Chapter 17 - Crush mo si???

33 0 3
                                    

Luhan's POV

Yeah! May POV rin pala ako! Thank you author! Love you!

(A/N: Hahaha! Hindi ko UB si Luhan ha! Move on)

"Luhan?! Kyo?!" gulat na gulat si Baekhyun sa aming dalawa.

"Anong ginawa niyo sa kwarto ni Kyo?"

"Inantay ko lang siya na magsapatos." napatango naman si Baekhyun.

"Saan pala kayo pupunta?" tanong niya.

"Maglilibot lang." sagot ko.

"Ahh... Sama ko?"  tumingin ako kay Kyo.

"Uhm... Sige! Antayin ka na lang namin sa salas ha." tumango naman siya at pumasok agad sa room. Akala ko pa naman masosolo ko si Kyo.

"Luhannie oppa..." tumingin ako sa kanya.

"Ikaw ba may... may crush ka ba ngayon?" huh? Teka pano ba to?

"Meron.." diresto kong sagot.

"Sino?!!" excited niyang tanong.

"Ikaw..." sabay ngiti ko sa kanya.

"Ha? Anu ka ba oppa! Yung iba hindi ako?"

"Eh ikaw nga crush ko." nakangiti siya pero tinatago niya.

"Bakit mo pala tinatanong?"

"Wala lang..."

"Eh ikaw? Sino crush mo?"

"Marami eh!" aba kinikilig siya. Isa kaya ako dun?

"Sino nga? Kahit mga 5 lang."

"Hmm... Si Lee Min Ho, Niall Horan, Nichkhun, T.O.P and Baekhyun." crush niya si Baekhyun?

"Crush mo si Baekhyun?" tumango siya.

"Pero wag kang maingay ha. Kaya ko lang naman siya nagustuhan kasi kamukha niya yung ex ko..." parang naging malungkot yung boses niya?

"Pero.. Alam mo I give up na. Kasi wala naman akong panama sa eomma ko." eomma?

"Bakit naman nasama ang mama mo dito?"

"Ay oo nga pala! Hindi mo kilala ang eomma ko. Si Taeyeon ng SNSD. Siya yung eomma ko." ahh... Alam niya yung tungkol kay Baekhyun tsaka Taeyeon.

"Wag kang mag-give up! Ano ka ba... May chance ka pa no." bakit ko ba siya pinupush kay Baekhyun. Di ba chance ko to para sa akin siya maging malapit?

"Huh? Wala na! Naku! Move on... Move on din kapag may time." sabay tawa niya.

"Bitter laugh..." nasabi ko na lang.

"Ang hilig niyong sabihin yan sa akin kapag tumatawa."

"Totoo naman kasi eh." tapos nag-tsk tsk ako.

"Ganun na ba kahalata yung bitterness ko? Bakit hindi ko naman halata?" para siyang bata.

"Ganyan talaga ang mga taong pilit na idinideny ang isang bagay." napatulala na lang siya.

"Kyo! Ready na ako! Alis na tayo." anjan na pala si Baekhyun. Naging gloomy bigla si Kyo.

"Sige alis na tayo!" pilit niyang nilalight up ang mood niya. hay naku Kyo..

"Hindi masama ang pagtanggap sa katotohanan." nabulong ko na lang kay Kyo. Bakit ko ba nasabi yun?

Someone's POV

"Hindi masama ang pagtanggap sa katotohanan." sabi ko. Pero gamit si Luhan. Magiging mabuting kaibigan si Luhan para kay Kyo.

Summer time at SMent (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon