Hindi pa uso ang mall sa probinsya kaya ang shopping nila ay sa palengke. Dinala sila ni Drae sa isang stall ng mga damit. Mga abot kayang presyo lang ang mga yun. Merong mga naka display dun na may tatak ng isang branded na mga damit pero sigurado si Sofia na imitations lang ang mga yun. Marunong syang kumilatis ng authentic na mga bagay.
"Papalitan natin ang mga damit mo"
Napalingon sya kay Drae.
"Why?" Tanong nya. Hindi sya nito sinagot at kunwari'y abala sa pamimili ng damit.
"Have you forgot why you're here?" Balik tanong nito ng makalapit sya sa binata.
She sighed. No. Hindi nya nakakalimutan kong bakit naroon sya ngayon sa lugar na yun at kasama ang masungit na binata. Nagtatago sya. Lumalayo sya sa kapahamakan. Hindi naman imposibleng hindi gumanti sa kanya ang babaeng naging dahilan kung bakit sya napunta sa ganung sitwasyon. Ang babaeng binugbog nilang magkakaibigan. At sa kaalamang maimpluwensya din ang angkan nito ay posibleng hina.hunting parin sila hanggang ngayon.
"Don't you think it's safe kung mananamit ka ng simple at hindi mo ipapangalandakan sa buong Salvacion ang mga branded mong mga kasuotan? People can easily recognize you by doing that. Unless na lang kung gusto mong matunton agad ng mga taong pinagtataguan mo."
Napabuga sya ng hangin. Aminado syang tama si Drae, pero ang hindi nya matanggap ay yung ideya nitong magsusuot sya ng mga mumurahing damit. I can't imagine myself wearing those cheap clothes!. Pero alam nyang kahit anong reklamo nya, si Drae parin ang masusunod. Kahit paano naiisip din nito ang kaligtasan nya.
Binilhan sya nito ng mga blouse na tig- one hundred eighty tatlong pares, at tig-sesengkwentang mga shorts. Mga pajama at mumurahing jeans. Natawa pa sya sa tatak nito. She really can't believe na magsusuot sya ng peke.
Hindi sya makapaniwalang si Drae ang nagbayad ng lahat ng binili nilang damit para sa kanya. Ito na rin ang nagbitbit ng mga yun.
Napansin naman nyang kanina pa nakatitig si Denden sa mini floral dress na kulay pink na nakadisplay doon sa manikin. Kaya walang pag aatubiling binili nya yun para sa bata. Bakas sa mukha ni Denden ang sobrang tuwa ng tanggapin nito ang naka plastic na damit.
"May masarap na halo-halo dun sa stall ni Aling Mara. Game ka bang kumain dito?" tanong ni Drae.
"Sige" napipilitang sagot nya.
"Da best halo-halo yun dito sa bayan ate Sofia." Masayang sabi ni Denden.
Naglakad na sila papunta sa tinuturong stall ni Drae.
"Aling Mara, tatlong special halo-halo nga po." Order ni Drae sa aleng nagtitinda.
-------------------------
Van Drae Montreal
Lihim nyang pinapanood si Sofia habang kunwari ay busy sya sa sariling halo-halo. Walang make up ang dalaga at naka blouse lang, shorts at flip flops pero stand out parin ito sa kinaroroonan nila. Napansin nyang dalawang pares na ng kargador ang muntik magkabungguan dahil sa pagtingin sa dalaga at sa legs nito na nakalitaw. Sobra ang konsentrasyon ng dalaga sa halo-halo na tila minumurder na nito.
Pasimple syang natawa at kinuha ang pinaghihirapan nitong duruging yelo.
"Tsk! Ako na nga. Baka wala nang matirang yelo dahil natapon na lahat." Tila naiinis na sabi nya.
"Thanks" ngiti nito sa kanya.
It was that smile that got him. Hindi nga nya alam kung bakit nakumbinsi syang kupkupin ang dalaga. It was so not him. May justification sa isip nya ang ginawang pagpayag. Dapat makilala nya rin ng husto si Sofia. Sumang-ayon siya nang hindi masyadong nag iisip dahil kung pinag-isipan nya, malamang wala sya rito ngayon.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...