May the Lord bestow upon me superhuman strength to endure this allBahala na. Bahala na!
Pilit itinataboy ni Sofia ang mga isipin habang lulan ng kanyang sasakyan. Patungo sya sa kompanya ng Montreal Group of Companies. Ngayong araw na ang business meeting nya sa binata. Alam nyang malaki ang galit nito sa kanya. Hindi nya alam kung paano nya pakikiharapan ang lalaking sobra nyang nasaktan. Excited syang makita itong muli pero naroon din ang pangamba na baka ipagtabuyan din sya nito.
Nang ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng fifty-five storey building, ay napatingala sya dito. Ito na ang Montreal Building. Humugot sya ng malalim na hininga. Pinatuloy sya ng sandamakmak na gwardiya. Singhigpit pala ng Malakanyang ang security roon. Nang maiparada na nya ang sasakyan sa carpark ng building ay bumaba na sya.
Dere-deretso syang pumasok ng lobby pagkatapos syang i-check ng mga security guard sa entrance. Halos lahat ng nadadaanan nyang mga taong naroon ay napapalingon din sa kanya. Kaswal na nagflip sya ng buhok bago pumasok ng elevator. Nag-aalangan pa ang ibang mga sasakay din kung sasabay ba sa kanya sa elevator o hindi. Nakaka-intimidate kasi ang hitsura nya. May ilan na sumabay, pero ni hindi makadikit sa kanya. Pakiramdam nya tuloy ay para syang apoy na kapag mapadikit ay nakakapaso. Pinindot nya ang 46. Iyon ang floor kung nasaan ang opisina ng kanyang sadya. Mas lalong dumistansya sa kanya ang mga kasabay nang malaman kung saan ang kanyang destinasyon. Isa-isang nagsilabasan ang mga sakay nang mapatapat sa mga respective floors nila. Sya ang huling lumabas.
Hindi nya pinahalatang nanlalambot ang kanyang tuhod habang papalapit sa table ng babaeng hinuha nya ay secretary ng binata. Sinabi nya ang kanyang pangalan at may appointment sya sa CEO ng MGC. Ikinairita nya nang sabihin nitong maupo muna sya at maghintay.
Sandali syang pumikit upang magdasal ulit na sana ay bigyan sya ng nasa itaas ng dagdag ng lakas na loob upang kaharapin si Van Drae Montreal.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay tinawag sya ng secretary nito at sinabing pwede na syang pumasok. Siguro kung hindi pa sya nagbago ay kanina pa nya binulyawan ang sekretaryang iyon na kung tratuhin sya ay isang ordinaryong tao lang. Itinuro nito ang nakasaradong pinto na nasa dulo ng hallway, iyon daw ang opisina ng binata.
Tinipon nya lahat ng lakas ng loob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata nya sa tagpong nakita sa loob ng opisinang iyon. Dalawang tao ang naghahalikan. Sa mismong harap nya!
Biglang naghiwalay ang mga ito ng mapansin na may ibang taong naroon. Kakapusin yata sya ng hininga nang makilala ang lalaking kanina lang ay may kahalikan. Ngumiti ang sopistikadang babae pagkakita sa kanya at kumunyapit sa braso ng binata at si Drae naman ay nakatuon ang matiim na tingin nito sa kanya. Nakatingin ito sa kanya na para bang kasalanan nya na naputol ang marubdob na paghahalikan ng mga ito.
"Sorry...I-I didnt mean to interrupt you. Maybe I'll ask again for another appointment." aniya. Saka tumalikod.
"Stay." saad ni Drae sa mababa at seryosong boses.
Mas tamang sabihin na malamig at parang walang pakiramdam ang boses nito. Nilingon nya si Drae na noon ay salubong ang mga kilay. Kahit ganoon ay masasabi nyang mas lalong gumuwapo ito ngayon at mas bagay dito ang suot na corporate suit.
Umalis ang babaeng kahalikan nito nang sabihin ng binata na may business meeting ito. Pero bago yun ay tininingnan muna sya ng babae, mula ulo hanggang paa. Na tinaasan naman nya ng kilay.
Nagdadalawang isip sya kung tutuloy pa ba sya o hindi na.
Think about the partnership! sabi nya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...