Baekhyun's POV
Tatanungin ko na ba siya?
Teka... Bukas yung pinto sa room niya tapos ang lamig!
Grabe!
"Wahahaha! Yeah! I won again! How was that?" sigaw ni Kyo?
"Waah! Yung totoo! Ngayon mo lang ba to nalaro?"
"Oo nga! Hehehe! Fast learner lang talaga ako!" depensa niya sa tanong ni Suho.
"Isa pa! Isa pa! Mananalo na ako this time!" anjan si Luhan? Sabi ko na nga ba eh....
Sa tingin ko may gusto siya kay Luhan.
Wala na akong pag-asa sa kanya.
"Oh Baek!" sigaw ni Chen. Napalingon tuloy sila sa may pinto.
"Bakit?"
"Ano tinitignan mo jan?"
"Ha? Papasok ako sa kwarto ko." sabay turo ko sa kwarto ko.
"Baek! Chen!" nakasilip na sila sa pintuan.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Suho.
"Papasok ako ng kwarto. Ewan ko dito kay Chen." tumingin naman kami kay Chen.
"Sabi kasi ni Kyung kakain na raw ng tanghalian eh."
'Ahh! Sige! Bababa na kami." pumasok ulit sa room sila Suho at Luhan.
"Teka nga pala! Anong ginagawa niyo sa kwarto ni Kyo?" buti natanong mo Chen!
"Naglalaro kami!" sagot ni Kyo.
"Ano nilalaro niyo?" ako naman ang nagtanong. Sana ganyan kadali ang pagtatanong sa kanya ng rason kung bakit siya umiiwas.
"Yung wolf board game." si Suho naman sumagot,
"Waah! May ganun ka?" grabe reaction ni Chen ha.
"Meron."
"Sali ako! Dali! Dali! Magaling ako jan!"
"Di ba sabi mo kakain na ng tanghalian?" nag-aaya maglaro kayla Kyo eh. Mag-skip lunch para lang dun.
"Oo nga. Pero isang game lang please..." nagmakaawa pa si Chen ha.
"Sige! Okay lang naman eh."
"Yey! Thanks Kyo!" pumasok na sa kwarto si Chen.
"Ikaw? Ayaw mo sumali?" tumingin sa akin si Kyo na parang may sinasabi yung mata niya.
"Hindi na. May kukunin lang ako sa kwarto eh."
"Ahh.. Ganun ba... Sige..." pumasok na siya sa kwarto niya.
Bakit ganun? Parang awkward kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap?
"Sige..." pumasok na rin ako sa kwarto.
"Chanyeol sino kausaap mo sa phone?" may kausap eh. Tawa pa ng tawa!
"Wala to!" lagot ka kay CJ! Susumbong kita!
"Nga pala kakain na raw. Baba na raw tayo."
"Sige.." lumabas na siya ng kwarto. Kausap niya pa rin yung kausap niya sa phone.
"Isusumbong ko to kay CJ eh." narinig ata ako. Lumingon eh.
"Wag kang ganyan Baek."
"Lagot ka... Hahaha!"
"Baek naman eh. Wag kang ganyan. Yung babae lang naman na kasama ko sa MV ng kanta ni K.Will. Pero wala yun! Naguusap lang kami kung ano bang dapat gawin."
"Naku! Lagot ka pa rin! Tawa ka pa!" pumasok na ako sa cr.
"Baek! Wag kang ganyan!" kinakalampag pa yung pinto.
"Bahala ka! Bumaba ka na nga dun! Naliligo yung tao nanggugulo!"
Bumaba na ata. Wala ng kumakalampag eh.
"Hay....." ang lalim ng buntong hininga ko.
Matatanong ko nga ba siya? Pero kailan?
BINABASA MO ANG
Summer time at SMent (On Hold)
RomanceIts about a girl who was given ano oppotunity by his uncle to live in the same house with a kpop group. Her family thinks that it could help her to get over with someone.