Lumabas na sya agad ng Supermarket. Itetext na lamang nya si Bianca na dumeretso na sya sa parking lot. Nakita naman nya agad ang kaibigang si Elisse na nakasandal sa pinto ng kotse nito. Sinalubong sya nito at kinuha ang iba nyang dala."Ang tagal nyo." reklamo nito nang iabot nya dito ang isang plastic ng grocery.
Natawa sya. Mainipin talaga ang isang ito.
"Nawili kami sa pamimili eh. Sabi ko naman sayo sumama ka na." Naglakad na sila patungo sa nakaparadang kotse nito.
"Si Bianca?" tanong nito nang mapansin na wala pa ang isa nilang kaibigan.
"Nasa loob, may binibili pa. Itetext ko na lang na nandito na ako sa parking lot." sagot nya.
Nang makalapit sila sa kotse ay nilagay agad nila ang mga pinamili sa loob.
"Mukhang ang dami nyong pinamili ah. Magfo-food trip ba tayo mamaya?" tanong nito pagkatapos isarado ang pinto ng kotse. Sya naman ay kinuha ang cellphone sa bulsa at itetext na si Bianca.
"Oo. Para masaya ang bonding natin mamaya. May alak ka ba sa condo mo?" Inangat nya ang tingin para tingnan ang kaibigan.
Napansin nyang pasimple itong nagpalinga-linga at parang nakikiramdam.
"Sofia, sundin mo kung ano ang sasabihin ko sayo, okay?"
Naguguluhan man sa sinabi nito ay tumango sya.
"Pag sinabi kong dumapa ka, dumapa ka." mariing utos nito.
"What?!" gulat nyang tanong. Nagpapatawa ba 'to?
"Bilisan mong kumilos."
Anong nangyayari sa kaibigan nya?
Magsasalita pa sana sya, pero sumigaw na ito.
"Dapa!"
Kahit nalilito sya ay sumunod sya sa sinabi nito. Narinig nya ang sunod-sunod na putok ng baril. Mukhang sila ang target niyon. Tinakpan nya ng dalawang kamay ang magkabilang tainga nya. Lalo syang nagsumiksik sa gulong ng kotse na pinagkukublihan nila. Naninindig lahat ng mga balahibo nya sa sobrang takot. Nanghilakbot ang buong sistema nya.
Nakita nya ang kaibigang si Elisse, bumunot ito ng baril mula sa hita nito. Hindi sya makapaniwala na sa loob ng skirt nito ay may nakatagong baril pala. Umalis ito sa pinagtataguan at gumanti ng putok sa papalayong itim na sasakyan. Hindi nito natamaan dahil humarurot kaagad ang sasakyan na lulan ng mga masasamang taong bumaril sa kanila.
"Shit! Hindi ko natamaan." inis na sabi ng kaibigan.
Nanlalambot ang mga tuhod nya at parang walang lakas para tumayo. Inalalayan naman sya ni Elisse para makatayo. Tulala parin syang tumingin sa kaibigan.
"S-sino ang mga iyon? Bakit tayo ang pinupuntirya ng mga iyon?!"
"I don't know. Pero ako nang bahala. Paiimbestigahan ko ang nangyaring 'to." sabi nitong naniningkit pa ang mga mata sa inis.
"Elisse, I didn't know, you can hold a gun." Nakatingin sya sa hawak nitong baril. "Thank you for saving me."
"Wala iyon. That's what friends are for."
Niyakap nya ang kaibigan. Mas matapang pala ito sa inaakala nya.
Mabuti na lang at sila lang ang tao sa parking lot na iyon kaya walang nadamay.
"Kailangan na natin makarating sa unit ko. Mas safe tayo doon."
Dumating naman si Bianca. Gulat na gulat nang makita ang hitsura ng kotse ni Elisse na parang dinaanan ng delubyo.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...