Chapter Twenty-Seven

4.7K 92 0
                                    

"Just forget her Drae. Ikaw na ang nagsabi na napakataas ng tingin ng babaeng yun sa sarili nya. Tinanggihan ang pagmamahal mo dahil akala nya mahirap ka. So, bakit nagkakaganyan ka pa rin?" naiiling na wika ng kanyang nakakatandang kapatid. Si Van Drake Montreal.

Hindi nya nakayanan ang sobrang sakit at lungkot sa bahay nya mula nang umalis si Sofia doon. Kaya nagpasya syang umuwi sa kanilang mansion sa Hacienda Montreal. At sa mga sandaling yun ay karamay nya sa inuman at pagdadalamhati ang kanyang kapatid.

"Hindi yun ganun kadali, kuya. Mahal ko sya...mahal na mahal ko sya. I'd never loved a woman before like the way I love her now."

"Pero ayaw nga niya sayo dahil mahirap ka. Unless, aaminin mo na sa kanya na hindi ka naman talaga mahirap."

"Ewan ko kuya, hindi ko alam!" aniya. Masakit pa rin sa kanya ang pag-iwan ng dalaga sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang ang kapatid nya, somehow, nauunawaan nito ang nararamdaman nya.

"Well, nasa sayo pa rin talaga ang desisyon Drae. Kung mahal mo talaga, go for her. Basta ang mapapayo ko lang, follow your heart along with your mind. Ipakita mo sa kanya na karapat-dapat ka para sa kanya. Show her what you truly are. Syempre, unahin mo muna ang sarili mo. Build up yourself first. Marami ang naghihintay sayo. Hinihintay ka ng buong Montreal."

Nilagok nya ang laman ng bote ng beer na animo uhaw na uhaw. Kahit sa pamamagitan lang niyon ay maibsan ang sakit sa puso nya.

"Stop drinking too much Drae, kagagaling mo lang sa medication. Nakakalimutan mo na yata na muntik ka ng malagutan ng hininga. Ewan ko ba naman sayo, alam mo na mang bawal ka sa manok pero kumain ka. Ganyan na ba ang nagagawa ng pag-ibig ngayon?" sermon nito.

"Ayokong ma-upset si Sofia sa mismong birthday nya. Sya ang naghanda ng fried chicken party na yun."

"Your love for her is deadly. And without her knowing it, she's killing you. Nakakatakot. Kung ganyang nakakamatay pala ang pagmamahal mo na yan. Better stop it Drae. Wag kang magpaka-baliw."

Natigilan sya at ilang saglit na natahimik.

"Yeah, I think your right kuya. I should stop this feelings for her. Minsan na akong nasaktan dati. At nasaktan ulit ngayon. Hindi ko na kakayanin ang isa pang sakit. I'll go back to my real life like the way she did. Asahan mo ang pagbabalik ko sa Montreal kuya."

"Ngayon pa lang binabati na kita. Welcome back little bro. Wise decision." nakangiting tinapik nito sa balikat ang lasing na kapatid. "Tingin ko naman ay babalik siya sayo oras na malaman niyang—"

"Of course, babalik siya sa akin. Pero hindi na ako ang Drae na kilala niya. Everything will be different, kuya."

"What will you do?"

"Tuturuan ko siya ng leksyon!"

-----------------------------------

Sa loob ng mahigit isang linggo mula nang bumalik sya sa kanyang marangyang buhay ay tila nakalutang sa kung saan ang pakiramdam nya.

Minsan silang lumabas ng kanyang mga kaibigan pero hindi sya nag-enjoy. It was the first time that she didn't enjoy clubbing with her friends. Mukhang ang mga ito man ay hindi rin nag-e-enjoy. Something about them had changed. Sometimes, she would lie awake in bed hoping that things would go back to the way it was.

It was a sunny and lovely Sunday afternoon. She called up her best friends. They were all busy, they said. So she went out alone.

Sa mall sya dumiretso. Isang oras pa lamang syang nag-iikot ay nakailang libo na sya ng nagagastos. She bought a new bag, a new pair of shoes, plus cosmetics. Lahat signatured items. Sa ilang sandali ay masaya sya, pero bumalik kaagad sa isip nya ang mga nangyari. Parang gusto nyang umuwi pero ayaw nyang magpatalo sa hiling ng isip nya.

She called up a few other people and they were all busy or too tired to go out. It must be some sort of conspiracy. Sa lahat ng pagkakataon ay bakit noon nagsabay-sabay ang mga ito na maging busy at pagod? Kung kailan kailangan nya ang mga ito ay saka wala ang mga ito.

Buwisit!

She ended up watching a movie. It was a bad movie. Maging ang palabas sa sine ay parang nang-iinis. Lalo tuloy syang nabwisit. Paglabas nya ng sinehan ay madilim na sa labas. Linggo noon kaya maagang magsara ang mga bars. Ang paborito naman nyang dance club ay pangit puntahan kapag nag-iisa.

She decided to go to her favorite restaurant. She would eat to her heart's content. Ang lahat ng pagkain na hindi sumayad sa mga labi nya sa nakalipas na mga buwan ay kakainin nya ngayon. Who said a table for one wouldn't be enjoyable?

Wala syang pakialam na nag-order ng lahat ng masarap na makita sa menu. She had angus beefsteak, potatoes cake, pasta smothered with different kinds of cheeses and herbs. Habang hinihintay ang order nya ay nakatunganga lamang sya sa table center piece, nalulungkot, parang hungkag na hungkag ang pakiramdam.

"Miss Sofia? Oh, its really you!"

Nag-angat sya ng tingin at nakita nya ang isang maputi, medyo payat at nakasalaming babae. Malapad ang ngiti nitong lumapit sa mesa nya.

Kumunot ang noo nya. Kinikilala ang babaeng naglakas ng loob na sirain ang pag-e-emote nya.

"I'm Lanie from Pepper magazine." pakilala nito.

Oh, yeah. Minsan na syang na-interview sa babasahing yun. One of the fearless women in the country, was what the magazine claimed she was.

"Hello, Lanie glad to see you again." magiliw nyang tugon.

"I'm glad to see you too Miss Sofia. How have you been? Are you waiting for someone?" tanong nito.

"Ah, No. I prefer to have dinner alone." sagot nya. Nararamdaman nyang namimingwit ito ng impormasyon tungkol sa kanya."Gusto mo ba akong imbitahan for some interviews?"

"We would really be glad kung pagbibigyan nyo kami. Balak talaga namin kayong i-feature sa next issue ng magazine namin."

"So you mean, an interview with 'The Flamingoes'?" pagka-klaro nya.

"Yes Miss Sofia. Kayong apat na magka-kaibigan."

"Oh, that's fabulous." komento nya.

Noon dumating ang mga in-order nya, maliban sa dessert. Kumunot ang noo ng kausap. "Are you sure, ikaw lang mag-isa ang kakain ng mga yan?" tanong nito.

"Yes. I just missed all these food. You can join me if you like."

"Thanks but no thanks, may hinihintay pa kasi ako. Well, eat up."

Uminom muna sya ng glass of water. Napansin nyang napadako ang mga mata ng kausap sa singsing na suot nya. Iyon ang singsing na bigay sa kanya ni Drae. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya magawang hubarin yun. Ibinaba kaagad nya ang hawak na baso.

"Miss Sofia, yan ba ang latest jewelry sa Sofia's Legacy? ang ganda! Can I see it?" namimilog ang mga mata nito sa tuwa.

Sofia's Legacy, the asia's best jewelry shop. Pag-aari ng pamilya nya. Isinunod ito ng kanyang Mommy sa pangalan nya. Ang Alcantara Jewelers ang kauna-unahang negosyo nila na lumago at nagsanga-sanga, hanggang tuluyang lumaki at nagkaroon ng iba't ibang saklaw ng negosyo. Kalaunan ay naging empero. The Alcantara Empire.

"Y-yes. It's our latest jewelry. Actually limited lang ito" Nakakahiyang aminin dito na peke ang suot na singsing.

Nag-aalangang inilapit nya dito ang kamay. Tiningnan nito ng maigi ang singsing. Kinakabahan sya at baka mahalata ng babae, kahit pa wala sa hitsura ng singsing na huwad lang ito.

"Congratulations. So who's the lucky guy?" anito. Nakangiti.

"Ha?"

"You're engaged. So, sinong maswerteng lalaki ang nakakuha sa pihikang puso ng isang Miss Sofia Alcantara?"

"Nagkakamali ka." sagot nya. Naguguluhan sya sa pinagsasabi ng kausap.

"Di ba engagement ring yan? Okay I get it, you want to keep it a secret from the public. But I know sooner or later lalabas din sa publiko yan. But don't worry, I can keep a secret." Kumindat pa ito sa kanya.

Wala syang ibang naintindihan sa mga sinabi nito bukod sa isang sinabi nito na engagement ring ang suot nya. Kailangan siguro nyang pumunta sa pag-aari nyang jewelry shop para malaman ang totoo.

Ms. Maldita No More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon