Thomas' POV
Nagising ako nang maramdaman ko ang pagdampi sakin ng kung ano man sa tenga ko. Narinig ko itong tumunog so I guess thermometer iyon. I was about to open my eyes until I felt someone beside me.
"39.2 taas. Sabagay, hot ka naman talaga." I heard an unfamiliar voice says. Babae ang nagsalita. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang isang babae na may kinakalikot sa closet. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya siguro napansin na gising na ako. Bigla naman itong lumabas ng kwarto dala ang isang towel.
Nilibot ko ang mata ko. Obviously, hindi ko ito kwarto. The room's well groomed. Napakaganda ng ambiance, nakakarelax ba. Napapikit naman ako nang maramdaman kong kumirot ang ulo ko.
Humiga ako ng maayos at itinukod ang mga kamay ko sa ulo ko.
Narinig ko naman na paparating na ulit siya. She's getting close towards the door.
Nakita ko naman ang paglaki ng mata niya at pagkagulat nang makita niya akong gising na. "Talaga? Am I really that hot?" sabi ko dito. Nabitawan niya ang towel na hawak niya at tumakbo paalis.
I silently laugh at that scene. Nakakatawa yung itsura niya. Sumakit na naman ang ulo. What the hell happened? Paano ako nakapunta dito? I look at the clock beside me, and it's already 5 in the morning.
I tried to get back to sleep, pero hindi umuubra. I also tried refreshing my mind about what happened pero wala akong maalala. I closed my eyes and try to rest.
"Chris, bumalik ka nga dito!"
"Christopher, please. Wala lang yon, open your mind naman! It's nothing, please don't leave!"
"Wag mo naman akong iwanan, don't ruin our night!"
"I'm sorry okay? Please, wag ka lang umalis! Nagsisisi na ako!"
"It was just a kiss, babe. Hindi naman sinasadya yon. Chris! Chris!"
"HOY! HOY! GUMISING KA NGA!" Napabalikwas ako sa kinahihigan. Ang bigat ng bawat paghinga ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko, nararamdaman ko ang pagkahapdi nito.
"Bakit mo ako sinampal?! Damn! Ang sakit. Amazona ka ba?!" sigaw ko dito sa babaeng 'to. "Hoy! Sino ka para sigaw-sigawan ako? Ikaw na nga 'tong ginigising eh. Binabangungot ka po, kuya. And amazona? Kung sabihin kong oo, mananahimik ka ba? Jeez. Ngayon lang ulit ako nasigawan!" sigaw nito pabalik sakin. To be honest, ang ingay niya. Lumabas siya sa sa kwarto nang padabog. Bakit ba ang hilig magwalk-out non?
Huminga ako ng malalim at pilit pakalmahin ang sarili. It was so weird. My dreams? Those dialogues? Alam kong totoo yon. Boses niya. Puro boses lang ni Arra ang narinig ko mula sa bangungot na yon.
BINABASA MO ANG
The Lost One (ThomAra)
RandomA fanfiction about Thomas Torres x Ara Galang. All rights reserved. 2016. © amaranthsoul