Kyo's POV
Wooh!!! Ang sarap maligo!!! Ang saya rin palang kasama ni Luhan.
"Lalala~~~"
Natapos rin ako maligo kaya eto pumipili ako ng susuotin ko. Tama! Ito na lang!
Naka-longsleeves lang ako tapos jeans and rubber shoes. Ako kasi yung tipo na ayaw mag-shorts.
"Venice and France! Ang saya ko ngayon! Ang bait talaga ni Luhan!" pinapalitan ko ng damit at wig yung mga anak ko.
Weird no? Kasi anak daw namin to ni Monster.
"Dinalaw na naman siguro ako ng Daddy moster niyo." oo na mukha akong crazy. Pero ganun talaga. Namimiss ko na kasi talaga si Monster eh.
"Ayan! Tapos na!" napapangiti na lang ako. Si Venice girl na ball jointed doll. And si France naman boy.
*Tok Tok*
"Wait lang!" iniupo ko ng maayos si Venice sa tabi ni France.
Binuksan ko na yung pinto.
"Luhan ikaw pala."
"Ready ka na?" ang cute niya.
"Hindi pa. Wait lang magsasapatos lang ako. Gusto mo pumasok?"
"Ahh sige." pumasok siya sa kwarto ko.
"Wow! Puro ball jointed doll." ngumiti na lang ako.
"Siguro itong dalawang nasa bed mo ang pinaka-favorite mo." sabay upo niya sa bed ko. Kinuha niya rin si France.
"Oo... Gift kasi sa akin yan ng ex-boyfriend ko."
"Akala ko ba wala kang boyfriend?" nakakunot yung noo niya.
"Ngayon pero dati meron... Kaya nga ex di ba?" tumango tango na lang siya.
"Anong name ng ball jointed doll na to?"
"Ahh! Siya si France tapos yung isa si Venice."
"Ang cool! Mga places sa europe ang pangalan. Ngayon alam ko na kung ano ang ireregalo sayo sa birthday mo. Speaking of birthday. Kailan pala birthday mo?"
"April 16 ang birthday ko." malapit na pala. As in next week na.
"Next week na pala. Ako April 22 na. Parehas tayong Aries. Si Sehun din april 12."
"Pare parehas pala tayong april eh. Ang saya!"
"Mag-party tayo!" tumango naman ako.
"Nga pala... Kasama ko yung family ko nun! Pupunta sila dito!" naalala ko lang,
"So mamimeet ko na ang father-in-law at mother-in-law ko." ha?!!
"Ano ba yang pinagsasabi mo Luhan oppa! Hahaha!"
"Uy!!! First time mo akong tawaging oppa!" big deal ba yun? May paturo pa sa akin effect eh.
"Big deal?" habang kinukuha ko yung fedora hat ko.
"Oo! Big deal! Kasi wala kang tinatawag na oppa sa amin! Ako palang! Kahit na mas matanda kami sayo."
"Hindi na lang kita tatawagin ng oppa." sabay punta ko ng pinto.
"Wag naman!" inilapag niya si France sa tabi ni Venice
"Sige.. Luhannie Oppa! Hindi pa ba tayo aalis??" tumayo naman siya agad tapos pumunta na sa pinto.
Pagkalabas namin...
"Luhan?! Kyo?!" hala!
BINABASA MO ANG
Summer time at SMent (On Hold)
RomanceIts about a girl who was given ano oppotunity by his uncle to live in the same house with a kpop group. Her family thinks that it could help her to get over with someone.