Chapter 28 - Galit si Kyung pero marunong Mangintriga

18 0 0
                                    

Kyungsoo's POV

"Ang tagal naman ng mga yun! Lalamig na yung pagkain oh!"

"Ahh! Gutom na ako!" sigaw ni Kris.

"Aakyat na nga ako! Pinatawag na kay Chen hindi na rin bumaba!" pumunta na ako sa hagdan.

Nakasalubong ko si Chanyeol na tatawa tawa pa habang may kausap sa phone.

"Hoy! Ano ng nangyari dun?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala.." dumiretso na siya sa baba.

Porke matangkad to kung lagpasan na lang ako!

Umakyat na lang ako.

Waah! Ang lameg! Nagsasayang ba ng kuryente tong mga to? Sumilip ako sa kwarto ni Kyo. Bukas eh.

"Guys! Kakain na! Ano ba?!" galit na ako! Aba nakilaro na kasi si Chen sa kanila.

"Sorry naman... Ito na bababa na kami." tumayo na sila tapos pumunta na sa labas.

"Naku! Kayo daig niyo pa mga bata! Inuuna ang paglalaro kaysa sa pagkain!"

"Sorry na Kyung..." mababait na mga bata!

"Good! Baba na!" bumaba na sila.

Bumaba na rin ako.

"Kyung buti napababa mo yung mga yun." kakalabas lang ata ng kwarto ni Baekhyun.

"Bakit?"

"Eh kanina pa yung mga yun naglalaro jan eh."

"Selos ka naman Baek?" intrigahin natin si Baek!

"H..Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? Aha--ha-ha.." tawa pa ng peke Hyung. Binigay ko naman yung sarcastic smile ko sa kanya.

"Hyung.. Hindi ka marunong magsinungaling.." sabay iling iling ko.

"Ha?! H..hindi naman kasi talaga eh!" nauna na siyang bumaba.

"Naku! Si Hyung hindi marunong mag-lie. Tsk Tsk..."

Hahaha! Asar na siguro si Hyung. Naku, Halata naman na malakas ang tama niya kay Kyo eh. Halos lahat naman kami may gusto sa kanya eh. Maganda, matalino, talented, mabait... Lahat lahat na! Kaya lang hindi kasi siya marunong makaget over sa past niya eh. Yun lang talaga. Pero sa tingin ko matutulungan naman namin siya na magmove on.

Pagkarating ko sa dining nakaupo na sila sa respective seats nila. So umupo na ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ayun!

Biglang nag-vanish yung food sa table!

"Hindi kayo mga gutom niyan?" sabay kami ni Kyo.

Tumawa na lang sila. Kumain na lang din kami ni Kyo. Malalakas kumain mga kasama namin.

Summer time at SMent (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon