Kinabukasan ng umaga ay araw ng fiesta. Ito ang araw na ayaw na ayaw nyang dumating. Mamayang gabi na kasi ang coronation night ng babaeng kinaiinisan nya. Syempre escort nito si Drae.Hindi sya agad bumangon. Balak nyang humilata na lang maghapon sa higaan. Medyo masama din ang pakiramdam nya kaya naman hanggang mag alas dyes ng umaga ay nasa higaan parin sya.
Pagsapit ng tanghalian ay napilitan na syang bumangon. Humahapdi na ang sikmura nya. Mahilo-hilo syang nagtungo ng kusina. Dahil sa nararamdamang hilo na parang matutumba sya ay marahan nyang ipinikit ang mga mata at saglit na umupo. Nang medyo umayos ang pakiramdam ay nagluto sya ng lugaw. Matabang ang panlasa nya kaya yun nalang ang naisipan nyang lutuin.
Nagsasalin sya ng tubig sa isang baso nang may magsalita sa likuran nya.
"Akala ko hindi ka na lalabas sa kwarto mo. Hindi ka man lang lumabas kanina para mag-almusal"
"I decided to have a brunch today. Naglunch ka na ba?" Nagsandok sya ng lugaw at inilagay sa mangkok.
"Lugaw?"
"Oo, nagbabawas ako ngayon ng carbohydrates sa katawan. I'm on a diet." Inilapag nya sa mesa ang pagkain at agad na umupo. Hindi alintana ang presensya ng binata.
Nangunot ang noo ng binata sa sagot nya. Mukhang hindi ito kumbinsido.
"Diet? Look at yourself, you're body is almost like of a bamboo stick. Just one push and you'll easily fell on the ground."
Hanep! Sa lahat ng magbubukid ito lang ang bukod tanging sosyal magsalita. Mas matatas pa sa kanyang mag-englis. Siguro ay call center agent talaga ang trabaho nito at nagkukunwaring magbubukid lang.
Pag ganitong masama ang pakiramdam nya ay madaling magtaasan ang dugo nya. Umuusok agad ang mukha nya at daig pa nya ang nag-aalburutong bulkan.
"Nilapitan mo lang ba ako para laiitin mo? Alam ko, na kasing katawan ko ang kawayan. You don't have to state the obvious. Umalis ka na at puntahan mo na lang ang pinagmamalaki mong beauty queen."
"I'm just trying to tell you na hindi mo kailangan mag diet. Kumain ka ng marami." Inis na lumayo ito sa kanya. Akala nya ay aalis na talaga ito pero may kinuha lang pala sa kaing na nasa gilid na katabi ng mesa. Isang piling ng saging na hinog.
"O, ito. Kumain ka ng saging." Pagkasabi niyon ay inilapag nito sa mesa ang prutas. "Mamayang gabi may kasayahan sa plaza, isasama ka ni Mariz."
"Ayokong manood." walang ganang tugon nya.
"Wala kang kasama dito mamaya. Baka gabihin ako ng uwi dahil inimbitahan kami ng asawa ng Mayor na pumunta sa bahay nila pagkatapos ng coronation. Kaya sumama ka na lang kay Mariz."
So, pababayaan talaga sya nitong mag-isa at hindi man lang sya naisipang isama. Akala ba nya guardian nya ito?
"Kaya kong mag-isa."
"Masaya sa plaza, maraming kang mapapanood dun."
"Ayoko parin."
"Okay, then you leave me no choice but to ask Ben to look after you."
"What?!" bigla yatang sumakit ang ulo nya. Binitawan nya ang kutsarang may laman na kanina lang ay hinihipan nya. Naniningkit ang mga matang tinitigan nya ang binata. Pero nang makitang seryoso ito ay pinigilan nya ang sarili na bulyawan ito.
"Sige na, sasama na ako."
Tinapos nya ang pag a-apply ng lip gloss sa labi bago tingnan ang sarili sa salamin. Nakasuot sya ng skinny jeans na nagpapakita ng mahaba nyang legs at ang kanyang halter top white blouse ay ipinapakita ang kurba ng balingkinitan nyang katawan. Inipit nya sa magkabilang tainga ang lagpas-balikat na buhok para ilabas ang mga hikaw na perlas. Nang makontento sa sarili ay lumabas na sya ng kwarto. Nasa sala na si Mariz at hinihintay sya.
BINABASA MO ANG
Ms. Maldita No More [COMPLETED]
RomanceThe Flamingoes Series She is Sofia Leigh Alcantara. She is well-known for being "Maldita" and heiress of Alcantara Empire. She believes that "No one can resist her beauty". Pero nagbago yun nang makilala niya si Drae.. ang ubod ng gwapo at ubod...