Three

1.5K 69 7
                                    



7 years ago...




It's already Christmas Eve. Everyone's helping in preparing the dinner table.



"Arra, asan charger ko?" tanong ko kay Arra. Arra's my older sister. I decided to not call her ate since 7 months lang ang tanda niya sakin. Yes, 7 months. She was adopted by Mommy and Daddy when we were 6. Well siya almost 7 na that time. It was a dream come true to have her. Not that hindi ko gusto si Kuya Jun, pero iba parin ang may ate na tinatawag. Yung may ate na poprotektahan ka kapag may umaaway sayo. Yung ate na kasama mo magshoshopping at magmemake-up sayo kapag prom na.


Everyone says na sister goals daw kami kahit na magkaibang magkaiba kami sa lahat ng bagay. I'm into sports, she's into communication, like reporting and all. Kung maputi ako, mas maputi siya. Introvert ako, siya extrovert. She loves people. Gusto niyo ng attention, well in a good way naman. She just want to be acknowledge since bata pa lang siya, wala na siyang magulang. And fortunately, nabigay naman namin iyon. Habang ako, mahiyain. A lot of people know me because of Volleyball, pero hiyang hiya pa rin ako kapag tinatawag nila akong "idol".



"Iniwan ko sa couch. Kapag wala, kinuha siguro ni Kuya." she said and went back to fixing the table napkins.


"Arra? Arra? May naghahanap sayo sa labas. Bisita mo?" Manang Teta asked. Bigla namang tumakbo si Arra palabas ng bahay at iniwan yung ginagawa niya.


"Bisita? It's Christmas Eve, bakit ngayon siya may bisita?" Mom asked. I shrugged. Hindi ko alam diyan, baka magbibigay lang ng regalo.


"So, shall we eat? Where's Arra?" Dad asked. "Nasa labas, Dad. May bisita raw siya eh." I said. Napakunot naman ang noo ni Daddy. Eto ang ayaw niya sa lahat, ang may papagitna sa oras para sa pamilya. As much as possible, gusto niya na nakafocus lang kami lagi sa quality time na meron kami kapag magkakasama.


"Tara na, hintayin nalang natin siya. Let's eat! Yes!" Kuya said. Natawa nalang kami ni Mommy. Nagtungo na lahat kami sa kaniya-kaniyang upuan, pero wala pang kumakain dahil nga hinihintay si Arra. This is the greatest rule, kailangan lahat sabay kumain, regardless of how busy you are.


"Manang Teta, tara kain na po tayo." yaya ko sakaniya. "Ay sige na, mauna na kayo Vic. Tatapusin ko lang 'to at susunod na rin kami ni Isko." sabi naman niya at tinuloy na ang pagpupunas ng mga pinggan.


Masayang nagkukwentuhan si Mommy at Kuya nang dumating si Arra, kasama ang isang binata.


"Who is he?" Dad asked. Arra smiled. "Daddy, Mommy, Vic, at Kuya, si Rex po, boyfriend ko." pakilala niya. Walang nagsalita saming lahat. She broke the rule. Walang pwede saming magkaroon ng kasintahan hangga't hindi kami gumagraduate ng College. Strict sila, oo. Pero hindi tama na suwayin ito dahil ito lang ang paraan para makabawi kami sa lahat ng ginagawa nila para samin. 

The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon