Chapter Fourteen

4.6K 94 0
                                    

Kinagabihan ay nag celebrate nga sila. Sa bayan nila naisipang pumunta. Ang inaakala nyang  first-class na KTV na kanilang destinasyon ay mali pala. Isa lamang pala yung simpleng videoke-han. Overdressed pa sya sa lagay na yun.

Maliwanag ang loob ng naturang lugar. Fluorescent ang ilaw na gamit dun. Mayroong mga cubicles. Bawat isang cubicles ay bukas at sa loob ay merong mga videoke machine na hinuhulugan ng limang peso. Mayroon ding bilyaran. Maingay at mainit sa lugar dahil walang sapat na bentilasyon.

"Anong kakantahin mo?" tanong sa kanya ni Ben na nakaumang na sa videoke machine ang limang piso. Wala syang balak kumanta. Hindi nya talento yun. Pero ito rin ang kumanta ng hindi sya sumagot. The man was hugging the microphone. Addict  yata ito sa pagkanta. Pasikat ito ng pasikat. In fairness to the man, his voice was okay. Kaya lamang ay mali-mali ang pagbigkas nito. His face was very comical. Kapag bumibirit ito ay lalong pumapangit. Mukhang inakala nitong kaya sya nakatawa ay dahil tuwang-tuwa sya sa kanta nito at hindi dahil tawang-tawa sya sa mukha nito. Dahil doon ay ilang ulit syang tiningnan ng masama ni Drae.

"I dedicate this song to you Sofia." Sabi ni Ben na kakanta na naman. Panay naman ang tudyo ni Mariz. Kay sarap hampasin nito ng songbook.

Matapang na klase ng beer ang inorder ni Mariz. Dahil nabubwisit na sya ay ang beer ang pinagtuunan nya ng pansin.

Kumanta ng "It might be you" si Mariz habang pasulyap-sulyap kay Drae.

Bigla syang nakaramdam ng inis sa babae.

"What the hell is you're arm doing on my fuckin' shoulder?" aniya na masama na ang tingin kay Ben. Alam nyang lasing na sya.

"Ganyan talaga yan kapag nalalasing." sabi ni Drae. Tumayo na ito. "Mas maganda sigurong umuwi na tayo." Iniabot ni Drae ang kamay nya at ipinatong sa balikat nito. Bahagyang nanghihina ang mga tuhod nya.

"Ako na, pinsan." sabi ni Ben. Ang akala nya ay ipapasa sya rito ni Drae.

"Hindi, ako na, Ben. Ako lang ang may alam kung paano asikasuhin ang babaeng ito."

And she thought he indeed knew how to take care of her.

Masakit ang ulo ni Sofia nang magising sya. Nanaginip pa syang hinalikan daw sya ni Drae. She wondered if it was a dream or if it was real. Parang totoong-totoo na hinagkan sya. Inisip na lamang nya na dulot lang yun ng kalasingan.

Lumabas na sya ng kwarto. Nasa sala si Drae, at hindi ito nag-iisa. May kausap itong gwapong lalaki. At mukhang rich kid ito sa pormahan nito. Nangunot ang noo nya. Hindi nya kilala ang lalaki at sigurado syang hindi ito taga Magapet.

Napansin marahil nito ang presensya nya kaya napatingin ito sa gawi nya. Bigla naman syang na-conscious sa kanyang sarili. Kagigising lang nya at naka-pajama pa.  Nagtaka sya kung bakit ganun na ang suot nya, ang naalala nya ay hindi sya nakapagpalit ng damit. Hindi nga nya namalayan kung paano sila nakauwi kagabi. Naputol ang pag-iisip nya nang magsalita ang bisita nila.

"Hi. Good morning beautiful!" nakangiting bati nito. Napalingon naman sa kanya si Drae. Ngumiti syang pabalik dito. Lumapit sya at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Drae. Mukhang walang balak si Drae na ipakilala sila sa isa't-isa kaya ang lalaki na ang nagpakilala sa sarili.

"Hanz nga pala, you're Prince charming. May I know you're beautiful name Miss?" inilahad nito ang kamay sa kanya. Inabot naman nya ang kanyang kamay dito at walang pag-aatubili nitong hinagkan ang kanyang kamay.

"Sofia." sagot nya at binawi agad ang kamay. Mukhang babaero ang lalaki.

"Umalis ka na. Tapos ka na mag survey 'di ba. Nakakaistorbo ka na. Alis." Sabi ni Drae sa binata at binalingan sya. "taga NSO kasi ito. Nagka-conduct sila ng population survey."

"Whoah! Not so fast bro. Kararating ko lang paaalisin mo na agad ako. I want to know the beautiful woman in front of me. Ikaw, ha. Kaya pala nagpapakaburo ka dito dahil may itinatago ka palang magandang binibini." binalingan naman sya ng binata. "Wag kang maniwalang nagsu-survey ako. Dinalaw ko talaga 'tong best friend ko at namimiss ko na." Sinamaan naman ito ng tingin ni Drae.

"Ah, pinsan naman nya ako." sagot nya.

"Pinsan?" Nakakunot noo itong tumingin kay Drae. "Bro, kilala ko buong angkan mo. Tatlong babae lang ang pinsan mo. And I'm pretty sure she's not one of them. Saan sya kabilang? Ngayon ko lang sya nakita."

"Wag ka ng maraming tanong. At wag mo nang alamin." masungit na sabi ni Drae.

"Ok, ok. I won't ask anymore. Kung anuman ang drama nyo hindi ako makikialam." sabi nitong itinaas pa ang dalawang kamay. "I'm just happy to meet such a beauty, parang pamilyar ang mukha mo. Parang nakita na kita sa..." Parang nag iisip ito at inaalala kung saan sya nakita.

"Taga saan ka, mukhang hindi ka taga dito." tanong na lamang nya. Trying to catch Hanz attention, baka nga makilala sya nito. Mahirap na. Hindi nya kilala ang lalaki.

"Yeah, taga malayong bayan ako. Sa Hacienda Montreal." Sinulyapan nito  saglit si Drae na seryoso ang mukha. "Pero madalas ako sa Maynila. Nandoon kasi ang business ng pamilya namin."

"Pwede ko bang malaman ang buo mong pangalan? Malay mo nagkita na pala tayo dati."

"I'm Hanzel Allegre."

Napatango sya. Naalala nyang may naging boyfriend ang kaibigan nyang si Elisse na Allegre ang surname, anak ng isang business tycoon. She wondered how is he related to Ruther Allegre.

"How about you, I bet, nagkita na talaga tayo dati. Sofia right?"

"Sofia Leigh Alcantara."

Pagkabanggit nya nun ay parang lumiwanag ang mukha ni Hanz.

"I knew it! Sabi ko na nga ba. Kilala kita. So, anong ginagawa ng isang Alcantara dito?"

Naikwento nya dito ang sitwasyon nya. Mataman naman itong nakinig sa kanya at panaka-nakang nagkokomento. Napalagay ang loob nya dito. Sigurado na syang mapagkakatiwalaan ito, dahil na rin sa kaibigan ito ni Drae. Gusto sana nyang magtanong ng konting bagay tungkol kay Drae kaya lamang, nakabantay sa kanila ang binata. Hindi talaga ito umalis. Hindi nga nya maitanong kung paanong naging
magkaibigan ang dalawa. Halata kasing malaki ang agwat ng mga pamumuhay nito. Kinompirma nitong anak nga ito ng may-ari ng Allegre Corp. At kapatid ni Ruther Allegre na boyfriend ng best friend nya. What a small world nga naman!

Nag stay pa doon ang binata ng tatlong oras.
Nangako itong dadalaw madalas at sa susunod na punta nito ay ipapasyal sya. Bago umalis ay nag-usap muna ng sarilinan ang dalawang lalaki. Mukhang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito na kailangan pang malayo sa kanya para hindi nya marinig. Nagpaalam na ito pagkatapos.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon