Eighteen

662 23 9
                                        







"Ars, are you okay?"


"Y-yeah. Don't worry, okay lang ako." sagot ko. Kinusot ko ang mata ko dahil para akong nakakakita ng mga bagay-bagay. Pagtingin ko muli sa matanda, nakatalikod na 'to dala-dala ang ibang mga pinggan.


"Let's get inside. Nilalamig na 'ko eh." Ayun na lang ang sinabi ko para pumasok na ulit kami sa loob. Ayoko na muna isipin 'yung nakita ko, baka namamalik-mata lang ako.


Naramdaman ko ang muling pagpalupot ng kamay ni Thomas sa likod ko. Hindi ko na ito pinansin at bumalik na sa table namin sa harap.


Pagkaupo na pagkaupo namin, isa-isa nang naglapitan ang mga reporters at ilang investors. Sakto naman na dumating din si Kuya Jun.


"Ms. Ara, it is a pleasure to see you tonight. Any particular reasons on your absence in the recent events of La Kia or your sister's business perhaps?" tanong ng isang reporter. "I'm a busy person. My job requires me to go around the country and the world to make contracts for my upcoming projects. What's important is that everyone's here to celebrate the special day of my sister. Thank you." ayun na lamang ang sinabi ko dahil wala na akong balak sumagot pa ng ibang mga tanong.


"Are you and Mr. Thomas together? It runs in the blood huh?" paupo na ako nang tanungin ako ng isang babaeng may katandaan na rin. Sasagot na sana ako pero pinigilan ako ni Thomas. "Don't mind her."


Akala ko tapos na pero sunod-sunod na ang ragasa ng mga tanong.


"Is it true that you went for rehabilitation all these years?"


"Are you and Mr. Thomas Torres in a relationship?"


"Is it true that you weren't legally adopted by your parents?"


"Thomas Torres and your sister were together before. Naging issue ba sa inyong magkapatid na dumaan sa iisang lalaki?"





I had enough. Tumayo ako muli at humarap sakanila. Tumayo rin sila Kuya Jun dahil sa pagkagulat sa ginawa ko.


"Reporters ba kayo o chismoso't chismosa?" seryoso at madiin kong tanong sa kanila. Nakita ko naman ang sabay na pagyuko nila gayundin ang pagbaba ng mga camera. Nilingon ako sa gawi ng mga investors pati na sa babaeng huling nagtanong.


Lumapit ako nang bahagya sakanila kasabay ng pag-atras nila. "I don't get it. Investors? Stockholders? I don't want to look down on you, but I just can fathom the idea of having people like each and everyone of you in here. This is supposed to be my sister's celebration, not a night for all of you to waste on somebody else's life. So please, if you don't want to ruin the night, please back off or better yet, LEAVE US ALONE." pilit ko na hindi lakasan ang boses habang sinasabi 'yon. Namutla naman silang lahat at isa-isa na ngang bumalik sa kanilang mga upuan.


"Ako na bahala, Vic. If you want to leave, just go. Maiintindihan naman siguro 'to ni Arra. Ako na magpapaliwanag." sabi ni Kuya Jun nang makalapit ito sa 'kin. Hindi pa ako nakakasagot nang dumating si Arra. "Oh God, Vic. I'm so sorry. Hindi ko na dapat pinayagan makapasok 'yung mga reporters kanina." bakas naman sa mukha nito ang pagkapahiya.


"It's okay, buti nga nakapagpigil pa 'ko. I don't want to make a scene and ruin the evening." sagot ko. "You know what, just rest, Vic. Thomas, just take Vic home para makapagpahinga. Let's just celebrate together some other time tutal early celebration lang naman 'to." paliwanag ni Arra. Nagpaalam nalang kami sa kanila at iniwan 'yung regalo. Hindi pa nagsisimula 'yung gabi, pagod at uuwi na agad ako. I looked at my phone and 9:00 pa lang.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon