Chapter 5 - Good morning!... TT..TT

53 0 0
                                    

Ang saya talaga kagabi! Kahit anong oras na kami natulog, eto ako ngayon. 4:00 am pa lang pero nag-jogging na. Ganun kasi ako. Hindi kumpleto araw ko na hindi nakakapag-jog.

"Good Morning..." wow ang aga naman ni Xiumin.

"Good morning din.." sabay bow ko.

"Hello polar bear... Good morning." sabay akbay niya sa akin. Oh my gosh! Si crush! Inakbayan ako! O sige ako na maswerte!!! Hahaha!

"Good morning din polar bear. ^__^" sige smile lang. Yung pinakamaganda dapat! Hahaha!

"Tinie wait!" lumingon naman kami. Si Channie lang pala. Ang cute niya kahit ang laking tao!

"Good morning! ^Δ^" bati niya habang nakahawak sa knees niya. Yung parang hingal na hingal. Hinimas ko yung likod niya kasi hingal nga di ba.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tumayo siya ng diretso.

"Oo naman. Hahaha! Lika dali jogging na tayo!" hinila na niya ako. Teka si Polar bear.

"Polar bear! Bilis!" naiwan kasi na natulala eh. Natauhan naman ata at hinabol kami.

"Ang saya mag-jogging kasama si Tinie!" hala! Nagchant ba naman si Channie.

"Ikaw naman!" sabay tingin niya sa akin.

"Ang saya mag-jogging kasama si Channie!" nakakatuwa tong si Channie.

"Masaya mag-jogging kapag kasama namin ang isa't isa!" sigaw namin parehas. Hahaha! Ang cute ni Channie!

"Jogging sa kanan!" nag-jog kami papunta ng kanan.

"Jogging sa kaliwa!" sa kaliwa naman!

"Jogging kahit saan basta kasama ko siya!" sabay turo niya sa akin.

"Tama na nga! Ang kulet mo pala talaga, Channie!"

"Ako pa! Hahaha!" tawa lang siya ng tawa. Kamusta na kaya si Polar Bear?

"Uhmm... Teka, tanong ko lang. Ano yung positions niyo sa group?" tanong ko.

"Ahh! Rapper ako!" wow! Parang hindi siya rapper. Parang dancer siya?

"Akala ko main dancer ka.. Pero.. Teka bakit?" tumatawa kasi sila Baekhyun at Xiumin. Anong problema?

"Hoy! Baozi! Polar Bear! Anong problema? Tawa kayo ng tawa jan! Mukha kayong ewan!" halos yugyugin ko na silang dalawa.

"Oo nga, tama si Tinie anong problema niyo?"

"Tama na.." hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa balikat niya. Hinila niya ako hanggang sa maging malapit na kami sa isa't isa.

"Hindi magaling sumayaw si Chanyeol." ha! Hindi halata! Mukha kasi siyang dancer sa attire niya eh!

"Yeah... yeah... Ako na hindi marunong sumayaw." sinasabi niya habang nakataas yung kamay niya.

"Weh? Hindi ka magaling sumayaw?" tanong ko kay Channie.

"Hindi.. Pero magaling naman ako sa rap eh. Kaya okay lang." sabagay tama nga naman siya.

"Moving on, Kayo anong position niyo?" sabay turo ko sa kanilang dalawa.

"Ako dancer." si Xiumin ang dancer! Tama hula ko!

"Main Vocals." wow! Main vocals siya.

"Sample nga jan." kumanta naman siya ng Payphone.

~Im at the payphone trying to call home

   all of the days I spent on you

   Where are the times gone baby its all wrong

   Where are the plans we made for two~~~

duet kami! Nadala ako eh!

"Ang ganda ng blending niyo." sabay clap ni Xiumin

"Thanks!!!"

Nagjog na lang kami ulit. Hanggang sa makabalik na ulit kami sa bahay.

"Good morning uncle!" bati ko kay uncle na nasa dining na.

"Good morning Mr. Lee" bati nila kay uncle.

"Join us in breakfast." umupo naman ako sa tabi ni uncle at Jun.

"Hindi mo naman sinabi na mag-jojogging ka." eto namang bes ko tampo agad.

"Baka kasi pagod ka. Kaya hindi na kita inaya." sabay kagat ko ng bread.

"Ang bait talaga. Pero bakit mo kasama yung 3???"

"Actually dapat ako lang. Eh habang nagjog ako nakita ko si Xiumin so sumabay na ako. Tapos dumating si Polar Bear at Channie." kumain ako ulit.

"Naks! Polar Bear, ano yan endearment niyo na ba yan?"

"Well no love connection ha." sana nga eh.

"Yeah yeah... Gusto mo manuod sa amin?" hmmm...

"I'll ask uncle." tumango na lang siya.

"Uncle..."

"What?" busy pa rin si uncle sa news paper niya.

"Can I watch them perform tonight?" sana oo!

"Sure! I heard na emcee ngayon si Taeyeon at Tiffany." wow! Sakto pala!

"Wala po ba si Sunny unnie?"

"Wala, on vacation ang So Nyu Shi Dae. Nasa LA siya." huhuhu... Bakit? Dapat pala tumuloy na ako sa LA eh! Inaaya kasi ako nila Louisse sa LA na magvacation eh kaso minsan lang to. Sayang naman.

"Eh yung SHINee?" malay mo andun sila di ba? di ba?

"Emcee ata si Min Ho eh." sagot ni Jun.

"Aish... Wala ba si Jonghyun?" miss ko na yung ulol na yun eh!

"Papuntahin mo para may kasama ka manuod." ay tama!

"Talino talaga ng bes ko. Sige tatawagan ko mamaya."

Pagkatapos namin kumain. Nakipaglaro muna ako sa kanila.

"Di ba meron kayong tree house dito?" ay oo nga pala! Dun kami laging tumatambay nila Suho at Jonghyun.

"Yeah, gusto niyo pumunta? Sa tingin ko naman kasya tayo dun." ang laki kaya ng treehouse namin!

"Sure!" pumunta na kami sa backyard. Tapos ako na nauna umakyat ng puno.

"Wow!" yan na lang nasabi nila.

"Ganun pa rin siya Bes."

Oo nga ganun pa rin yung tree house. Same before 3 years I think.

"May dinagdag lang na mga arcades." kanya kanya na sila sa pag-upo sa kanina kanilang bean bags. Kanya kanya rin silang laro.

Pumunta ako sa favorite spot ko. Sa may pinaktaas na bahagi kasi ng rooftop may parang observatory. Andito pa rin yung ginagamit kong telescope.

"Namimiss mo na yung totoo mong bestfriend no?" tanong ni Jun.

"Hindi naman. Anjan naman kasi kayo ni Jonghyun para pasayahin ako eh."

"Pero namimiss mo nga? Its been I think 3 years since he..."

"Died... I know, until now. Mahal ko pa rin yang si Monster eh. Hay...First love never dies.." gusto niyo makilala yung tinutukoy ko? Baka next time na lang.

"Gusto mo bang pumunta sa puntod niya?"

"Maybe some other time na lang." sabay ngiti ko sa kanya. Pero nagulat ako nung dinampi niya yung kamay niya sa pisngi ko.

"Ayokong umiiyak ang bestfriend ko eh." umiiyak na pala ako kanina.

"Hahaha! Hindi naman ah." sige tawa lang Tine. Mukha kang baliw.

"Wag na magkunwari pa. Bestfriend mo ko. Kilala na kita."

"Thank you bes." sabay akap ko sa kanya. Namimiss ko na yung Monster na yun! Kung hindi lang kasi siya adventurous masyado eh.

"Basta ikaw bes." tapos tinanggal na niya yung pagkaka-akap sa akin.

"Dance revo tayo Kyo!" sakto naman ang dating ni Xiumin.

"Sige!" nginitian ko na lang si Joong tapos bumaba na kami.

Summer time at SMent (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon