Chapter Eleven

4.7K 109 6
                                    


Dahil wala syang magawa kanina sa itaas ng bahay ay sa bakuran na lamang sya nagtungo at tumambay, may duyan dun na nakatali sa sanga ng magkabilang puno. Nasa labas naman ng gate si Drae at kausap si Mariz. Tungkol sa basketball ang usapan ng mga ito.

Panay ang English ni Mariz pero mukhang hindi natatawa si Drae. Aakyat na sana sya sa bahay ngunit tinawag sya ni Drae.

"Dyan ka muna, pupunta lang kami sa patahian. Kakilala pala ni Mariz ang tumahi ng uniform nina Ben. Pwede ako magpa rush. Nakakahiya naman kung ngayon lang ako kasali sa liga, iba pa uniform ko."

"Nakakahiya nga!" sarkastikong sagot nya.

"Papasalubungan kita." ani Mariz. Mukhang sabik ito masolo si Drae. Nang makaalis ang mga ito ay nakita nyang patawid si Ben patungo sa bahay. Hindi pa man ito nakakalapit ay nagsimula na syang umakyat ng bahay.

"O, bakit aakyat ka na? Usap lang muna tayo." sabi nito. Oh, she hated the man's face. Makita palang nya ito ay naiirita na sya. Lalong uminit ang dugo nya rito nang kindatan sya nito. Kapal ng mukha!. He had no right.

"Masama ang pakiramdam ko"

"Babantayan kita. Wala naman akong ginagawa."

"Gusto kong magpahinga mag-isa."

"Suplada ka talaga. Pero kahit ganun ka, mula nang makita kita, gusto na kita."

Ewww! Hindi nya ma-take ang sinasabi nito. Kinalma nya ang sarili at muling hinarap ang lalaki.

"Pasensya ka na, Ben. Talagang masama pakiramdam ko."

Tuluyan na syang umakyat ng hagdan at isinarang mabuti ang pinto. Hindi sya mapakali. Panay ang sulyap nya sa wall clock. Hinihintay niya sina Drae at Mariz. Bakit ang tagal ng mga ito?

Ang tagal na nawala ng dalawa, may tatlong oras. Nang magbalik ang mga ito ay mainit na talaga ang ulo nya. May gana pa si Drae sitahin sya.

"Ang sabi ni Ben, masama daw ang pakiramdam mo? Sinumpong ka na naman ng katam?"

Hindi na lang sya kumibo. May iniabot namang isang plastik si Mariz sa kanya.

"Pasalubong."

"Thanks." malamyang sabi nya. Hindi sya kumakain nun. Papasok na sana sya sa kanyang kwarto ngunit may pinapasok ang dalawa na hindi kanais-nais na bisita. Ang dating pa ay parang surprise guest ito.

"There someone waiting for you!" bulalas ni Mariz.

Walang iba yun kundi si Ben. Si Drae ay mukhang genuine ang kagalakan. Kulang na lang ay sikmatan nya ito. May dalang bulaklak si Ben. Cheap roses. What was she expecting anyway?. Inulit nya ang dahilan nya kanina, na masama ang pakiramdam nya ngunit binale-wala yun ni Drae.

"Pare, mabait 'tong pinsan ko. Alam mo, bagay kayo."

The nerve! Ibinebenta sya nito at bakit? Gumaganti ito? Puwes, mali ang babaeng hinamon nito. Hindi man nya masikmura si Ben ay napilitan syang manatili sa sala.

Panay ang pagbibida ni Ben sa sarili. Sana raw at manood sya sa liga dahil tiyak na hahanga sya rito. Ito mismo ang pumuri sarili, malamang ay dahil walang gumagawa nun para dito. Maging si Mariz hindi sumasang-ayon sa mga sinasabi nito.

Si Drae lang ang mukhang tuwang tuwa kay Ben. Sa katunayan ay inutusan pa sya nitong bumili ng beer. Nagprisinta si Mariz na samahan sya.

"Mukhang botong-boto si Drae kay Ben." puna ni Mariz.

"Ewan ko nga sa tangang pinsan kong yun!" mainit parin ang ulo nya. "Eh, di silang dalawa nalang ni Ben ang magsama!"

Hanggang sa makabalik sila sa bahay ay gusto pa rin ni Drae na estimahin nya ang bisita. Nagpaunlak sya. Nagkukwento parin si Ben hanggang sa maisipan nyang sumingit.

"Syanga pala pinsan, kung maglalaro ka ng basketball, wag mong kalilimutan yung gamot mo."

"Gamot?" Kumunot ang noo ni Drae.

"Di ba dati ka nang napasama sa laro pero inireklamo ka sa lakas ng amoy mo?" Binalingan nya si Mariz. "Hindi nakayanan ng mga kalaro nyang tiisin ang amoy. May tama kasi sya sa kili-kili pero binigyan na sya ng gamot ng albularyo. May tumubo kasing parang buni sa kili-kili nya.... na kumakalat hanggang baywang, pababa. Medyo iba ang amoy.... hooo!" Itinapat nya sa ilalim ng kanyang ilong ang kamay. "Hindi mo matitiis, pero--"

"Pero magaling na." agaw ni Drae sa sinasabi nya. Malamang na napansin na rin nitong ngiwing-ngiwi na si Mariz.

"Eh, ang alipunga mo sa paa?"

"Matagal na ring magaling."

"Ano ang ginawa mo pare?" seryosong tanong naman ni Ben. Mukhang may alipunga rin ito.

"Kaunting gamot lang pare"

"Anong gamot? Baka mahal ha?"

"Eh, pero pwede ka na ba talagang maglaro? Kumusta na ba ang TB mo?" muling singit nya.

"Wala akong TB. Hindi ako nagkaroon. Mali ang sinasabi mo." Sabi kaagad nito . Marahil at napansin din nitong biglang lumayo si Mariz. Maging si Ben ay tumuwid ng upo. Pulang pula na ang mukha ni Drae. Tuwang tuwa sya.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon