Sixteen

2.1K 94 20
                                        










"Ano? Tititigan mo na lang 'yan magdamag?" napalingon naman ako sa nagsalita. Nandito na pala si Jeron kasama si Tamara. Instant yaya na naman pala ako.





"Makatingin 'to, loyal ako kay Mika wag mo ako aagawin!" binato ko naman sakaniya yung sinasabi niyang tinititigan ko. "Ano ba kasi 'to?" pinulot niya 'yon at binasa. Kinuha ko naman agad si Tamara sakaniya.





"Birthday celebration ni Arra?" tanong niya. Nabasa na nga eh. "Oh bakit hindi ka nalang pumunta?" suggest niya.


"Ayun nga pinag-iisipan ko bago ka manggulo dito eh. Bukas pa naman ata 'yan kaya di ko na muna poproblemahin." sagot ko. Pero ang totoo niyan ilang araw ko na 'yan pinoproblema.


"Alam kong mataas pride mo, Vic. Pero wala namang masama kung pupunta ka, besides nandoon naman si Kuya Jun ah." sabi niya. "At paano mo naman nalaman na nandon si Kuya Jun?" tanong ko. Chismoso talaga.





"Ayan oh." tinapat niya sakin yung phone niya at pinakita yung isang post. "June Galang is attending an event nearby." ay naloko na.





"See? Ikaw na lang ang nagpapakatigas diyan." wow ha. "Ikaw rin naman eh. Gabi gabi nga eh." namula naman ang loko sa sinabi ko. Hah, you don't me Jeron Teng.





"Marinig 'yan ng anak ko!" sigaw niya sakin pero dinala ko nalang si Tamara sa kitchen. "Alis na ako!" rinig kong sabi ni Jeron at ang pagsarado ng pinto.





May pasok kasi ang lolo niyo. Si Mika naman, nagge-general cleaning sa taas. Magkatapat lang kasi yung condo namin, pero nasa susunod na floor yung sakaniya. Kaya sakin naiwan si Tamara.





"Oh baby, what do you want to eat?" tanong ko. Natunaw naman ako nang ngumiti ito sa akin. "Kik!" anong kik? "Ano baby?" tanong ko ulit. "Keyk!" ah, cake! Pumunta naman kami sa ref, binuksan ko ito at tumambad sakin ang mga lamok. Joke, puro packed meals lang ang meron ako, at mga dahon dahon.


"Nako, baby wala akong cake. Madamot na mommy mo nung pinanganak ka eh." malungkot kong sabi, hindi ko alam kung naintindihan niya pero sumimangot rin siya. Pumunta na lang ako sa pantry at naglabas ng muffins na gusto niya. Binaba ko muna siya sa sofa nang makita kong tumatawag si Mika.





"Oh?"





"Magdedeliver ako ng cake sa shop ni Cienne. Pwede bang sayo muna baby ko?" ay kaloka.





"Sasama ko nalang 'to sa mall." hindi ako nagpapaalam, iniinform ko na talaga siya.





"Wag mong iwawala 'yan ha! Kakalbuhin kita gaga ka pa naman. Basta just text me nalang and pupuntahan ko kayo after."


"K."





"Basto--" pinutol ko na agad yung tawag.





"Baby, bili nalang tayong cake, okay?" humagikgik naman siya. Nag-ayos na ako nang mabilisan, plain white dress and flesh pumps, okay na yan.





I fixed Tamara's seatbelt then drove off to Eastwood Grand III. Eto na naman kasi ang pinaka-tahimik na mall sa panahon ngayon. Bukod sa may card system ang pagpasok, onti lang ang pumupunta kumpara sa ibang mall.





We first settle in Pablo's. Dito nalang ako bibili ng cake, dahil dito naman pinaglihi si Tamara. I asked for a baby seat, and binigyan naman ako agad. Nakita ko naman na pinagtitinginan ako ng ibang staff, malamang inaakala na namang anak ko 'to. Hindi ko na sila pinansin at pinakain na lang si Tamara ng cheesecake. I gave her the baby spoon at kumain naman siya mag-isa.








The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon