Chapter 31 - Favorite ko!

17 0 0
                                    

Baekhyun's POV

Teka... Paraparaan ka Luhan ha!!! Ayos rin to eh!!! Layuan mo ang polar bear ko!!!!

Nginitian niya lang si Luhan. Pero teka.. Nagbablush ba siya?

"Hehehe... Magluluto ako ng Kare-Kare."

"Ano naman yung Kare-Kare?" tanong ni Sehun.

"Ah Ox's tail stew in english. Basta isang cuisine sa philippines. Masarap to. For sure..." ang cute niya talaga ngumiti!!!! Nakakagigil!!!

"Ahh... Tama! Natikman ko na yan dati!" oo nga! Tama si Sehun! Si tita Sally pa nga yung nagluto eh! Waah! Namimiss ko na yung luto ni tita Sally!

"Hmm.. Ito!" kumuha siya na yung peanut butter and nilagay sa cart.

"Waah! Inipit! Favorite ko! Dried mangoes! Namiss ko to! Ah! Sweet dilis! Waah! Kasoy!" hinahabol namin siya. Ako ang nagtutulak ng cart eh. Alam ko yung Dried mangoes. Pero yung ibang sinasabi niya. Hindi ko na alam.

Kyo's POV

"Waah! Inipit! Favorite ko! Dried mangoes! Namiss ko to! Ah! Sweet dilis! Waah! Kasoy!" sila hinahabol ako. Ako naman kuha, lagay, kuha, lagay! Parang ilang araw pa lang ako nalalayo sa pinas ganito ko na kamiss ang mga foods!

"Teka Kyo! Ano ba tong mga pinamimili mo?" tanong ni Sehun sa akin.

"Mga pagkaing pinoy! Namiss ko to! Kahit na saglit pa lang ako nalalayo sa pinas! Try niyo kaya. Uhm... Sige! Ito mamaya tikman niyo!" pinakita ko yung pastillas. Favorite ko to eh! Eto pa! Yema! Tapos Puto Seco! Waah! Ang sarap! Polvoron pa! Ah eto! Macapuno! Tapos Ube! Yeah! The best talaga ang supermarket namin!

"Yan yung Puto seco, di ba??" lumapit si Baekhyun dun sa akin, Alam niya yun?

"Oo, teka pano mo nalaman? Natikim ka na?"

"Hindi ko pa yan natitikman. Naririnig ko lang kay Syrc." lumapit rin si Sehun

"Ay! Oo nga no. Yung lagi niyang sinasabi sa phone. Eto pala yun." kumuha si Sehun ng isang pack.

"Ahh... Sige kukuha tayo niyan." naglagay ako ng 10 nun. Malay mo magustuhan nila di ba? At hindi pa sapat ang 1.

Ang dami ko ng nabili. Kompleto na yung ingredients ng kare-kare pero wala pa yung bagoong. Gusto ko sana yung matamis eh.

Tumingin tingin ako. Sana may bagoong! Please! Ayun! At last!

Natapos rin....

Nauna na ako magbayad sa counter. Ang tagal naman nila oppa mamili!

Excited na ako maglibot eh!

"Good afternoon, ma'am Kyo." kilala ako ng cashier?

"Credit card or cash?"

"Credit card." inabot ko na sa kanya yung card ko. Tapos na rin talaga ako!

Asan na sila? Iniwan ako nung 4 na kasama ko! Akala ko ba! Hay naku! Mauna na nga lang ako sa van. Naku...

Luhan's POV

Tama bang iniwan namin siya? Naku! Baka magalit yun sa akin. I mean sa amin. Nga pala yung kanina. Yung nagkaharap kami ng super close na halos magkahalikan na kami. Sayang di natuloy! Pero yung expression ni Baekhyun. Halatang nag-selos! Tapos yung mukha ni Kyo nagblush kaso bumawi agad eh!

"Uy Hyung! Para kang baliw!" baliw na kung baliw!

"Baliw na ba agad ang nakangiti?" tanong ko kay Sehun. Papunta kasi kami sa isang cake shop. Bibili lang ng cake.

"Ewan ko sayo Hyung." Hahaha!

Bumili na kami ng cake tapos bumalik na dun sa cashier pero wala na siya. Sila Kyung tsaka Lay na yung nandun.

"Si Kyo?" tanong ni Sehun

"Hindi na namin nakita eh. Tsaka kasama niyo siya?" sagot ni Lay.

"Ahm.. Sir.. Hinahanap niyo po ba si Ma'am Kyo?" tanong nung cashier.

"Ah.. Oo miss.."

"Lumabas na po si ma'am Kyo."

"Ah sige. Thank you miss." sabi ko na nga ba eh! Dapat hindi ko siya iniwan!

Lumabas na kami. Nagbabasakaling baka nasa van na siya.

Summer time at SMent (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon