Marahang kumatok si Sofia sa kwarto ni Drae. Dala-dala nya ang isang tasa ng umuusok na kape.Maghapon na wala ang binata. Hindi nya namalayan ang pag-alis nito kaninang umaga. Pag-gising nya ay isang note na lamang ang nadatnan nya. May aasikasuhin daw ito at baka gabi na makauwi. At nang umuwi ito ay parang pagod na pagod at namumula ang mukha. He looked weary and sick. Inisip na lang nya na marami itong ginawa sa bukid.
Nang wala syang makuhang tugon mula sa loob ay dahan-dahan nyang itinulak pabukas ang pinto. Kaagad nyang nakita ang binata sa higaan nito, tulog na tulog at mukhang pagod na pagod. Inilapag nya sa upuan na katabi ng higaan ang dalang kape. Patiyad nyang nilapitan ang binata. Ayaw nyang gisingin ito. Wala sa ayos ang buhok nito at mukhang stress. Pero ganun pa man, hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.
Ang gwapo talaga ng mahal ko. sa loob loob nya.
Inayos nya ang pagkakahiga nito at kinumutan.
Papatayin na sana nya ang ilaw nang mahagip ng kanyang mga mata ang nakabukas na laptop na nakapatong sa mesa. Hindi nya alam na may laptop pala ito. Lumapit sya dito at naagaw ang paningin nya sa laman ng inbox sa google mail ng binata.
"Mr. Serron Alcantara" mahina nyang pagbasa. Kumunot ang noo nya. Bakit may email dito ang daddy nya? Hindi sya likas na pakialamera, pero sa mga sandaling iyon ay mangingi-alam muna sya. Maingat na binuksan nya ang email na galing sa daddy nya at binasa.
Hindi nagkamali si Reming sa pagpili sayo para maging guardian ng anak ko. You have done a great job. Base sa mga emails mo at personal assessment ko ay maaari ko ng tapusin ang parusang ibinigay ko sa kanya. Makukuha mo na ang reward ko sayo.
Congratulations, sa pina-plano mong pagbili ng farm.
Keep me posted.
Nag exit sya kaagad sa inbox ng binata. Nanginginig ang kamay nya at naninikip ang kanyang dibdib na pakiramdam nya ay parang tinarakan ng kutsilyo. Malalim.
Kaya pala biglang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Mula sa pagiging masungit at walang modo nito ay naging maalalahanin, maalaga at mabait ito sa kanya. Ngayon ay sumabog na sa harapan nya ang malaking kasagutan. Ang sakit-sakit niyon! Parang unti-unting hinihiwa ang puso nya.
Ang mas masakit ay pinaniwala sya nito na may pagmamahal ito sa kanya. Wala nang mas sasakit pa doon. She loved him at alam nyang mahihirapan na syang alisin yun sa sistema ang pag-ibig nya para rito.
Ginamit lang sya nito para sa pansariling kapakanan. Kung kailan naman nagdesisyon na syang piliin ang binata at mamuhay ng simple kasama ito. Saka naman nya nalaman ang malaking kasinungalingan nito. Napakasakit malaman iyon!
Kaya nang mga oras na yun ay nakapag desisyon sya.
Lumuluhang nilisan nya ang silid nito.
Tinungo nya ang sariling silid at hinagilap ang cellphone sa cabinet. Bumaba sya ng bahay.
Nag-dial sya mula sa contacts. Buti na lang naka-postpaid sya kaya lagi syang may load. Pagkaraan ng ilang segundo ay may sumagot na sa tawag nya.
"Daddy, kumusta ka na? I miss you Dad." naiiyak na sabi nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...