Six

1.8K 81 8
                                    




Enjoy Chapter 6! This chapter includes flashbacks, so be patient. Wag niyo madaliin si Ara, pagong din yun eh. HAHAHA.


--

Ara's POV


Iniwan ko na siyang nakanganga sa kawalan. Hello, kahit naman para lang yon makabawi kay Arra, eh kailangan ligawan parin ako. Charaught! Onting pilit pa, Thomas. Syempre, baka sabihin naman niya ganon ganon lang pala ako pumayag sa mga proposal. Okay na rin yon, bukod sa gipit ako sa pambayad ng kuryente, kailangan ko rin muna magisip-isip. Ayoko naman na pumayag agad, pero hindi ko naman alam ang gagawin. I guess, it's better to plan first. Ayoko rin naman na maging harsh kay Arra, dahil ka na gusto ko siyang ibaon sa lupa, kapatid ko parin siya, totoo man o hindi.


"Oh, bakit ngiting tagumpay ka diyan? Nanalo ka sa lotto?" tanong ni Mika. "Baka naman nakahalik kay Thomas." kantyaw ni Kim. Nagtawanan naman sila, pati sina Manong Isko at Manang Teta.


"Ha ha ha Kim, ilagay kita sa bonfire eh." pagsusungit ko sakaniya. "Wag naman teh, sunog na nga dadagdagan mo pa." natawa nalang kami kay Cienne.





Isa isa ng sinerve ni Manang Teta at Manong Isko ang mga pagkain na inihanda nila. Pati narin yung mga naprepare namin ni Mika na lulutuin para sa dinner. Napuno na naman ng kwento ang lamesa. As usual, ang ingay na naman ni Bang at Carol.


Isa 'to sa mga dahilan kung bakit gusto namin nila Mika na may bisita. Napakaingay man, hindi naman nauubusan ng saya. Kesa naman sa tatlo o lima lang kami dito sa isla. Masarap man, minsan nakakabagot na rin. Lalo na kapag kaming dalawa lang dito ni Jeron, at may round trip si Mika sa ibang bansa. Lahat na ata ng puno, naakyat na namin ni Jeron, pero bored na bored parin kami.





"Oh, bakit ba kapag lalapitan kita, tulala ka?" sumulpot naman si Mika sa tabi ko. "Wala, napaisip lang ako sa napagusapan namin ni Thomas." sabi ko sakaniya. Umayos naman siya ng upo at humarap sakin. "Tungkol ba yan kay Arra?" tanong niya. Tumango naman ako.


"Nalaman ko kasi na hiwalay na sila ni Arra, at alam niya na may iba si Arra. Kaya nga raw sila naghiwalay." sabi ko rito. "Oh, ayun naman pala eh, ano pa problema?" napabuntong hininga ako. "He asked me to be his girlfriend." I casually said. Nanlaki naman ang mata niya.


"See? He thought of the same thing na you two can help each other." sabi naman niya. Sumulpot naman bigla si Jeron sa tabi ni Mika at umakbay dito.


"Hindi naman kayo gaganti eh, let's just say you'll teach Arra a lesson, that girl badly needs one." Napaisip naman ako sa sinabi ni Je. Tama nga naman, hindi naman kailangan gumanti. Siguro kailangan lang talaga maturuan ng leksyon si Arra. She has gotten worst for the past years. And hindi ako handa na makita siya after ng mga nangyari. Ayoko naman na maulit pa yung nangyari nang magkita sila ni Kuya.


--

[3 years ago]


Mika, Jeron and I are chilling by the beach. Hinamon kasi ako ni Jeron na talunin siya sa Chess, kung sino manalo, makakakuha ng iPhone 7s. Syempre, papatalo ba ako?


"Hoy ang daya mo!" sigaw ko kay Jeron. Bigla niya kasing kinandong si Mika kaya nagalaw ni Ye yung chess board. "Ayoko na, ang daya mo." pagtatampo ko rito. Tumawa nalang silang dalawa. Ano pa bang magagawa ko? Ngayon nila naisipang mag PDA sa harap ko. Kinuha ko naman ang phone ko at nag-Instagram na lang. Ipopost ko sana ang picture naming tatlo, nang biglang tumatawag si Kuya Jun.


The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon