Chapter Twenty-Nine

4.6K 93 1
                                    

"I think that's the right move, Lex. Pero pag-isipan mo munang maigi." payo ni Sofia sa kaibigan.
Nasa Edsa Plaza Hotel sila nang araw na iyon, kumakain sa isa sa mga restaurant ng marangyang hotel. Salathip Restaurant, sa Garden Cafe. Isa yun sa paborito nilang coffee shop.

Matagal na hindi umimik ang kaibigan.

Hinayaan naman ni Sofia na makapag-isip ang dalaga. Hinarap nya ang kanyang inorder na submarine sandwich at peach nectar shake. Pero wala sa loob nya ang pagkain.

Pinagmasdan nyang muli ang tahimik na kaibigan. Katulad nya, malaki din ang pinagbago ng kaibigan nya magmula nang makabalik ito galing sa pagtatago. Naikwento nitong sa malayong isla ito napadpad. Napapalibutan ng malawak na karagatan. Buti na lamang at may elektrisidad.

Pagkaraang makainom nang konti sa inorder nitong cappuccino ay nagsalita ang kaibigan nya.

"He's a very good man." tugon nitong nasa kape nito nakatingin.

"Wait, nililito mo yata ako. Kung mabuting tao ang lalaking nakasama mo sa isla, bakit ayaw mo nang magpakita sa kanya?" seryosong tanong nya.

"Sa ngayon, hindi ko pa kayang i-confide ang dahilan, Sofia."

Napabuntong-hininga sya. Diyata't may pagka-similarity ang naging sitwasyon nila ng kaibigan. Marahil ay na-inlove din ito sa nakasamang lalaki sa isla.

Mataman nyang tiningnan ang kaibigan. Sa kanilang apat, ito ang pinaka-lady like. Mabining kumilos. Hindi ito mahilig magsuot ng mga jeans at shorts. Lagi itong naka-dress kahit saan magpunta, kagaya ng ina nitong socialite. Katulad ngayon, naka-minidress ito at nakalugay ang buhok. Hindi talaga ito tipikal na maldita. Nadadamay lang ito sa mga kalokohan nila.

"Bestfriend mo ako Lex." paalala nya sa kaibigan.

"I know. Isang araw sasabihin ko rin sayo ang dahilan."

"Bakit hindi pa ngayon?"

"I simply can't, Sofia. Isa pa, alam ko rin na may pinagdadaanan ka ngayon. Ayokong dumagdag pa sa mga alalahanin mo." malumanay na saad nito.

"Okay, if that's what you want." sabi na lamang nya at hindi na pinilit ang kaibigan.

"Mag-disco tayo mamaya kasama sina Bianca at Elisse. Noong huli tayong lumabas, hindi tayo nag-enjoy." pag-iiba nito ng usapan.

"Next time na lang, may dinner kami mamaya ni Daddy." sagot nya.

"Tungkol ba sa business ang dinner nyo? Mukhang isasabak ka na sa real world ng Daddy mo ah. Handa ka na ba?"

"That's what I promise to Dad. Tutulungan ko sya sa pamamahala sa kompanya. And I think its already time. Kailangan na natin magseryoso." Ngumiti sya sa kaibigan. "I'm ready to face the real world."

---------------------

"Ipapakilala na kita bilang bagong CEO ng Alcantara Empire"

Tiningnan nya ang ama sa harap ng dinner nilang steak at mashed potatoes. Hindi pa nito ginagalaw ang pagkain nito. Nakatingin ito nang deretso sa kanya.

Nagulat sya sa pahayag nito. Alam nyang pagta-trabahuin na sya nito sa kanilang kompanya, pero hindi nya inaasahan na sa malaking posisyon agad sya ilalagay ng ama. Akala nya ay magiging isa muna sya sa mga board of directors.

"Do you really think, I fit to that position Dad? Mukhang ang bilis naman ng promotion ko, hindi pa man ako nagsisimula."

"Hija, nakakalimutan mo yatang ikaw ang sole heiress ng Alcantara Empire. Dapat lang na nasa mataas na posisyon ka. Balang araw ay ikaw na rin ang magiging presidente."

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon