Fourteen

1.7K 101 14
                                    


Ara



"Baby, come here!" tawag ko sakaniya at sumagot naman ito ng mahinang higikgik. "Mimi-- mimi!!" sabi nito habang naglalakad papunta sakin. 



Binuhat ko naman agad siya  nang makalapit ito sakin. Hmm cute cute talaga! "Parang kailan lang nung nilabas ka ni Mommy sa tummy niya, ngayon naglalakad ka na!" sabi ko at pinanggigilan siya. Tumawa naman siya ng tumawa habang pinipisil-pisil ko yung pisngi niya.




Hilaw calling...




"Oh?" sagot ko sa tawag nitong intsik na 'to. 



"Ang tagal mo naman! Kung pinanggigigilan mo lang si Cross, utang na loob, Ara. Maawa ka, kailangan kita dito!" bulyaw niya sakin sa kabilang linya. 



"Hoy! Ano akala mo sakin alalay niyong mag-asawa? Walang hiya. Eto na papunta na!" binabaan ko nga ng tawag. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong mag-asawa na 'to, matagal na akong nakapatay. Joke. 



"Baby, let's go to the hospital na okay? Baka kainin ako ng Daddy mo, at kalbuhin ako ng Mommy mo." sabi ko sa baby girl na hawak ko na hindi naman naiintindihan yung sinasabi ko pero laging tumatawa.



"Baby, lagi kang naka-smile :( Baka paglaki mo, iyakin ka. Wag kang iiyak dahil sa boys, ha? Sila dapat ang pinapaiyak." on cue, bigla naman siyang umiyak. Hala, naintindihan niya? 



"Oh tama na, joke lang yon ni Mimi, okay?" bigla naman siyang tumawa ulit. Tinawag ko na si Manang Teta para isunod yung gamit ni Cross sa sasakyan. 




Yes, hindi ko anak 'yan. Wala nga akong boyfriend, anak pa kayo. Wala namang vending machine ng baby, ano? Anyway, ang baby girl na mukhang siopao na alaga ko ay anak nga ni Jeron at Mika. Almost 2 years old na rin. Bakit girl, pero Cross ang name? Dahil 'Tamara St. Cross Teng' ang fullname niya. Saint na, may cross pa. Kapag eto, hindi pa nilapitan ng mga anghel, ewan ko na lang. 


Oo, Tamara. Hindi Thoma--- the heck? Tch.





"Mimi!" pumasok na nga ako sa sasakyan at tinatawag na ako nitong alaga ko. 


Hindi lang ako bestfriend, taga-linis pa ng bahay, caretaker, nanny at lahat na. Ngayon, bestfriend na talaga ang role ko. Manganganak na naman si Mika. Nagle-labor na siya kanina pa, kaya nagpa-panic na yung intsik. Hindi raw i-ire si Mika kapag wala ako. Sinong matinong pag-iisip ang isasaalang-alang ang pag-ire sa bestfriend niya?

The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon