"Isa ka ngang tunay na Galang. Palaging nasa spotlight. Very good, baby sis. Itim na itim ata kayo tonight." pang-aasar ni Kuya na ikinatawa nila ng mga kasama niya sa reception area. "Oo, handang handa ako para sa lamay mo dahil papatayin na kita mamaya." balik ko sakaniya.
"Bahala na kayo. Thomas, I guess you're left with no choice but to accompany my sister since kayo lang naman ata ang pwedeng magkapartner tonight." panloloko ni Kuya na ikinatawa rin ni Thomas. Paano nito nakukuhang ngumiti? Mukha kaming black sheep sa pamilya.
"No need, Jun. Whatever motif this party has, ako pa rin naman ang bahala sa kapatid mo." Seryosong sagot ni Thomas. Napatindig naman si Kuya nang maayos. "Well, that's good to hear. Makita ko lang na iniwan mo ulit 'yan, alam mo na kung saan ka pupulutin." Makahulugang sabi ni Kuya.
Naramdaman na rin ata ni Arra na may tensyon nang nabubuo sa pagitan ng dalawa. "Well, let's just enjoy the party everyone. Thomas, you know where it is, and kasama mo si Vicky don." nakita ko naman na nagulat si Thomas ngunit dumeretso lang ng lakad at nauna sakin.
"Vic, may I have a second?" pigil sakin ni Arra kaya sumenyas ako kay Thomas na hintayin ako. Mabuti naman hinintay niya ako, baka iwanan ako ulit. Joke.
Hinatak ako ni Arra sa gilid habang di pa rin nawawala ang malaking ngiti sa labi niya. Mukha naman timang, buti maganda 'to. "Hay, Vic." kinuha niya naman yung kamay ko. "I'm very happy tonight that you came. Thank you so much, Vicky. You don't know how long I've waited for this time to come na magsasama ulit tayong tatlo." hindi ko na siya binara at birthday niya naman. "Well, aside from that, ibibigay ko talaga sa'yo 'to." sabi nito at inilabas mula sa palad niya ang isang susi.
"I went to our old house and found this at Mom's old closet. It was with a letter telling whoever finds it to hand it to you. I don't know what it is and what it may bring you, but please keep it well. Ikaw lang ang naiiba, dahil nung binalikan namin ni Kuya yung bahay, parehas na sulat lang ang nakuha namin na samin ipinagkatiwala ang tig-kalahati ng bahay." pagpapaliwanag niya sa kin. Tango lang ako ng tango.
"It may be mom's treasure all along, di natin alam. Nevertheless, again i'm very thankful that you came." huling sabi nito at niyakap ako. "Happy birthday, Arra." Niyakap ko siya pabalik at agad na nagpaalam, hinihintay din kasi ko ni Thomas.
Tinago ko na ang susi sa wallet ko. "Treasure hunting?" asar ni Thomas. "Wala ka nang pake don." pagtataray ko. I heard him laugh and felt his hand supporting my back. Siya ang nagtuturo ng daan, at pansing-pansin ang pagtitinginan ng tao habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung dahil ba sa naka-itim kami o hindi sila makapaniwala na nandito ako sawakas.
Tuloy tuloy lang kami ng lakad. Nasa harap kasi ang upuan namin. Narinig ko naman ang mga nagbubulungan sa paligid namin.

BINABASA MO ANG
The Lost One (ThomAra)
RandomA fanfiction about Thomas Torres x Ara Galang. All rights reserved. 2016. © amaranthsoul