Enjoy chapter five! :)--
"Vic, susunugin mo ba bahay mo?!" Bulyaw ni Mika sakin pagkapasok niya ng kitchen. Bumalik naman ako sa wisyo at muntik ko na ngang masunog ang bahay. Sunog na yung porchetta ko.
"Ay sorry, sorry!" paghingi ko naman ng pasensya. "Sorry, nasigawan kita. Sayang kasi yung porchetta mo, favorite pa naman ni Jeron yan." Natawa nalang kaming dalawa. Everyone knows kung gaano ka-perfectionist si Mika pagdating kay Jeron. Buhay pag-ibig nga naman.
"Eh bakit ka ba kasi nakatulala? Para kang nakakita ng multo kanina." tanong niya. Bakit nga ba? Dahil ba sa halik ni T-- hesu kristo, Ara! Maghunos dili ka!
"Ah wala, ano uh iniisip ko lang kung sasama muna ako kay Kuya sa Manila." pagsisinungaling ko. Ako, aalis dito sa Isla? No thanks.
Nagkibit balikat nalang si Mika, na halatang hindi kuntento sa sinabi ko.
Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig namin ang sigawan sa labas.
"Mga bakla! Kinain na ba kayo ng sistema? Asan ba kayo?"
Nagkatinginan kami ni Mika.
"Shit. Bang." sabay naming sabi ni Mika. Lumabas kami agad at hindi nga kami nagkamali. Nandito na sila.
Katulad parin ng dati, baliw pa rin si Bang. Yung tipong onti nalang iisipin mong may tama na siya sa ulo. Ang kaibahan lang, walang namamagitan sakin. Bukod sa straight ako, wala akong balak jowain yung baliw na tulad niya.
She's helpless. Kapag ikaw ang napili niyang pagtripan, kung ako sayo magpakamatay ka nalang..
"Hoy ang tagal niyo lumabas. May kidnapp kayong papable jan noh?" napairap nalang si Mika sa sinabi ni Bang at bumeso na kila Cienne.
"Titigil ka o ihahagis ka namin sa dagat?" pagbabanta ni Kim. Umirap nalang si Bang at pumasok ng bahay.
"Bakit niyo ba kasi sinama-sama pa yan?" tanong ko. Tumingin naman silang lahat kay Cienne.
"Oh bakit ako?! Malay ko bang susulpot yan sa opisina ko." bulyaw niya. She did it again.
"Pustahan, gumawa yan ng eksena sa office mo no?" hula ko. Tumango naman siya. "Hindi raw kasi siya pinayagan ni Kuya Jun sumama, kaya sakin bumuntot." paliwanag niya. Hay nako, Bang.
"Hayaan mo na nga yung bakla na yon, namiss ko kayo mga baks!!" sigaw ni Carol. Nagyakapan naman kaming lahat. Para kaming mga tanga nagyayakapan sa gitna.
"So, balita ko meron ka raw kasama na macho sa bahay mo?"
"Sexy ba?"
"Mukha bang sex god?"
"Matangkad?"
"Feeling ko, ka-teammate daw ni Jeron dati eh."
"SHHH!" natahimik naman sila. Jusmiyo. "Pwede ba tumigil kayo?! Sexy pero hindi Sex God. Gwapo pero hindi matangkad! Okay na?" pagexplain ko sakanila. Binigyan naman nila ako ng makahulugang tingin.
Totoo naman kasi na hindi matangkad si Thomas. Oo, gwapo per--
"Ouch naman. Hello beautiful ladies, Thomas Torres. Housemate ni Aruh." anak ng. Si Thomas.

BINABASA MO ANG
The Lost One (ThomAra)
AléatoireA fanfiction about Thomas Torres x Ara Galang. All rights reserved. 2016. © amaranthsoul