na ang pinsan nya. Tiyak na marami syang trabahong gagawin.
"Sorry anak, kung sa tingin mo pini-pressure kita. You know how important you are. Ikaw ang magmamana ng Alcantara Empire."
"I understand Dad. I won't disappoint you."
"Sorry to brought up this topic to you anak. I know this is not the right time, but... tingin ko kailangan mo na ng katuwang sa pagpapatakbo ng mga negosyo natin."
Nangunot ang noo nya. "What do you mean Dad?"
"You know, nasa marrying age ka na."
"Dad, I'm just twenty-one. Marrying age na ba iyon sayo?" mahinang sambit nya bagama't gulat sa sinabi ng ama.
"But you need someone who could help you with our business, and someone who would take care of you."
"Bakit pa? Nandyan ka naman Dad. Tutulungan mo ako di ba?"
"Of course, I will. But I'm planning to turned over to you the presidency. Kaya kailangan mo nang mag-asawa."
"Dad. Don't tell me pipilitin mo akong mag-asawa kaagad?"
"Anak, bata ka pa ay nakatakda ka nang ipakasal sa lalaking napili namin ng mommy mo para sayo. Wala kang magagawa kundi ang sundin iyon dahil iyon ang gusto ng iyong ina."

BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...