Napapitlag sya sa mahinang katok sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Nagdadalawang isip kung bubuksan ba nya o hindi at magkukunwaring tulog."Magbihis ka. Mamamalengke tayo. Bilisan mo, 5 minutes dapat bihis ka na." Narinig nyang sabi ni Drae.
Napasimangot naman sya. Hello! Kulang pa nga ang isang oras para sa pag aayos nya sa sarili. Ang dami kaya ng ginagawa nyang seremonyas sa katawan.
"Nagmamadali? May hinahabol ka?" sarkastiko nyang sagot.
"Basta bilisan mo." Yamot na sabi nito at umalis na sa harap ng pinto nya. Narinig nya ang mga yabag nito na papalayo.
Inis na binuksan nya ang cabinet. At kumuha ng damit. Pinili nya ang blousy tank nya, this blouse is a delicate take on plaid, the twisted front gives a cool, half-tucked look. Slim leather pants naman ang tenerno nya sa blouse at yung sapatos nya ay ankle-strap heels. Sa pagmamadali ay naglagay na lamang sya ng lip gloss sa labi. Natural ng red ang lips nya kaya di na kelangan ng bonggang lipstick.
"Lumagpas ka na sa 5 minutes ah. Di ka pa tapos?"
Muli nyang sinipat ang sarili sa salamin. Perfect! Gorgeous as ever.
Dali-dali nyang binuksan ang pinto at lumabas na. Naabutan nyang nakaupo si Drae sa sofa at busy sa cellphone nitong niluma na ng panahon.
"Tara na." Nakangiti nyang sabi. Nag angat ito ng tingin. At ng makita sya, nagsalubong ang mga kilay nito.
"Bakit ganyan ang ayos mo?" Nawewerduhan na sabi nito.
"What's wrong with my attire?" Takang tanong nya.
"Yang suot mo ang mali"
"Maganda naman ah. Don't you know na fashion trends 'to? Sikat na designer ang gumawa ng damit na 'to." Pagbibida nya sa kasuotan nya.
"Wala akong pakialam kung uso yan ngayon at kung sino ang designer nyan. Bakit ganyan ang suot mo na para kang aattend ng party? May I remind you na palengke ang pupuntahan natin."
"Bakit, hindi ba pwedeng magsuot ng ganito dun?"
"Tsk! Wala ka talagang pag-asa." Napapailing na sabi nito. "Magpalit ka, bilis!"
"Oo na. Magpapalit na."
Sa huli ay isang simpleng printed shirt na may nakasulat na I'm beautiful sa harap ang kanyang sinuot at maong short na hindi masyadong maikli. Naka flip flops na lang sya.
"Pwede na yan" sabi ni Drae na hindi man lang tumingin sa medyo naka expose nyang legs.
Nauna na itong bumaba ng hagdan. Sya na ang nagsara ng pinto at pagkatapos ay bumaba na rin.
"Isama natin si Denden.." Sabi nya dito nang maabutan nya sa labas ng gate.
Nagkibit balikat lang ito at naunang maglakad. Psh! Wala ba talagang kahit konting pagka gentleman ang lalaking 'to! Akala mo walang kasama. reklamo nya.
"Hoy! Hintayin mo naman ako. Ang bilis mo maglakad ah!"
"Ang bagal mo kasi" nakatalikod lang ito at hindi sya nilingon.
"Nahiya naman ako sa mga hakbang mong malahigante!" inirapan nya ito kahit hindi nito nakikita.
"Halika na nga. Ang arte mo talaga. Wala tayo sa rampahan. Wag kang feeling model maglakad." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang wrist nya. Panabay na silang naglakad.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...